01

2.4K 40 0
                                    

"Hi my favorite father!"

Binati ko si daddy happily para maganda mood niya. Sana lang hindi pa niya nachecheck yung email niya.

Kinakabahan ako ngayon at bigla niya akong pinatawag papunta sa office niya. Hindi naman madalas mangyari 'to. Pag may kasalanan o bilin lang siya saakin.

"Maupo ka." Umupo naman ako sa 4-seater niyang sofa, habang siya ay seryosong nakaupo sa harap ko.

"Ano po yun, daddy?" Iniabot niya saakin ang isang folder na may lamang papel. Sa hula ko ay hard copy ito nung email na hinihiling kong hindi niya mabasa.

Pero nabasa na niya. Naprint pa. I'm doomed!

"Can you explain this to me?" Bakas sa boses niya ang disappointment. Sorry naman, tao lang.

Kinuha ko yung papel at kunwaring binabasa, pampakill time lang. Kahit alam ko naman talaga kung anong nakasulat dito.

"Hala naexpell pala ako?!" Kunwaring gulat kong sabi. Syempre dapat 'di halatang may kasalanan ako noh.

"Can you explain this to me?" Pag-uulit nito. Strikto talaga kahit kailan.

Inilapag ko ang papel sa mesa at suminghap para mag-explain.

"Dad, ang strict kasi ng professor ko. She's mentally and emotionally abusing me. Kaya nga ako nag-aaral kasi mahina ako sa math 'di ba? Pero hindi man lang kinonsider yung effort ko." Kahit papaano, nag effort pa rin akong pumasok sa klase niya noh.

"In other words?" Kinocorner naman ata ako ni daddy eh.

"Pinaglaban ko lang sarili ko, malay ko bang anak pala siya ng Department Dean namin."

Kasalanan ko bang tinawag-tawag niya akong boba at walang utak? Kapit-pera at madaya? Syempre 'di ako papatalo noh! Sino ngayon ang umiyak at napahiya sa huli? Eh 'di siya!

Napasinghap naman si daddy. Halatang hindi niya nagustuhan ang ibinalita ko.

"Itatransfer kita. Sana hindi na maulit 'to." Sabi nito, no choice siya eh. Natapos na ang pangyayari.

"Yes dad!" Excited na sabi ko. Ayoko din naman sa school na 'yon. Ang mahal ng hinihingi nila kay daddy para lang iconsider ulit yung grades ko.

Kinabukasan, pumasok na agad ako sa panibago kong school. Aba, kailangan kong magpaimpress kay daddy kahit papaano. Baka isipin niyang suwail akong anak, kahit hindi naman.

Medyo late lang siguro ako ng mga thirty minutes. Pero okay lang yun, transferee naman ako.

"Goodmorning guys." Bati ko pagkapasok sa room 304, which is first class ko. Nginitian ko sila, for happy first impression. Kaso mukhang may tension sa classroom na ito eh.

So this is my classmates huh? "Excuse me miss, but you are interrupting my class." Napalingon naman ako dun sa nagsalita, it was our teacher. Wow.

Nakasalamin ito kaya hindi mo unang makikita ang mata niya, but his eyes are bold. Madyado ring define ang jawline niya at yung labi niya? No comment. Basta masarap i-kiss. Nakasuot pa ito ng blue long sleeves na polo pero nakarolyo ito hanggang sa may siko at nakatuck-in sa slacks niya. May belt rin doon. Ang bango rin niya, ang saya naman ng klaseng 'to!

Nakakasipag mag-aral.

"Miss," Sabi nito kaya natauhan ako. Nakatitig na pala ako sakaniya, shit!

"Sorry po, transferee kasi ako. This is my first class." Magalang kong sabi. Siya naman ay tumingin sa class record nya bago ako binalingan ng tingin. "What's your name?"

Meet Me at Class (Student-Teacher Relationship)Where stories live. Discover now