25

1.1K 30 1
                                    

"Magbake ka na lang kasi."

Kanina pa kami palibot-libot ni Ysa sa mall para maghanap ng regao para kay Aldwin. Bukas na kasi yung birthday niya pero hanggang ngayon asi wala pa rin akong maisip a magandang iregalo.

Si Ysa nga, mukhang inip na inip na kakalibot namin. Kaya nagpahinga muna kami rito sa coffeeshop.

"Nauubos kasi ang pagkain. One time pleasure lang 'yon. Paniguradong marami ring pagkain a birthday niya," Pandadahilan ko. Gusto ko kasi, something memorable. Yung pwedeng pang keepsakes.

Umirap naman si Ysa na parang ang stressful kong kasama. Hindi ko siya masisisi dahil ang dami na niyang sinuggest pero wala akong tinanggap ni-isa sa mga 'yon.

"Ayaw mo ng gamit kasi mayaman na siya, ayaw mo rin ng pagkain kasi nauubos. Anong gusto mo Explosion box? 365 love notes? Jars of memories?" Sarcastic niyang sabi na may halong pandidiri. Halatang naoornihan siya sa mga ganung bagay. Pero kahit ako, hindi ko naisipang gumawa ng mga ganun.

"Pang high school naman 'yan eh," Puna ko rito.

"E' di ano? Anak? Papabuntis ka, ganun?" Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ngumiti ako para ipakitang good idea yung sinabi niya. Kumunot naman ang noo niya nang napansing hindi ako humindi sa suggestion niya.

"Hoy! Don't tell me, anak talaga ireregalo mo?" Gulat na tanong niya. Napangisi nalang ako sa reaction niya. Though, hindi naman talaga anak ang ireregalo ko. "Kaya ayokong magjowa eh," Sabi pa nito.

Bitter kasi ang babaeng 'to. Mabuti na nga lang at sinamahan niya akong bumili ng regalo ngayon. Partida sobrang busy ng trabaho niya. Isa pa, nauurat siya sa ideya na ang tagal ong mamili ng regalo para sa jowa ko.

Syempre, ngayon nalang ulit kami nagsama ni Aldwin. Hindi ko nga iniexpect na magkaabalikan kami. Napakakitid kasi ng utak ko. At kailangan ko talagang bumawi.

"Baka wala lang pumapatol sa'yo," Pangangasar ko rito.

Sa huli, naisip kong customized gift nalang ang iregalo ko. Parang nakawala naman si sa nang lumabas kami sa mall. Kailangan na rin pala talaga niyang muwi dahil may mga trabaho pa raw siya sa bahay. Mahirap talagang maging secretary ng malaking tao. Pero syempre, mas mahirap magjowa ng malaking tao--tulad ni Aldwin.

Pero dahil mahal ko siya, lahat ng hirap ay nagiging saya.

Pagkauwi ko sa condo, hinanda ko ang mga gamit na gagamitin ko bukas. Nagpatahi pa ako ng long gown para siguraduhing maganda ako sa event ng boyfriend ko. 

Medyo nakakakaba lang, dahil sabi ni Ysa ay marami raw invited na corporate people. Aside from his birthday kasi, celebration din 'yon ng pagiging major stockholder niya.

Minsan nacu-curious rin ako kung matatanggap ba ako sa mundong kinabibilangan niya. Pero tulad ng paniniwala ko dati, wala akong pakialam sa iniisip ng ibang tao.
Maaga akong nagising kinabukasan para kunin ang pinacustomize o na regalo. Sobrang natuwa ako sa resulta. May pagkapricey ka nga lang pero worth it naman.

"Jarelle?" Napatingin naman ako sa tumawag saakin at halos manlaki ang mata ko nang makita si Luke.

"Luke!!" Bati ko rito. Hindi natago ang pagka-excite sa boses ko. Hindi na kasi ulit kami nagkita ulit dahil naging busy na siya sa trabaho niya. At isa pa, bumalik siya sa ibang bansa dahil nagkabalikan rin sila ng jowa niya.

Lumapit siya saakin. Bakas rin sa mukha niya ang excitement dahil nagkita ulit kami.

"How are you?" Tanong nito. Ang matured na niyang tingnan umpara dati.

Meet Me at Class (Student-Teacher Relationship)Where stories live. Discover now