16

1K 32 0
                                    

"Hindi ko tinatanong,"

As much as possible, gusto kong tanggalin na siya sa sistema ko. Ayoko nang isipin siya, at ayoko nang magpaapekto sakaniya. Sawang-sawa na ako sa bagay na iyon.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya kailangang iklaro saakin na hindi siya kasal o enggaged. Anong pakialam ko? Ano ba kami?

Isinara ko ang pintuan ng kotse niya at umakyat na kaagad sa unit ko. Kumuha agad ako ng tubig at nilagok iyon.

Inisip ko na siya kagabi, tapos mukhang guguluhin ulit niya ang gabi ko ngayon. Kailan ba ako makakamove-on sa'yo Aldwin? Bakit ka pa kasi nagpakita ulit?

Hindi maaga ang klase ko kinabukasan kaya late na ako pumasok. Buti nalang at wala masyadong professors sa faculty.

Inilagay ko na ang mga gamit ko sa table at nireview ang powerpoint ko para mamaya.

"Excited na ako mamaya!" Sabi naman nitong katabi kong prof. Kinikilig pa siya na parng teenager kaya napailing nalang ako.

"Ano meron?" Tanong ko agad sakanoya kaya binalingan niya ako ng atensyon.

"Ililibre daw tayo ni Aldwin ni lunch, remember? Crush ko 'yon e!" Sabi pa nito. Napasinghap nalang ako nang sabihin niya 'yon. Kakain na naman with him? Ayoko muna, baka mawalan ako ng gana.

Dumiretso ako sa klase ko nang mag alas dyes. As usual, may mga nakikipagchismisan saakin studyante, may mga nakikinig, at may mga pasaway. Normal lang naman iyon.

Normal lang na may makita kang iba't ibang uri ng studyante sa klase mo. Bawat isa kasi sakanila ay may iba't ibang kakayahan at pag-iisip. Para saakin, hindi mo sila pwedeng pwersahin na gawin ang bagay na hindi naaayon sakanila. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi ako naging strikto sa mga studyante ko.

Naaappreciate naman nila 'yon, kaya close sila saakin.

Pagkatapos kong magturo, bumalik ako ng faculty para maglunch break. At 'yong mga co-professor kong mga babae na single ay todo ngiti. Hindi naman halatang naghihintay sila ng free lunch noh? O free group date with a guy?

"Everyone, is it okay if we eat Pizza for lunch?" Tanong ni Aldwin habang nakatayo sa gitna ng faculty room. Agad namang pumayag sakaniya 'yung mga prof do'n.

Sigurado ba talaga siyang ililibre niya lahat ng 'to? Baka masayang lang shaod niya, hindi pa naman ganun kalakihan ang sinusweldo.

Naghanda na silang umalis dahil baka matapos ang lunch break. Napansin naman ng ibang prof na hindi ako gumagalaw. Iyon ay dahil wala akong balak sumama.

"Hindi ka ba sasama?" Tanong ng isang professor.

"Gusto ko sana kaso may kailangan pa pala akong tapusin," pagsisinungaling ko. Para naman hindi nila mahalata na nagdadahilan lang ako, kaya sinabi kong 'gusto ko sana'.

"Aww, sige. I'll just tell them nalang." Sabi nito at sumunod na sakanila.

Ngayon naiwan akong mag-isa rito sa faculty room. At wala akong ginagawa, how boring!

Ayoko rin namang kumain mag-isa dahil sobrang nakakalungkot iyon. Tangina kasi! Ang lakas parin ng epekto niya. Bakit niya napapatiklop ang isang katulad ko? Gusto ko pa ba siya? Syempre hindi na!

Siguro konting pagkamiss lang sa moments namin dati. Kaya dapat talagang magboyfriend na ako eh. Para mapalitan na memories ko.

Tama! Magdadownload nalang ako ng dating app!

Iyon nga ang ginawa ko at namili rin ako ng tatlong best picture ko. Nang makuntento ako, sinimulhan ko na ang pagsaswipe sa mga lalaking hindi ko naman kilala.

Meet Me at Class (Student-Teacher Relationship)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon