54

3 1 0
                                    

"Pre ayos lang ba porma ko?"
tanong ko kay Winwin. Naka puting polo ako na 3/4 at khaki pants. Ginandahan ko rin ayos ng buhok ko para sa premiere na 'to. Andito kasi kami ngayon sa lobby bago mag red carpet ang mga artista.


"Oo pre sobrang pogi mo" natawa naman si Dahyun sa sagot ni Winwin. Kasama rin kasi namin siya.


"Taray ng manok ko ah. May dala pang bouquet oh" bago kasi ako pumunta dito bumili ako ng bouquet para kay Sana. Wala congratulatory gift lang naman heheh. Saka gusto ko bumawi dahil binigyan niya rin ako ng gift nung competition namin.


"Uy Dahyun andito ka na pala!" napatingin kami sa tumawag kay Dahyun. Kung di ako nagkakamali ito yung mga tropa ni Dahyun na lagi niyang kasama. Ang iba kilala ko na rin kasi kaibigan din ng ex ng katropa namin. So ibig sabihin tropa rin sila ni Sana?


Nag batian sila at miski si Winwin binati nila. Close na rin pala nila si Winwin.


"Guys eto nga pala si Yuta. Future ni ano HAHAHAH" pag tawa ni Dahyun


"Huh? Future nino?" tanong nung babaeng mukang palaban na haponesa.


"Hala Love si Yuta!" napatingin ako sa tumawag sakin at nanlaki ang mata nang makitang si Jisoo yun kasama si Doyoung. Anong ginagawa ng lalaking yun dito???


"Yuta at Winwin anong ginagawa niyo dito?!" gulat na tanong ni Doyoung


"Tropa ni Dahyun si Sana pre. Ininvite kami" giit ni Winwin


"Pati si Yuta? Kelan pa kayo naging close ni Sana?" dagdag na tanong ni Doyoung. Napakamot naman ako sa batok nun dahil alam ko panigurado gigisahin ako nito.

𝙄𝙙𝙤𝙡  || YutaWhere stories live. Discover now