56

3 1 0
                                    

"Ang ganda grabe" pumalakpak kami nang matapos na ang movie


Magaling talaga umarte si Sana. Alam ko kasi simula highschool nag aartista na siya kaya naman hasang hasa na talaga siya sa pag arte. Medyo madrama rin pala yung palabas nila at hindi sila nag katuluyan ni Jun sa huli. Mabuti naman.


Nag speech muna ang director pati ang ibang artista. Titig na titig ako kay Sana habang siya na ang nag spespeech. Ang ganda talaga ng boses niya parang kahit kailan hindi ako mag sasawa pakinggan. Si Jun pasimpleng humahawak sa bewang ni Sana kaya nag titilian ang mga fans. Tsk. Fanservice lang yan kasi loveteam sila.


Speaking of fans. May dalang tarpaulin ang mga fans na gusto ang loveteam nila. Pero syempre mas marami yung tarpaulin para sa fandom lang ni Sana. Andito rin yung mga kafanclub members ko. Binati nga nila ako nang makita ako eh pero hindi na sila masyado nag tanong kung pano ako nakapunta rito dahil mas nangibabaw ang excitement nila sa palabas.


Inantay namin mawala ang dagsa ng tao. Sobrang daming nag papicture sakanila at nanghingi ng autograph. She was all smiles the whole time kahit alam kong napapagod na rin siya. Nakaka inspire talaga panoorin ang babaeng 'to dahil napakadedicated niya sa passion niya. Mas lalo ko pa ata siyang nagustuhan.


"Congrats Sana!" natawa si Sana nang malakas siyang binati ng mga kaibigan niya at biglang niyakap


Napatingin ako sa bouquet kong hawak. Bigla akong kinabahan don. Nag angat ng tingin sa'kin si Sana at nag tama ang mga mata namin. Agad siyang ngumiti sa'kin. Napalunok na lang ako at ngumiti rin pabalik sakanya.


"Para sayo. Congrats pala, ang galing mo!" nag kantyawan naman ang mga kaibigan namin


Masayang tinanggap ni Sana ang bouquet na dala ko. Sinaway naman kami ng manager niya dahil nag cacause kami ng scene at may media pa raw kaya nag pigil kami ng ingay.


"Wala bang picture diyan?" pag tulak ni Dahyun kay Sana palapit sa'kin

Agad ko naman hinawakan ang siko niya dahil baka matumba siya sa taas ng takong niya. Nag pipigil na ngayon ang mga kaibigan namin sa pang aasar at pag tawa.


"Akbay naman diyan oh" mahinang pang aasar nung matangkad na babae samin ni Sana nang pinipicturan na kami. Si Jeongyeon ata yun.


Ayoko talaga nung una dahil nahihiya ako pero ang lakas nilang mang asar.


"Ayos lang Yuta" mahinang pag ngiti ni Sana sa'kin


Nag karoon naman ako ng lakas ng loob non at dahan dahang inakbayan ko na siya. Parang sasabog naman ang mga kaibigan namin sa pag pipigil sa kilig.


I-wawallpaper ko talaga ang picture namin mamaya.

𝙄𝙙𝙤𝙡  || YutaWhere stories live. Discover now