"Hi" pag ngiti ko kay Sana nang nasa tapat na ako ng condo unit niya
Agad niya ako hinila papasok sa loob para walang makakita sa'kin. Napansin ko naman ang namumula niyang mata.
"Umiyak ka ba?" nag tago siya ng muka sa'kin saka umiling
Napasimangot naman ako ron dahil alam kong nag sisinungaling siya sa'kin. Sinasabi niyang okay siya pero nasasaktan pa rin talaga siya sa mga masasakit na salita na binabato sakanya ng mga tao.
"Lika nga rito" pag yakap ko sakanya
Rinig ko ang mabibigat niyang pag buntong hininga. Mukang kailangan na kailangan niya talaga ng yakap.
"Nakakainis bakit kasi may mga ganong tao. Mga sinungaling at mapang husga" pag hikbi niya sa dibdib ko
Lalo kong hinigpitan ang yakap sakanya at pinasadahan ng haplos ang buhok niya. Kung pwede lang talaga ako na lang ang sumalo ng lahat ng sakit na nararamdaman niya ay sasaluhin ko na eh. Ayoko na ayoko talagang umiiyak siya.
"Sorry nabasa ko tuloy ung shirt mo sa kakaiyak" pag tawa ni Sana
Umiling lang ako at mahinang ngitian siya saka tinulungan siya sa pag punas ng luha niya.
"Sus. Gawin mo pa tong basahan ayos lang" malakas naman siyang natawa at hinampas ako
Yan. Bagay talaga sakanya laging nakangiti. Dapat lang na masaya siya dahil deserve niya yun.
She deserves all the happiness in the world.
VOCÊ ESTÁ LENDO
𝙄𝙙𝙤𝙡 || Yuta
Fanfic❝ Magkakagusto na nga lang,sa artista pa ❞ » NCT Series # 5 » Narration x Epistolary » Yuta x Sana ❀