Kabanata 5 : Calldascion

12 7 0
                                    

Hindi ko na talaga mapigilan ang bibig ko na magtanong kaya naman ako na ang bumasag ng Katahimikan sapagkat mas gugstuhin ko na lamang pala na mapaalis kaysa mapanisan ng laway dahil mas nakakamatay yun dah!

"A-Ah eh ano po mawalang galang na pero pwede pong magtanong?" nahihiya kong tanong samga ito kahit na obvious naman na nagtatnong na ako

Unang tumingin sa akin si Mang Kanor ngunit ramdam ko naman na nagmamatiyag si Aling Lourdes

"Aba'y maari naman basta ba'y masasagot ko Hija"masayang tugon naman nito sakin na pilit binabasag ang ackwardness na bumabalot sa paligid mas pinili ko ring tumayo dahil baka magsungit na naman si Aling Lourdes mahirap nang mapalayas sad is-oras ng gabi

"Ano po bang lugar ito?Tsaka kinakailangan po talagang ganito po ang suot natin ?" tanong ko kay Mang Kanor sabay turo sa kasuotan naming ngayon

Para namang na nagtaka si Mang Kanor at gayundin ang kanyang asawa na si Aling Lourdes

"Ngunit bago ko sagutin ang iyong katanungan hija pormal muna kaming magpapakilala ng aking kabiyak Ako nga pa si Nikanor at siya naman ang aking asawa na si Lourdes may anak kami si Manuel at Rufino ngunit wala sila rito ngayong gabi at kami ang pamilya Bucad" maikling pagpapakilala ni Mang Kanor

"Kanor kailangan bang sabihin mo ang lahat ng iyan sa kanya?Tila lumalabis ang iyong ibinibigay na impormasyon patungkol sa ating pamilya" naiinis na turan ni Aling Lourdes sa asawa

Sumimangot naman si Mang Kanor at binigyan na lamang ako nito ng hayaan-mo-na-lang-siya-look kaya naman lihim akong napangiti

"Tungkol nga pala sa Tinatanong mo Hija,nandito ka ngayon sa Pueblo Dipinlac sa bayan ng San Simon rin a tHija natural lamang na ganito ang ating kasuotan upang kahit hindi man kami kabilang sa Alta Siodad ay maging kaaya-aya pa rin kami sa mata ng karamihan"mahinahong pagpapahayag nito sa akin

Wait Dipinlac?Pueblo?San Simon? Ganun ba kalaki ang Pilipinas at hindi ko maalala kung may ganitong lugar na nag-eexist?

Baka naman kase kapag tinanong ko yung Region nila baka malaman ko na kung ilang oras ang biyahe pabalik sa Barangay namin hindi ko nalang pinansin ang fashion nila as long as hindi ako nag-iisa na nagsusuot nito

"A-Ah ganun po ba ano po bang region kayo para naman mabilis kong ma-gets ang sinasabi niyo?" tanong ko ulit dito tila nagtaka si Aling Lourdes sa mga sinasabi ko lalo na ang mukha ni Mang Kanor

"Mawalang galang na ngunit ano ang kahulugan ng salitang Ma-gets?Ano lengguwahe ba ang iyong sinasambit Binibini?" biglang sabat naman ni Aling Lourdes na tila ba iniisip niya na baliw ako

"Yung ano po yung region ano ba other dun na mas madaling maintindihan?Ah! alam ko na! Ano pong lalawigan ito?" bigla na lamang ako napatanong sa aking sarili kapag kuwa'y naibulalas ko ang nais kong itanong

"Ah iyon ba?Nasa lalawigan ka ng Calldascion kung bantog ang apat na bayan" masayang paninimula ni Mang Kanor na hindi na lamang pinansin ang himutok ng kanyang asawa

Calldascion meron ba nun?Bakit ngayon ko lang ata iyon narinig ? Tsaka apat na bayan?Dapak!
Anyway let me hear it

"Maari niyo po bang ipaliwanag sa mas madaling salita?"pakiusap ko pa kay Mang Kanor

"Ang Lalawigan ng Calldascion ay mapayapa at biniyayaan ng masasagana at mauunlad na bayan na bahagi ng La Isla Filipinas, pinamumunuan ito ng Alkalde Mayor (pinuno ng alcadia o mga lalawigan mapayapa) na si Don Antonio Alcoberjas, iginagalang siya ng mga mamamayan lalo na ang kanilang buong angkan dahil sa galing nitong mamuno nagkaroon ng pag-unlad sa apat na bayan na bahagi ng Calldascion at ito ay ang San Forsuelo, San Evasco, San Lozano kasama na ang bayan namin na San Simon"

The UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon