Kabanata 7: Ako si Celestria

12 5 0
                                    


Ikatlong Panauhan

Ilang oras na ang nakalipas nang maihatid ni Mang Nerio si Pinong at Binibining Maria ngunit hindi mapanatag ang kanyang loob sa kaniyang nasaksihan kung kaya't patuloy ang paglakad ni Mang Nerio sa tapat ni Aling Taneng na kasalukuyang nasa mesa upang maghiwa ng rekados para sa hapunan,napansin niya ang kakaibang kilos ng matandang kutchero

"Balak mo bang pudpurin ang iyong pansapin sa paa Nerio?Ako'y nahihilo na sa iyong ginagawa at sa aking nakikita malapit mo nang mapantay ang iyong nilalakaran" di mapigilang sambit ni Aling Taneng na napatigil tuloy sa paghiwa ng rekados

Samantala nagtatalo ang isip ni Mang Nerio kung sasabihin niya ito kaya paglakad na lamang ang kaniyang ginagawa

Sakto namang dumating si Señor Felipe na kanina'y nagtungo kay Señorita Asuncion ibinaba nito ang kanyang sumbrero at pinagmasdan ng pagtataka ang dalawang matanda

"Señorito!" tawag ni Mang Nerio rito

"Bakit ho?" May paggalang na sagot ng binata at agad na pumunta sa hapag upang umupo at nang makapagpahinga

"Mabuti'y nakauwi ka na Señor buti pa'y kayo na lamang ang magtanong kay Nerio dahil malapit na kong magduda sa kaniyang ikinikilos" sambit ni along taneng na ipinagpatuloy na lamang ang paghihiwa

"Ano ho kase señor....hindi ko mawari....ano...." Nag-aalinlangang saad nito

"Ano ho?" Takhang tanong ng binata sapagkat wala itong maintindihan sa sinasabi ni Mang Nerio

"Si...Ano...."mahinang sagot nito

"Mang Nerio hindi ko maintindihan ang nais niyong sabihin" simpleng pahayag ng binata

"Ngunit nangako ho ako kay binibining Maria na hindi ko ito sasabihin ngunit nag-aalala rin ho ako sa kalagayan Señor" panimula nito huminto na rin ito sa paglakad at tumigil na lamang sa gitna at nanatiling nakatayo

"Ano ho ba talaga ang nangyari Mang Nerio?" tanong nitong muli sa matanda mababakas din ang kuryusidad sa tinig ng binata kahit pa alam nito na kaya naman ng dalaga ang kaniyang sarili

"Nerio kung ako sa iyo ay magsasabi na ako ng totoo" pananakot naman ni Aling Taneng

"Ganito ho kase ang nangyari Señorito nang marating naman ang tahanan nila Binibining Maria nakatulog si pinong at nung bumaba sila nakita namin ang isang babaeng marahil ay ina ni pinong nanatili pa noon si pinong sa bisig ni Binibining Maria laking gulat ko nang makita kong dumapo ang kamay nang babae sa pisngi nang binibini at doon na nagkaroon ng pagtaas ng tensiyon waring nagsisisi sila sa pagkupkop kay binibining maria nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata sinabi niya sa akin na huwag ko nang iparating ito sa inyo ngunit Señor nag-aalala ho talaga ko kay binibini hindi man lamang nila binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ito kay Ginoo kapangahasan man ang aking hinhingi maari bang puntahan namin siya si Taneng?"mahaba ngunit nag-aalalang tono ni mang nerio

"Mabuti pa nga Nerio, nawa'y sana maayos na kalagayan ang binibini maari niyo po ba kaming pahintulutan?"
Sa kabilang banda nanatili pa ring tahimik si Ginoong Felipe parang nag iisip ng isasagot

"Hindi na ho Aling Taneng kami na lamang ho ni Mang Nerio ang pupunta sa kanilang tahanan batid ko rin na ako'y may pagkukulang" nakokonsensiyang tono nito

"Gayun ba,kung ganun nais ko sanang ipaabot ang kaniyang regalo para sa iyo" at inilabas ni aling taneng ang bagay na nakabalot sa puting tela

"Ano ho ang bagay na ito?" Pagtatanong ng binata

"Hindi ko rin batid ginoo ngunit maari mo nang buksan upang masagot ang iyong tanong" sagot naman ni aling taneng at sinamahan ito ng matamis na ngiti

The UntitledWhere stories live. Discover now