Chapter 8

10 13 0
                                    

"Kuyaaaaaa! Gising na! Ano ba mahuhuli na tayo!!!" Nagising ako dahil sa sigaw ni Daira. Kahit kelan talaga

"Kuya naman! Gusto kong makasabay sila pagpunta natin sa resort! Hoy kuya kong tulog mantika! Sumabog na ang bulkan kaya gumising kana!" Sigaw pa niya sabay katok ng katok sa pintuan ko

"Gising na! Aga aga pa kasi.." sabi ko at dumeretso na sa banyo

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko na ang gamit ko at bumaba na para kumain

Pagkatapos naming kumain ay nagpahatid nalang kami sa school at doon namin nadatnan ang iba naming mga kasama.

Umaasa akong tahimik ang magiging biyahe namin pero nagkamali ako. Sa ingay ba naman ng limang manok dito eh di talagang hindi ka makakatulog.
Limang manok namely; Kiro,Daira,Denel,Yuril,Alyjah

Buti pa yung biik dito ang tahi tahimik pati narin si Zeejan at ang mahal ko.

"Ano nginingiti ngiti mo dyan Dryxx?" Nakangiti pero naka-kunot noong tanong ni Lian

"Nakakita kasi ako ng anghel" nakangiting sabi ko sa kaniya

"Asus.. umayos ka nga" sabi niya na parang nahihiya pa

"Waaaaaa mamang driver may PDA dito oh"
"Pakulong na nga natin"
"Mamang driver deretso na tayo sa mga pulis wahahaha"
"Juskownaman nahiya ang mga single"

Sabi nila at natawa naman kami ni Lian pati narin yung driver nitong van na sinakyan namin

"Nahiya po si minion" sabi naman ni Daira dahil si Kiro ang nagsabi nung huli

"Epal na naman si teacher yak" sabi naman ni Kiro

"Ikaw 'tong epal duhh,kala mo kung sinong matangkad" sabi naman ni Daira sabay irap kay Kiro

"Ako pinakamatangkad kaya tumahimik na kayo" sabat ko naman

"Pfffft. Pabo" rinig kong sabi ni biik at nilingon namin siya pero sumeryoso naman ang pagmumukha niya

"Biik!" Sabi ko naman at humarap na sa harap

"WAHAHAH---" natigil sila sa pagtawa nung may tumunog na cellphone at pagtingin namin sa likod ay kay biik pala yun

"Oh? Then? Tas? Tsh iwan niyo na" yan lang ang sinabi niya tsaka ibinaba na ang telepono pero natigil ito at napatingin ito samin
"Oh?baket?" Tanong niya samin

"Sino yun ha Hiwaga? Manliligaw mo ba? May iba ka na ba? Di mo na ba ako mahal? Magpapakasal pa tayo! Maghohoneymoon,Magkakaanak at magkakaroon ng ap---"

"Ano bang pinagsasabe mo?" Kunot noong tanong ni biik dahil ang O.A nitong si Alyjah

"Nandito na tayo" sabi naman ni mamang driver kaya isa isa na kaming bumaba

Inalalayan ko naman si Lian na bumaba at nginitian naman niya ako

Nakuha ng atensyon namin yung si Light na lumapit sa gawi namin--dumeretso pala sa pintuan ng sasakyan at inalalayan si biik na bumaba. Close agad?

"Nice to see you again,Riz" sabi ni Light kay biik at nginitian naman ito ni biik

"Tch. Let's go!" Sabi ko at nauna nang maglakad hawak ang kamay ni Lian

"May problema ba Dryxx?" Tanong ni Lian sakin

"Wala. I just want to take a bit rest" sabi ko sa kaniya

"Here's your key and room number. Have a good stay!" Sabi nung isang staff nila dito at binigay samin yung susi at room number namin

Magkaharap lang ang room namin ni Lian kaya sabay na kaming pumunta sa second floor at dumiretso sa sarili naming room. At sa iba,ewan ko lang sa mga yun kung anong ginagawa pa nila sa baba.

Pagkatapos kong magbihis ay hihiga na sana ako ng marinig ko ang ingay nila. Mukhang magkakatabi kaming lahat ng rooms dito.

Napahanga naman ako sa ganda,ayos at laki ng room na naibigay sa akin. Mas malaki ng konti dun sa room ko itong room dito.

Humiga na ako at natulog muna,kung bakit kasi ang aga naming pumunta dito eh wala namang magawa---

*tok tok tok!*

Tch. Sino naman kaya yun?
Inis akong bumangon at naglakad para buksan yung pinto at bumungad sa akin si biik.

"Anong problema mo?" Tanong ko agad sa kaniya. Seryoso naman ang mukha niya katulad ng dati

"Ayaw mong kumain di wag" sabi niya tsaka umalis na. Anak ng--

"Hoy biik! Magtutuos pa tayo!" Sigaw ko at pumasok na sa loob ng room ko at tsaka ko lang na realize na naka shorts lang ako at walang t-shirt.

Napa-ngisi nalang ako.
Kaya pala hindi nagtagal ang biik na yun.

Nagdamit na ako at tsaka bumaba na din at nadatnan ko silang kumakain kasama ang mga taga-Perylu
Napadako ang tingin ko kay biik na katabi si Light.

Umupo nalang ako sa tabi ni Lian at nagsimulang kumain

Pagkatapos naming kumain ay nag ready na sila para sa swimming pero kami ni Lian ay naiwan lang sa isang kubo dito malapit sa mga pools dito.

"Dryxx...may sasabihin sana ako" sabi niya kaya napakunot ang noo ko

"What is it?" Tanong ko sa kaniya

"Ayaw mo na ba sa akin? Pagod ka na bang mag-intay? Ayos lang naman sakin,gusto din naman kitang makitang masaya" sabi niya kaya lalo lang akong naguluhan

"Ikaapat na buwan pa lang ng pan-liligaw ko sayo tapos sasabihan mo akong gusto mo akong makitang sumaya sa iba? Masaya akong kasama ka Li,alam mong gusto kita" sabi ko sa kaniya pero ganun pa din ang hitsura niya

"Hindi ka masaya sakin Dryxx,alam nating dalawa na mas masaya ka kasama si Yam" sabi niya kaya bigla nalang uminit ang dugo ko.
Ikatlong beses na namin to na pagtalunan si biik.

"Kung nagseselos ka ay sabihin mo Li,lalayuan ko siya" sabi ko at iniwanan na siya doon

'I'll talk to Yam'

Pumunta ako sa garden nitong resort nila Zeejan dahil wala si biik doon kasama ang iba. Malamang sa malamang nasa garden din siya kasi ganun naman daw siya palagi

Pagdating ko dun ay tama nga ako,nasa isang bench siya at nakaupo

"Woi biik,may sasabihin ako sayo" sabi ko sa kaniya at seryoso padin ang mukha niya

"Kung yayabangan mo lang ako,umalis ka na" walang ganang sabi niya. Ito ba dapat ang pinagseselosan?
Hindi ko din alam ang nararamdaman ko,fvck.

"Tch. I just want to say.... keep distance Yam, I don't want Lian to get jealous" pagkasabi ko nun ay umalis na ako at dumeretso sa room ko.

Hindi ko alam pero parang ang bigat sakin na sabihin yun. Alam ko namang wala yun

Make You Officially MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora