Chapter 10

6 2 0
                                    

YURIL's Point Of View

Umaga na nung mapagpasyahan naming umuwi muna kahit labag sa kalooban naming iwan si Dendryxx dito. Hindi ko lubos maisip na nangyari 'to sa kaniya. Ang hirap para sa amin lalo na sa akin na ganito ang kalagayan niya dahil ngayon pa lamang namin siya nakitang ganito.

Sabi nung Doctor kanina lang nung nagtanong kami ay maaaring magka-amnesia siya pagkagising niya pero ang hindi namin alam ay kung kailan siya magigising. Nagkausap naman na daw sila ni Ate Zyrylle na siyang ate nina Dryxx at Daira.

Nakakapag-takang parang wala na sa mood 'tong si Lian pero ipinagsa-walang bahala ko nalang.

Nasa parking lot na kami nung biglang may dumating na itim na kotse. Hindi naman makita kung sino ang nasa loob dahil itim na itim ito at may pinta lang na puting letrang Y sa pintuan ng driver's seat at sa kabila kung saan ang pintuan sa passenger's seat ay may pintang parang airplane.

Bumukas ang pintuan sa likod nito at lumabas ang dalawang batang babae,yung isa ay mahaba ang buhok at yung isa ay sakto lang at pareho silang medyo kulot ang buhok.

Nagulat pa kami nung lumabas naman yung driver at si Yam pala ito.

"Ate Denel!" Sigaw nung dalawang bata at tumakbo sa gawi namin at niyakap si Denel-babe.

"Buti at pinuntahan kayo ng ate Yam ninyo? Sinabi niyo bang ako ang nagsabi?" Tanong ni Denel sa dalawa at yung ikalawang tanong ay pabulong na

"Kahit hinde na nila sabihin,halata naman Maria" sabat ni Yam at natawa yung dalawang bata

"Magpakilala muna kayo sa kanila" sabi naman ni Denel at humarap naman sila sa amin

"Annyeonghaseyo! Angel-imnida!" Sabi sa amin nung batang babae na mas maikli ang buhok

"Ohayo! Anna-kawaii!" Sabi naman sa amin nung batang mas mahaba ang buhok pero napakunot-noo kami nung bahagyang tumawa si Denel sa sinabi ni Anna

"Annyeong, nice to meet you Angel" sabi ni Daira at nginitian pa ang bata at ngumiti naman ito

"Ayaw nila saken ate Yam,huhuhu" sabi nung si Anna at nagpout pa at natawa naman sila. Ang cute kaya niya?! Amponin kaya namin ni Denel-babe? HAHAH

"Gusto ka naman ni ate Yam kaya ayos lang" sabi ni Yam at inakbayan si Anna

"Yeyooo! Panalo paden ako Angel!" Sabi ni Anna at natawa naman si Angel pati narin kami

"Mas gusto naman ako ni ate Denel" laban naman ni Angel

Magsasagutan pa sana sila dahil dun pero pinatigil na sila ni Yam at inaya nang pumasok at tignan si Dendryxx kaya kami nalang ang natira dito

"Tara na?" Aya ko sa kanila pero pinigil kami ni Alyjah

"Teka! Anak ba yun ni Hiwaga? Huli na ba ako? Anak ba nila yun ni Dendryxx? Ang bilis naman yata? Ang sa---aray!"

"O.A ka na naman tungek! Kapatid ni Yam yung si Anna!" Sabi ni Denel-babe at binatukan pa si Alyjah

"Eh si Angel? Siguro anak nila noh? Tsk. Huli na talaga ako,wala na akong laban. Kikidnapp'in ko sila at ipapain para ibigay ni Dendryxx sakin si Hiwaga at makuha si Angel na anak nila. Hayy ang gan---" hindi na naman natuloy ni Alyjah ang sasabihin dahil sumabat na si Zeejan

"You're over acting. Angel is Anna's bestfriend." Sabi nito at napakamot naman sa ulo si Alyjah

"Tara na nga,magpahinga muna tayo then balik ulit para naman mabantayan si Dendryxx" sabi ni Leinnyse at nagsiuwian na nga kami

Pagdating ko sa bahay ay si Mama na alalang-alala ang bumungad sa akin

"Kumusta si Dendryxx? Alam ba ng parents nila? Gising na ba?" Tanong agad ni Mama pagkatapos niya akong salubungin ng yakap

Make You Officially MineWhere stories live. Discover now