Chapter 11

15 2 0
                                    

TRAKE's Point of View

"Oy pre! Kotse ni ganda yun ah?" Sabi ko nung makita sa likuran na kotse ni ganda yung nakasunod sa amin

"Oo nga Zeon,kanina ko pa din napapansin na sinusundan nung naka-motor si ganda,imposible namang papunta din yon sa VIS di ba?" Sabi naman ni Geo

"Tss. Bayaan niyo yan,mayabang" sabi niya kaya napailing nalang kami ni Geo

Binilisan ko ang pagpapatakbo at mukhang ganun din kay ganda,ikinagulat ko pa ang pagliko nito papunta sa isang one way at nasisiguro kong may mga basagulero sa papasukan niyang eskenita kaya lumiko ako para makita din namin siya at matulungan kung sino man iyong humahabol sa kaniya.

"Oy oy! Bakit ka lumiko?!" Sabi pa ni Zeon pero hindi ko na pinansin. Hindi na kasalanan ni ganda kung mas maayos yung paint niya kaysa kay Zeon. Yun lang naman po ang ikinagagalit ng Zeon

d-,-b

Nakita ko namang lumabas na si ganda at tumigil din ang naka-motor at nagsukatan sila ng tingin.

"Baket.ka.sumusunod.saken?" Seryosong tanong ni ganda. Anak ng pisteng yawa! Si ganda ba talaga yan?

"Trip ko? Wala namang masama hindi ba?" Sagot naman nung lalaki

"Parang pamilyar yan ah?" Sabi sakin ni Geo at napa-tango naman ako

"Park." Sabi naman ni Zeon

"Anong atraso ni Ganda jan kay Park?" Walang anu-ano ay tanong ni Geo

"Hindi natin alam" sagot ko naman

Nagsusukatan padin sila ng tingin hanggang sa dumating na ang mga basagulero sa kantong ito. Pinalibutan lang naman nila ang dalawa at napa-ngisi si Park pero halatang nagulat.

"Yari na." Sabi ni Zeon kaya napatingin kami sa kaniya

Pagtingin namin kila Ganda ay mabilis pa sa alas kwatrong kinabahan ako dahil naglabasan na sila ng mga gamit,may baril,kutsilyo,dos pordos at kung ano-ano pa. Yari na nga talaga

Bababa na sana kami nung tumawa si Ganda. Eh?

"Baliw na talaga" sabi ni Zeon na napa-poker face nalang.

Maganda nga si ganda kaso may pagka-baliw na yata? Ikaw ba naman pinapalibutan ng mga basagulerong tambay sa kanto at may hawak pang pwedeng kumitil sa buhay mo at kaharap mo pa ang isang nag-ngangalang 'Park' na kilala na kanang kamay ni 'Black' na mamamatay tao tapos tatawa ka pa? Kung bakit namin alam ay sa amin nalang

"Wala kang kawala,Hiwaga. Sa tingin mo...kakampihan ka ng mga ito?" Natatawang sabi ni Park

"Oh,di ka na makapag-salita? Ang mga basagulerong to ay susunod sakin at lahat kami ang makakalaban mo KUNG kaya mo" may mapang-asar pa siyang ngiti at nginisihan naman siya ni Ganda

"Hinde ko alam na bobo ka paden pala?" Sabi nito at sumenyas sa mga tambay at sinimulan nilang kalabanin si Park?! Anak ng tinolang kabayo!

Sumakay na si Ganda sa kotse niya pagkatapos kausapin yung isang lalake na mukhang lider nilang mga tambay at tsaka umalis na kaya sumunod na kami.

"Kawawang Park" nasabi nalang ni Geo at pumasok na kami

Late na nga kami pero si Zeon papagalitan? Neverzz

Arts pala ang subject namin at kasama namin dito sa art room ang section one at nakita na naman namin si Ganda.

Kasama niya yung sina Alyjah,Yuril at Kiro at mukhang sa table pa namin sila pupwesto. Anak ng tinolang kabayo talaga!

"Makiki-upo kami ah?" Sabi ni Yuril at pumayag naman si Zeon. Salamat naman

"Okay class. As for your arts, I made here a lists of partners and this is by two. Example Mr. Duntell and Ms. Stiffa. Duntell will draw the face of Stiffa while Stiffa will draw the face of Duntell. I will rate your works from 10% to 100% and make sure it was clean and beautiful. Nakausap ko na ang next teachers niyo and you will stay here to do your works. By two so listen to your names"
"Blah blah blah blah blah blah. And lastly.... Zeon Setheo and Yaminxi Devilla"
Maraming umangal dahil sila ang magka-duo lalo na yung tatlo at isama mo pa ako,si Geo at si Denise na matagal ng may gusto kay Zeon

Crush ko kaya si Ganda at ayaw kong saktan lang ni Denise si Ganda dahil lang kay Zeon

Sa kasamaang palad pa ay si Harliyette ang partner ko,tsk. Slut.

Kaniya-kaniya na kaming table para masimulan na kaya sa isang tabi lang kami ni Harli at sa kaswertehan ay katabi lang namin ang tigre at leon

Sinimulan ko ng magdrawing habang pasulyap sulyap kay Harli na panay din naman ang tingin sa akin dahil nagsimula na din itong gumuhit.

Natawa nalang ako dahil ang pangit nung mata niya kaya inumpisahan ko ulit.

Mabilis naman siyang natapos tulad nung si ganda at ng leon--este si Zeon pero pinanatili ko siya sa posisyon niya dahil mahihirapan ako kung mag-iibang posisyon siya.

Nasa may mata na naman niya ako nung magkamali na naman ako at nadungisan na naman ang gawa ko kaya binago ko ulit.

Bahala siya mangalay diyan hahaha

Inayos ko na talaga dahil baka ako pa ang mahuli eh. Papagandahin ko nalang kahit pangit yung mukha niya hahaha. Magagandahan na sana ako sa kanilang tatlo noon eh kaso yung pinapakita nilang hindi naman galawan ng totoong babae ay ang nagpa-pangit sa kanila. Pagiging desperada.

Nung matapos na ako ay tumingin ako sa iba pero hindi pa sila tapos. Hinila ko ang upuan ko at iniwan si Harliyette dun tsaka tumabi kay Ganda at napatingin pa ako kay Zeon na masama ang tingin. Gusto yata si Ganda eh? HAHAHA

Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang chismisan ng mga UPDATED na kaklase namin

"Magdadalawang linggo na din noh?" Arte1

"Oo nga, I miss my Dendryxx na" arte2

"Hindi pa ba siya gising?" Arte 3

"Hindi pa daw, and napag-alaman kong baka ilipat siya sa states because of some problems about him" arte2

Napakunot ang noo ko. Hanggang ngayon pa pala ay comma padin si Dryxx at posibleng ilipat sa states?

Tinignan ko nalang ang drawing ni Ganda at napa-hanga na naman ako pero hindi ko pinahalata kay Zeon,magalit pa ang leon haha

Infairness, gwapo dito si Zeon. Kuhang-kuha talaga ni Ganda. Sana ako nalang partner niya kanina eh

"Patingin pre" sabi ko at kinuha ang drawing ni Zeon. Kuhang-kuha niya din pero ang pumukaw sa atensyon ko ay sa mata nito,kinulayan niya ng medyo blue. Bagay naman kay Ganda,mas maganda pa sana kung totoong medyo blue ang mata niya,bagay kasi maputi at maganda talaga siya kahit one of the boys at sinasabi ni Zeon na 'mayabang'.

Make You Officially Mineजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें