-OPTIONS-

20 11 2
                                    

--

"Pink or violet? You choose"
Tanong sakin ni Anemone habang nakaturo sa kulay Pink at Violet na dress. Napaisip ko. I love them both, ang hirap pumili, parehas kasi silang maganda. Haysss!

Naranasan niyo na ba yun? Yung nahihirapan kang pumili?

"kukunin ko nalang silang dalawa Ane, I can't choose" nakanguso kong sagot sa kanya. Napangiwi nalang sya.

"Lagi ka namang hindi nakakapili Aster eh" sagot nya.

---

"Juanito Alfonso or Jeydon Lopez? You choose" nagkekwentuhan kami ni Ane tungkol sa mga leading mans sa wattpad stories na binabasa namin.

"Both" sagot ko naman. Napangiwi nanaman si Ane.

"No aster you have to choose one. Isa lang." sagot nya. Napanguso ako. Wahhh I can't choose! Gusto ko silang dalawa. Si Juanito isang loyal, gwapo, mabait, mapagmahal at isang tunay na maginoo habang si Jeydon naman ay isang mabait, mayabang, gwapo rin, mapagmahal din pero badboy. Ang hirap kayang pumili !

"Eh ano bang tipo mo Aster? Yung Badboy or Mabait at maginoo?" tanong ulit ni ane. I like them both, ang hirap pumili. Maganda nga yung maginoo pero maganda din sa lalaki yung medyo badboy. Tho parehas naman silang solid magmahal.

"Both? Hehe"

"Aish! No, isa lang dapat. Lagi ka nalang di makapili. Hindi naman pwedeng laging both nalang at laging may kahati yung mga pinipili mo. At dito sa mundo, hindi pwedeng lagi nalang dalawa ok." Sermon ni Ane. Eh bakit? Buti nga parehas kong pinipili para walang lugi. Walang nagawa si Ane kasi both talaga ang choice ko. Sabi pa nya.

'kaya nga may pinagpipilian ka eh. Tapos pipiliin mo naman palang pareho'.

'Pano pa kaya kung madami na ang options '

Ano kayang hugot nito at ang big deal sa kanya ng tamang pagpili daw at huwag puro both or di kaya all.

--

May nanligaw sakin, dalawa sila. Parehas na mabait at may itsura pero may pagkakaiba din ng ugali.

"So ano Aster? Ang tagal nang nanliligaw sayo nung dalawa. Sino ba talagang gusto mo? Si Red ba or si Chleo?" tanong ni Ane. Napaisip naman ako. Parehas silang deserving at parehas ko silang gust--

"Aster, hindi na pwede ang both sa pagkakataon na to. You have to choose and assure your answer. Ibang usapan na to" biglang sabi nanaman ni Ane. Wahhh ang hirap pumili kaya!

Si Chleo, si Chleo ang sinagot ko at siya rin ang pinili ko. For the first time, nakapili na ako between the 2. At sobrang saya ko, feeling ko ang swerte ko sa pagpili ko sa kanya kasi napaka deserving at worth it nya. Masasabi ko talagang buti nalang sya ang pinili ko. Tumagal kami ng isang buwan.

Isang araw, nagsimula na akong makarinig ng mga bulung-bulungan or chismis nga kumbaga. Hindi ko ito pinakinggan, like bakit ako makikinig or maniniwala kung alam ko naman na ang totoo diba? May tiwala ako sa kaniya at ayos na yun para sa akin. Bahala sila jan. Pero ang totoo, nahihirapan akong pumili ano ba dapat ang gagawin ko. Maniniwala ba o hindi? Haysss.

Isang araw, sa kaibigan ko na rin mismo narinig yung mga chismis na yon. Sinabi sa akin ni Ane ang nalaman nya. Ayokong maniwala, inaway ko pa sya at sabi nya ginagawa ko pa daw siyang sinungaling. Kaya nagalit sya, hanggang sa pinapili nya ako. Sya ba na kaibigan kong matalik at matagal na, o si Chleo na boyfriend ko. Parehas ko silang mahal, parehas ko silang kailangan at parehas silang mahalaga sakin. Ang hirap, ang hirap hirap parin talagang pumili sa dalawa. Feeling ko dito ako mas pinaka nahirapang magdesisyon. Hindi ako makasagot kay Ane, kaya umalis sya at mula noon ay hindi na niya ako pinansin.

Kaya napagdesisyonan kong puntahan, yung school ng babaeng sinasabi nilang gf daw ni Chleo. Eh ako nga ang gf nya kaya bakit pa sya magkakaroon. Pero maski kay Ane, nanggaling rin iyon sa kanya mismo. May tiwala ako kay Ane, sadyang nagulat lang ako at hindi makapaniwala sa mga sinasabi nya. At may tiwala rin naman kasi ako kay Chleo. Hindi nya kayang gawin yun.

--

At Nakita ko nga, ng dalawang mata ko. Si Chleo, nakita ko sya kung saan tinuro ng isang estudyante kung nasan sya, na may kahalikang ibang babae. Ang sakit. Nakita nya ako at hinabol para magpaliwanag. Pinakinggan ko sya kasi mahal ko sya. Ang sabi nya, niligawan nya kaming parehas, at ngayon sila na ring dalawa. Umiyak ako, galit na galit ako sa kanya! Humingi sya ng tawad at sinabing mahal nya ako at huwag ko siyang iwan. Tinanong ko kung bakit, pano nya nagawa sakin yon! Pero ang sabi nya,

"DAHIL PAREHAS KO KAYONG GUSTO AT PAREHAS KO KAYONG MAHAL"

Ngayon ko lang naisip, Meron ba nun? Ang sakit, ang sakit sakit. Tama si Ane, mahalaga ang tamang pagpili at hindi sa lahat ng oras pwedeng 'both' at 'all' lang ang isasagot mo. Lalo na sa larangan ng pag-ibig. Ang sakit pala ng may kahati, na dalawa kami sa puso nya. Akala ko ako lang, akala ko walang iba. Ngayon alam ko na ang pakiramdam. Ibig sabihin hindi pa ako sapat para pumili sya ng dalawa. Sa buhay na punong-puno ng mga choices at decisions, kailangan mo talagang pumili.

-END-

Prestidigitation_Aly ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now