-ONCE A STORY- TO LIFE-

14 10 0
                                    

--

"Anong story?" biglang tanong ni Taurus.
"Kahit ano, boring kasi eh" sagot naman ni Lyrae at saka humalukipkip.
"Hmm... anong story ang babagay sa isang madilim at hindi gaanong pamilyar na lugar?" nandito kami sa lugar na napili naming gawing Camp Site ng mga kaibigan ko.

"Edi horror! Awooo Hahaha" sigaw ni Rigel.
Nakapalibot kami sa isang Camp Fire.

Agad agad namang nagreact ang mga babae sa sinabi ni Rigel.

"Nakakatakot naman Rigel!"
"Malamang may horror bang nakakatuwa gaga!"
"Oo nga saka ginhost ka rin naman nun natakot kapa!"

Pft! Nagdiskusyon pa sila bago napapayag na horror nalang daw para bagay sa theme ng kapaligiran. Sulitin na daw.

"Oh sisimulan ko na ha!"

"Sa isang gabing madilim, mararamdaman mo ang lamig na tila ba  niyayakap ka at dinadala ka sa---"

Tumayo nalang ako at iniwan sila. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi naman nakakatakot. Wala akong kinakatakutan, comfort zone ko ang dilim. No one sees me, no one can judge me. It is where I can hide through the silhouettes and escape from the shadows who's chasing me.

Umupo ako sa ilalim ng isang puno at tumingala sa langit. Ang gaganda ng mga bituin. Tamang tama ang pwesto na to para sa star gazing. How I love stars.

"Tunay ngang ang gandang pagmasdan ng mga butuin. Ang kanilang pagkutitap ay pawang naghahatid ng pag-asa sa sinumang nakakakita" nagulat ako dahil may biglang nagsalita. Paglingon ko, nakita ko ang isang lalaki sa tabi ko pero may distansya naman ito sa akin. Nakatingala rin sya sa bituin at napakaganda ng ngiti nya sa mga ito.

"Sino ka? Nandito ka rin ba para mag camping tapos iniwan mo rin yung mga kaibigan mo?" tanong ko. Lumingon lang ito sa akin at saka ngumiti saka muling binalik ang tingin  sa kalangitan. Hmm.. baka ayaw nya masyado magsalita. Ok.

"Ikaw binibini, bakit mas pinipili mong mapag isa? Hindi ka ba nag aalinlangan o natatakot man lamang? Mag isa ka lamang dito" tanong nya. Tinitigan ko ang abo nyang mga mata. Nakakapang hahalina at tila ba nang-aakit. Tila ba may gustong iparating ng mga tingin nya.

"Hindi naman na ako nag-iisa, di ba kasama kita?" sumabay ito sa ngiti ko.

"Nagtataka lamang ako dahil ang isang napakagandang binibini ay narito at napapaisip kung bakit nanaisin mo pang iwanan ang mga kaibigan mo"

Tumingin kami ulit sa kalangitan.

"Kaibigan? I dont think so. Lahat sila ay Hindi ganun ang Turing sa akin. Para sa akin, lahat sila at peke o 'di kaya'y iiwan ka lang din. Ayokong nagtitiwala" sagot ko. Ngumiti nanaman sya. Ang ganda ng ngiti nya.

"Ikaw naranasan mo na bang maiwan? People just come and go in someones life hays" ipinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko.

Nakita kong bigla namang lumungkot ang mukha nya at sumilay ang isang mapait na ngiti.

"Ikaw, bakit ka nandito? Iniwan mo din mga kaibigan mo diba?" Tanong ko pa nung Hindi sya sumagot.

"Ako, wala akong mga katapikang balikat. Isa lang ang mahalagang tao sa buhay ko. At nandito ako dahil ako'y may hinihintay na dumating. Matagal na panahon na ngunit hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa tulad  na lamang ng pagkutitap at pagkinang ng mga bituing iyan sa kalangitab" ngumiti na ulit sya kaya napangiti ako. Parang nadadamay ako sa pagiging malungkot nya eh.

"At ngayon, nandito na sya.. Arisya" tumingin sya sakin. Diretso sa mga mata ko. Isang malalim at nangungulilang tingin. Tingin ng pagkasawi ngunit puno ng pag-asa. Hindi ako nakasagot. Hindi ko naialis ang tingin ko sa kaniya.

"Dumating ka mahal ko. Kaytagal kong inasam ang oras na ito." tinignan nya ako ng nakangiti at galak na galak. Napatingin naman ako sa mga mata nyang kulay abo. At biglang sumikip ang dibdib ko, at nagsimula na ring mag uunahang tumulo ang mga luha ko. Nakaramdam ako bigla ng sakit at pangungulila sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ang pamilyar na pakiramdam na ito na matagal na ding naging palaisipan sa akin.

"A- andro" wala sa sariling bulalas ko bigla.

"Sasama ka na ba sa akin? Pakiusap. Kaytagal kitang hinintay irog ko"

Inilahad nya ang kamay nya tumango ako at handa na itong abutin.

"Ngunit..." Bumuntong hininga sya, yumuko at ibinaba ang kamay niyang naka-alok. "Pagdudugtungin tayong muli ng mga bituin..., Arisya " mga huling salitang narinig kong binanggit nya . Pinagmasdan ko ang malungkot nyang mukha ngunit may ngiti pa ring nakasilay. At ang malungkot niyang mata. Biglang sumikip ang dibdib ko. H-hindi...

-
"Aries!"
"Wake up!"
"Shit she's crying!"

Napamulat ako at nakita ang mga kaibigan ko at ang nag aalala nilang mukha.

"P- panong" tanging nasambit ko.

"N-nasan si Andro" inilibot ko ang paningin ko at hinanap ko agad si Andro.

"You're dreaming Aries"

"Andro? You mean Andromeda? Yung kinwento ko sa inyo kagabi?" singit ni Rigel.

"P-anaginip? A-nong kwento? Anong -"

"Si Andromeda. Isang lalaki na nagpatiwakal sa tulay sa isang ilog dahil iniwan sya ng pinakamamahal nya na sumakabilang buhay na. Ang sabi-sabi, nandun lang ang kaluluwa ni Andromeda at naghihintay na bumalik yung babae, nakatanaw lang ito sa mga bituin. Hilig nila ang pagmasdan ang mga bituin. It simbolizes their love daw kase. Infinite and timeless. Ang sumpa daw nya sa tulay, hihintayin nya yung babae at hindi sya aalis don. At kapag dumating na yung babae, isasama nya ito at hindi na hahayaang magkahiwalay silang ulit. Matagal na nagulila si Andromeda. Pero kagaya ng mga bituin na walang humapay sa pagkutitap, hindi sya nawalan ng pag-asa na balang araw ay magkikita din silang muli. Nga pala nakalimutan kong sabihin kagabi, tunay yung kwento na yun. Kinwento sakin ni lola eh. Ewan ko lang kung nagkita na sila ng babaeng pinakamamahal nya. What a poor guy diba. Tapos, hung ilog? That's just near our camp site yesterday. Astig diba may legend? Kaya yun ang pinili ko. Gusto ko sana puntahan natin kaso medyo mapanganib daw dun eh"

Nagilabot ako.
Natulala ako sa mga narinig ko. At tulad ng mga butuin, naupos din ang ilaw sa pag-iibigan namin. A-ndro.

End~

Prestidigitation_Aly ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now