C3

150 10 18
                                    

CHAPTER 3
FIRST THING, FIRST

"OH beh, anong naiisip mo?" tanong sa akin ni Esang.

Buwan pa din ng hunyo at nanatiling wala pa ding progress sa pagpapansin ko kay Winston. Hindi pa naman kase ako gumagawa ng moves ko. Nginuya kong mabuti ang biskwit na kasalukuyan kong kinakain.

"Hindi ko pa alam. Tanungin ko kaya si Malbert."

"Wow maka malbert, close kayo?" tanong ni Esang.

"Nako umayos ka, nakita ko kayo kanina nag susulatan kayo ng notebook." dinuro ko pa s'ya at pinitik ang noo.

"Aray!" hinimas n'ya ang parteng pinitik ko saka hinawakan. "Ikaw ba naman, sulatan ng notebook hindi ka gaganti?"

"Ano ka grade one? Pag aawayan nyo talaga 'yon?" tanong ko.

"Sinadya n'ya kase 'yun. Hoy, hoy!" umirap s'ya.

"So ano na?"

Kinagat ko na lang ang takip ng ballpen ko saka nag-isip.

#1: KNOW YOUR CRUSH

Syempre kung 'di ka naman tanga, dapat alam mo yung mga detalye tungkol sa crush mo ok? Yung mga basic na tungkol sa kanya. Grab all the chances you can get. I mean, being close to his friends or to his siblings, or kay Tita na mismo pero 'di naman ganon ka kapal mukha ko para pumunta sa bahay nila at hanapin ang bahay nila sabay sabing, "Tita gusto ko malaman ang mga detalye tungkol sa anak n'yo na magiging asawa ko na din in the future."

WAG GANON DAY! WAG!

Make it smooth as you can, para 'di ka makapunta sa reach limit na para kang stalker. Dapat smooth lang.

Sige nga, ano bang alam ko sa crush ko? Student Council Secretary s'ya. Gwapo. Masungit. 'Di nag entertain ng iba (mabuti yon). Snobber. Sepak Takraw player. Yun lang. Lahat, misteryo na.

I mean, may mga achievements s'ya sa school kase nga sepak takraw player s'ya. Pero yun lang talaga alam ko eh. Hindi naman kase s'ya expose na tao, napaka introvert n'ya in a way na social din s'ya. Napaka self-centered nung taong nun maliban sa dalawa n'yang kaibigan, wala na s'yang social life. Ang hirap n'ya din itrackdown, ni hindi ko nga yan friend sa FB, sa insta naman at twitter private 'yan.

Habang ginagawa ko ito, nakokonsensya ako kase ginagawa ko s'yang Lab Rat. Parang trial and error sa mga kagaguhan ko sa buhay kung gagana o hindi. Tas hanap na lang akong ibang crush. Pero una si Winston eh. He's absolutely unique and weird. Walang chix, walang babae, walang ex (sa pagkakaalam ko), walang bisyo, simpleng snobber ng school at grim na naglalakad sa field.

Hindi naman campus crush na matuturing na kina-advantage ko dahil wala akong kaagaw pero may appeal s'ya na 'di mo kayang ignore. Tanong mo pa sa mga teachers at bakla sa school. But nah, off ang mga bakla sa kanya. He never entertaine anyone. Lagi lang s'yang nakasoot ng salamin n'yang hindi ko alam kung anti-rad o may mababang grado dahil sa hitsura non which is naging unsual kase ngayong grade 10, madalang n'ya itong suot. Pero minsan inaalis n'ya yon, ang weird n'ya. Lagi s'yang nakatambay sa office nila sa SC office. Minsan naman pakalat-kalat s'ya sa hallway na matulin maglakad. Stalker n'ya ako since grade 7. Nagbabasa s'ya minsan sa library pero natigil yung habit n'ya simula nung mag palit ng librarian. Palagi kaseng puno ng maiingay na students ang library at nakikipag chismisan sa librarian. Minsan nasa canteen s'ya, madalas n'ya kainin ang lemon square at tubig. Pero minsan may baon talaga s'ya. Para s'yang nerd. Yung bag n'ya, iisang brand lang. Wag n'yo na tanungin, masyadong mahal para maafford ng bibig kong sabihin.

Paano ka magiging crush ng crush mo? ✓Where stories live. Discover now