C16

86 7 1
                                    

CHAPTER 16
INTRAMURALS day 2

"MALAYO pa ba?"

"Gago talaga toh, eh hindi pa nga tayo nakakalampas ng sampung bahay eh. Palibahasa kase ang taba taba..."

"Ang kupal mo. Lamang lang ako ng limang kilo sa'yo. Palibhasa napaka kawayan mo."

Kung nahuhulaan n'yo, nasa fun run kami ngayon. Late na nagsimula ang fun run at si JM nang-aaway na. Well malaman naman kasi si JM pero napaka OA n'ya naman. Kakasimula pa lang naman ng Fun Run nagtatanong na kung malapit na daw kami. Hello, kakalampas lang namin sa ika pitong bahay mula sa 5 KILOMETER point.

Nakasoot kami ngayon ng PE uniform at kulay white na tshirt na ang gamit namin. Pinangunahan ang Fun Run ng mga Athlete na kasabay sa Running Category. Wala namang mangyayaring masyadong event ngayon pero magkakaroon ng cheerings para sa mga grade levels.

Kahapon kase ay nagsimula na ang kabilaang tournament. Badminton, Table Tennis, Basketball, soft ball at iba pang sports na nilahukan ng mga nagparehistrong students na may kakayahan sa larangang ito.

Kailangan din namin sumuporta sa grade level namin noh? At saka maglalaro ngayon si Winston.

"BM ang panget mo." from no where nagsasalita na ng walang humpay si JM.

"Tumahimik ka nga JM, kanina ka pa maingay. Nasa fun run tayo." pag-sisita ko.

"Ikaw naman Poleng ang panget mo din." saad n'ya saka tumingin sa ibang direksyon.

"Wow nakiki 'Poleng', si Theresa ka? Pare?" si BM na ang sumagot dahil mas trip n'ya.

"Anong Theresa? Therese pangalan ko. Hambalusin kita dyan eh." nag simula s'yang maglakad saka pumamewang. Kami naman ay ginaya ang ginawa nga saka sinabayan s'ya. Nakakapagod din naman kase, minsan pinagsisihan ko na sumama ako sa fun run. Kung di man lang ba kase gawing school output, at kapag di ka bumili ng ticket wala kang additional points.

Eh syempre bilang estudyante wala kang magagawa, at para di masayang yung ticket lalahok ka.

"At saka kayong dalawa..." tinuro nya ang dalawang kupal na nagpupunas ng pawis. "Mag si tigil nga kayo. Nasa fun run kayo ang iingay nyo. Parehas kayong kupal, nag-aaway pa kayo."

Napasimangot naman si JM saka tinginan si Esang. "Ang gwapo ko namang kupal."

Mabilis na hinampas ni BM ang ulo ni JM. "Linya ko yan. Tandaan mong panget ka."

Napailing na lang kaming dalawa saka napatingin sa mga teacher na nakasakay sa tricycle na nakangiti pang napatingin sa amin.

Tss.

Ang ilang estudyante na nadaanan ng tricycle ay nagsimulang mag-ingay. Ang iba naman ay walang kibo, ang iba naman ay napasimangot.

"Tingnan mo yang mga teacher na yan." napatingin kami kay JM na nakapamewang na at nagpupunas ng pawis. Napatingin s'ya sa amin saka kumunot ang noo. "Bopols, sa teacher kayo tumingin, hindi sa akin."

"Ano na naman kase yang reklamo mo aber?" pambabara ni Esang na binubuksan ang hawak n'yang mineral water para uminom.

JM start to rant. "Bugo, mag ko-conduct ng Fun Run tas sasakay sa Tricycle."

"Eh mga mahihina na kase ang tuhod ng ibang teacher. Alangan naman pilitin mo sila tumakbo, edi inatake ng rayuma yan d'yan." pagdadahilan ko. Minsan kase si JM kapag kasama namin, di mapigilan bunganga n'yan kaya ang kailangan dyang gawin barahin.

Paano ka magiging crush ng crush mo? ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon