C37

83 10 0
                                    

Chapter 37
Queen of the Dead, dead over you

KINAHAPUNAN  in-announce ni Mam Tanya na magkakaroon ng Reading Month Celebration. Gaganapin 'yon sa biyernes which is dalawang araw mula ngayon at hindi naman daw engrande, sa umaga ay magkakaroon ng Character Parade at mga pacontest. Ang kaso hindi kasali ang mga Journalist sa LAHAT ng competition. Pati na din sa spoken poetry. Masyado daw komplikado, baka gantsohin namin ang awards.

Kinausap ko si mama about sa mangyayaring event. Hindi na ako nagulat na wala kaming budget dito since biglaan. At dahil meron akong bestfriend na nag-iisang anak ng mga doktor, pinahiram n'ya ako ng damit na pwede kong gamitin. Wala naman akong choice. Ang kailangan ko na lang ay paano ko dadalhin ang damit.

Maaga akong nagising nung biyernes dahil aayusan ko pa si Esang. Mabuti na lang at marunong ako ng makeup kakanood ko ng video tutorial sa YT at si Esang lagi ang napapagpraktisan ko. Maaga akong nagpunta sa bahay nila. Doon na rin ako magbibihis at nagdala ako ng PE para pamalit. Di ko naabutan ang parents ni Esang na palagi naman nangyayari. Tanging yung kasambahay na si Nana Fely lang yung nakita ko at ihinatid ako sa kwarto ni Esang.

"RAIN THERESE REYES!!!!"

Halos yata tumili na ako dahil pagdating ko, naglalaway pa sa kama si Esang. Kadiri naman itong babaeng ito. Napamulat s'ya at saka tumingin sa akin. Napakamot s'ya ng ulo bago nagsalita.

"Ang aga mo naman tangina. Ingay-ingay mo para kang manok." nag-tago pa s'ya sa mga unan n'ya, nag roll pa s'ya saka s'ya umungol ng mahina.

"Gumising ka na d'yan. Alas says na. Seven Thirty magsisimula ang character parade. Mag-aayos ka pa." hinila ko na pati paa n'ya dahil ayaw nya talaga gumising.

Sumuko din naman sya at tumayo. Dumiretso sya sa CR nya saka naligo. Pagkatapos hinila n'ya ako pababa para daw samahan s'ya kumain. Pinapakain n'ya pa ako kaso tumanggi ako. Well ngayon lang naman. Ayokong di magkasya itong isusukat kong damit ano. Nakuha n'ya pa akong asarin ng pritong itlog saka mga prutas sa plato n'ya.

Pagkatapos no'n pumasok s'ya sa CR at pinauna ny5a akong umakyat sa kwarto n'ya. Napag-usapan naming buong section na magsusuot ng Greek Mythology since may nakakuha na daw ng Norse at Egyptian. May mga magsosoot naman ng Philippine Mythology at kung ano ano pang nasa grade 10 literature. Actually di ko maaalalang may Philippine Myth na involve sa grade 10 myth pero since Myth s'ya, sinabay ng department.

Gusto ko sana mag Juliet para naiiba kaso naisip ko maikli ang buhok ko. Pinagalitan din ako ng mga kaklase ko na wag daw ako iiba ng landas.

Habang inaayusan ko si Esang kinausap n'ya ako.

"Wala ka na talagang feelings kay Winston?"

Natigil ako sa pag-aayos ng buhok n'ya. Anong klaseng tanong yan?

Sinulyapan ko s'ya sa salamin saka nagpatuloy sa ginagawa ko. "Sa totoo lang meron pa. Ang hirap n'ya maalis. Pero hindi na katulad ng dati. Mahirap naman kase magkagusto sa may gustong iba."

"Subukan mo uli. Sige na. Kahit hindi na para sa pag-stay mo dito sa school next year, para na lang sa ikakatahimik ng apat na taon mong feelings sa crush mo." Saad n'ya.

"Hala s'ya." Saad ko.

Napatawa si Esang. "Ayaw mo na ba masagot yung assignment mo na, 'Paano ka magiging crush ng crush mo?' Akala ko ba surrender is never found on your vocabulary?"

Napasinghap ako. "Sampalan talaga ng past oaths. Pero kase sabi nga may crush s'yang iba. Malakas ang feeling ko na si Dolly iyon since-"

Paano ka magiging crush ng crush mo? ✓Where stories live. Discover now