PROLOGUE

53 1 0
                                    

PRESENT.....

"Good morning everyone!!! We are here again and again on your favorite gossip show," energetic na bungad ni Chiki, ang host ng sikat na talkshow sa bansa na Morning Buzz.

"In 1,2 and 3, let's all shout! Basta chika, si Chiki ang bahala!"

"Okay your turn mga sis... 1,. 2,. And 3..!!!"

Nakisama naman ang mga manonood at sumagot ng ayon sa gusto ng host. Matapos non, muling nagsalita ang emcee.

"Hahahaha, namiss niyo ba ako???" dagdag pa nito."

Sabay sabay namang tumugon ang mga manonood ng oo habang nagtatawanan.

*CLAP CLAP CLAP (LAUGHS OF AUDIENCE)*

"Alam ko naman di nabubuo mga araw niyo hanggat walang bagong mainit, sizzling hot na chika na hatid ko sa inyo," muling sabi ni Chiki.

"So di ko na patatagalin pa ang aking intro, alam ko naman na hindi ako ang inaabangan niyo no! So eto na nga.. our special guest today ay isang diyosa..." pambibitin ni Chiki sa mga manonood.

"Hmm, yes, yes tama kayo diyosa ng kagandahan," tumatangong ani pa nito.

"May idea na ba kayo kung sino? Oh well alam kong meron, pero kahit ngayon lang kunwari wala kayong alam ah?? Charoot lang! Hahaha," nagbibirong dagdag pa nito.

"Eto na talaga pramis, lasang kamatis, ay este ang ating guest today ay mala kamatis sa kinis ang balat, morena siya day! Pinay na pinay!!"

"LET'S ALL WELCOME THE ONE AND ONLY PRINCESS LAUREN AKA MISS P!!!!"

Bumungad sakin ang masigabong palakpakan pagkalabas ko sa stage, nakakasilaw man ang set ng show ay kapansin-pansin pa din ang paghangang makikinita sa mata ng mga nanonood. Nakasuot ako ngayon ng kulay kremang high waist slacks na pinarisan ng white ruffles off-shoulder blouse at may nakalagay na choker sa aking leeg na may disenyong buwan na nakasabit dito na nagsisilbing pendant nito. Ang sapin ko naman sa paa ay kulay puting stilleto na may 5 pulgada ang taas. Suot ko din ngayon ang moon star earings ko na kung saan may nakapalibot na tatlong bituin.

*(Yung parang kay Catriona Gray na earings pero imbes na araw at star eh buwan ang ginamit ko, I love Hell Chua (moon for Mika) k bye na.)*

Nang marating ko na kung saan naroon ang host ay nakipagkamay at beso ako sa kanya. Napansin ko ang kanyang bahagyang pagkatulala, pero nginitian ko na lamang ito. Matapos maupo sa high stool na chair, naupo na din si Chiki at nagsimula na siyang gisain ako. 😅

"Miss P, kamusta naman ang buhay modelo?" pambungad na tanong nito, marahil tinatantiya muna at nakikipagpalagayan ng loob dahil live ang programa.

Nakangiti naman akong sumagot, "Ayos naman, I'm happy with what I'm doing, though your privacy as an individual is at stake. "

"Well, kaakibat ng pagiging tanyag ang maraming matang mapang-usisa, isa na ang aming team don haha...
By the way Miss P napapansin naming ni minsan hindi nalathala ang ukol sa iyong pamilya, at dahil doon eh may mga namumuong konklusyon ang mga nakakakilala sayo bilang isang modelo," medyo nag-aalangang pahayag ni Chiki.

"Mahalaga sa akin ang pagiging private ng aking buhay, ayos lang naman na may mga konklusyon sila mapa negatibo o positibo man because we have our own mind capable of choosing what we want to believe. Ayos lang naman saking pag-usapan ako, pero hindi ko pa rin ipapakilala ang mga pinapahalagahan ko sa magulong mundo nato ng showbiz," Mahabang pahayag ko sa kanyang sinabi.

LOVE FARMWhere stories live. Discover now