CHAPTER 3

39 1 0
                                    

Nagising ako ng makaramdam ng bahagyang pag-alog.


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at kumurap-kurap. Nang tuluyang maka-adjust sa liwanag, narealized kong nakasakay ako sa isang pribadong eroplano. Gagalaw na sana ako ng makaramdam ng kirot sa aking braso.


“ARAY!” impit na sigaw ko at napatingin sa aking braso. At nakitang nakabenda ito at may mababakas na dugo dito.


Tsaka ko naalala ang nangyari sa hospital. Si Daddy! Naisigaw ko sa isip ko at inilibot ang aking paningin sa eroplano. Pero wala akong nakita ni anino ni Dad. Nagsimula na akong magpanic, nadagdagan pa ito ng makarinig ako ng papalapit na yabag. Dahil sa kaba kumuha ako ng kahit anong makapa ng kamay ko at nagpose na parang aatake sa kung sino mang paparating.


Nang tuluyang makalapit ang bulto ng lalaki sakin hinampas ko ito ng hawak ko, pero nasangga niya ito at biglang sumigaw, “Ouch Miss!!! It hurts you know, you hit my hand! Oh my gosh how can I play the treasures now if my hand is injured. My girls will leave me.” Exaggerated na sabi ng lalaking maputi, matangkad, may matangos na ilong, medyo curly na buhok na bagay sa kanya. In short, typical looks ng mga playboy, though may breed siya, meaning foreigner either his mom or dad. Pero medyo nag-alangan ako kung lalaki nga siya, ouch daw kasi eh.



“Who are you? Why I'm here on an airplane? Where is my dad? What happen to him?” sunod-sunod na tanong ko.


“Woaaahh! Wait, wait, pwede isa-isa lang ang tanong?” may accent na sabi nito.


Sinamaan ko lang siya ng tingin, kaya napabuntong hininga siya at nagsalita muli.


“First, I'm Jayce Light Chesterfield cousin of Dree. Second, you're here because your life is in danger, and we're bound to Japan,…..” pambibitin nito at huminga muna ng malalim bago nagsalita ulit.


“Lastly, I'm sorry to tell you but your father is gone. Tito Lex is fixing everything regarding about his funeral. He said, after the burol, ipapacrimate niya ang labi ng Daddy mo and He will put it in your house.” Sabi nito sa malumanay na boses.


Nanlamig ang buo kong katawan matapos marinig na wala na si Daddy.


“Noo!! You're lying!!! How it can happen that I'm alive and Daddy died??? How??? Tell me???!!!” nalilito, umiiyak at humahagulgol na tanong ko.


“I don't know, Preen. I’m sorry. They just told me to accompany you to Japan, because you said you want to take agricultural engineering. And Japan is a good place for taking that course since they prioritize farming there.” Sabi nito sa malungkot na tono at tumabi sakin at bahagya akong niyakap. Habang ako ay tahimik na lumuluha, hindi na magawang humagulgol sapagkat hindi naman nito maibabalik ang buhay ng aking ama.



“I can't do anything to remove your pain, but you need to be strong. You need to make everything your family owns bloom.”  Dagdag pa nito.


“What will happen to me now?” garalgal na boses na tanong ko.


“First, you have to fix yourself and accept everything, but take your time, we understand. Then, since your family properties cannot be managed by you as of now Tito Lex will handle it for a while. Dree will be the CEO for the meantime. And don’t worry about that government official, because Dree and Tito Lex won't let that bitch to own your properties.” Pagpapaliwanag nito.

Pero wala akong maintindihan, dahil ang nasa isip ko ay kung dapat pa ba akong magpatuloy, hindi ko man nga nakilala ang aking mommy, sa larawan ko lamang ito nakikita, tapos iniwan din ako ni Daddy. Pasa-saan pa't buhay ako? Wala naman yung mga taong nais kong makita ang narating ko. Nabuhay ako na kahit wala na si Mommy, may Daddy akong mapagmahal at never nagkulang. Pero ngayong wala na siya, hindi ko kaya.

LOVE FARMWhere stories live. Discover now