Prologue

280 79 54
                                    

"You can't blame me for leaving Lex!"

You're right. I can't blame you for leaving... pero bakit di ko matanggap?

"Sev, just think this through please? It's too early. I know may choice ka, just please, pag isipan mo muna bago ka mag desisyon."

And I left. Hindi ko na kayang marinig yung pagpupumilit niyang umalis. I just can't.

Who would've thought na mahuhulog si Alexis Claire Ocampo sa isang bakasyonista sa kanilang lugar? Si Alex na palaging nag bibigay ng abiso sa kaniyang mga kaibigan na dapat unahin ang sarili bago asikasuhin ang iba. Si Alex na hindi pa nahuhulog kahit kanino.

"Alex, okay ka lang?" Tanong ng kakambal kong si Matt.

"Yeah, I'm fine. Asan si mama?" Pinunasan ko yung mga luhang tumutulo sa mga mata ko, ayokong makita ni mama na umiiyak ako. Baka isampal pa niya sa mukha ko yung "I told you so" niya.

"Andun sa study room pinapainom ng gatas si Mika. Teka, nag away ba kayo ni Sev?"

"Hindi Matt. We're fine."

Liar.

Pag dating ko sa labas ng study room, I heard her talking on the phone. Akala ko secretary niya ang kausap niya. Pero I was wrong.

[Tita, ayaw talaga ni Alexis.]

Pinigilan ko ang sarili ko na buksan ang pinto. Kausap ni mama si Sev... Why?

"Wala na tayong magagawa hijo. She just has to accept your decision to leave. Ako na bahala sakanya,"

Mama knew. That's why she was warning me from the start na wag ako ma-attach masyado.

Hindi ko napansin na umiiyak nanaman ako. Pero I wiped all my tears and entered the room.

"Okay Sev," Nilakasan ko boses ko para marinig niya ako

[Alex?]

"Anak, kanina ka pa ba—"

"Umalis kana."

And with that, I felt my heart ache for someone na alam kong hindi ko na ulit makikita.

Inescapable FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon