Chapter 23

8K 164 33
                                    

Chapter 23: Meet Mica Domingo

Naomi Trinidad P.O.V.

“TAPOS na ba kayo mag usap?” tanong niya.

Malamang kaya nga nandito na 'ko eh! Upakan kita dyan eh.

“Oo, let's go?” tanong ko. Tumango naman siya kaya dumiretso na kami sa medyo may kalakihang pool.

Nag swimming lang kami ng nag swimming. Nagulat ako nang may tumalon sa gilid ko.

Pag-ahon nito ay ang gwapong Jake ang bumungad sakin. Ensherep

Naka topless siya kaya kitang-kita ang abs niya isama mopa yung dumadaloy na tubig sa abs. Ensherep telege.

Hinawi niya ang buhok niya at tumgin sakin. Gwapo tengene.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sakaniya. Inirapan niya lang ako. 

Gwapong baklang umiirap.

“Malamang nag swi-swimming, anong gusto mo kayo lang? Dzuh!” maarte niyang sagot. 

“Madaming pool ah bakit dito mopa napili?” tanong ko ulit. Tinaasan niya ako ng kilay. 

“Gusto ko dito eh! Para tatlo na tayo dito.” sagot niya. Oo kaming tatlo lang dito. Yung iba sa mga malalaking pool nag swimming. 

“Tss sabihin mo namiss mo 'ko.” panunukso ko. Nag cross arm naman siya sa sinabi ko.

Hanggang balikat ko ang tubig ang kay Kiel naman ay hanggang dibdib kay Jake? Hanggang abs! Kitang kita ang apat na abs niya dahil ang dalawa sa baba ay nasa tubig.

“Bakit kita mamimiss?” aniya. Sabi konga hindi moko namiss' 

Tumingin ako kay Kiel na kakadating lang dito galing sa kakalangoy. 

Di niya ata napansing huminto ako kakalangoy. Kawawa mag isa tuloy siya kanina sa dulo. Balita ko malalim don katakot.

“Wassup Jane,” sabi niya kay Jane kuno. Ngumiti naman si Jake kay Kiel. 

“Pasan mo'ko Kielko,” pabebeng sabi niya kay kiel habang nakanguso. Pinasan naman siya ni Kiel. Ako? Nakatingin lang sakanila.

Baklang haliparot!

Maya-maya ay dumapa si Jake dahilan para mapunta ang ulo ni Kiel sa pool. Parang sinasadya niyang lunudin ito. 

“Mmm! Malandi ka ha!” naririnig kong sabi ni Jake habang nilulunod si Kiel.

Siraulo hahaha.

Lumagoy naman ako patungo sakanila. Tinulungan ko si Kiel na umahon. Pag ahon niya ay naghabol agad siya ng hininga. 

Tinignan ko si Jake ng masama. Nakatingin lang siya sa akin na parang walang masamang ginawa.

“Bakit mo nilunod si Kiel?!” sigaw ko sakaniya. Nameywang naman siya at tinaas ang kilay. 

Kunwari galit ako, akala niya ha!

“Naglalaro lang kami, diba Kielko?” Tinignan ko naman si Kiel kung totoo ba ang sinasabi ni Jake. 

“Yeah, naglalaro lang kami haha.” alam kong napipilitan lang si Kiel sa pagsabi nun. 

“Laro ba tawag mo dun? Nalulunod na yung tao.” Inirapan niya lang ako. 

“Laro nga lang yun, masyado ka namang nag aalala sa lalake mo!”  

“Hindi ko siya lalake!”

“Lalake mo siya!”

Mukha na kaming tanga dito. Ang lapit lapit lang nagsisigawan. 

“Hindi ko nga siya lalake! Kaibigan ko lang siy-” hindi ko na naituloy ang sasabihin nang may biglang tumili. 

“JAKE MAHLABS!!!” tili nito. Napatingin ako sa babaeng tumili.

Jake mahlabs daw? Haha ang corny.

“Mica? Anong ginagawa mo dito?” takang tanong sakaniya ni jake.

Magkakilala sila? Nalilitong tinignan ko silang dalawa. 

“Siya si Mica Domingo. Kaibigan din namin siya. Patay na patay yan kay Jake haha” natatawang sabi sakin ni Kiel. Napatango naman ako sa sinabi niya.

Patay na patay? Haha patayin ko 'yan!

“Invited din ako ano! Na late lang ako haha. Long time no see mahlabs,” sabi ni Mica.

Mahlabs talaga?! Kokotongan ko'to isa pang mahlabs!

Umahon naman si Jake sa pool at nakibeso kay Mica. Sa tindig palang ni Mica halata ng mayaman din ito.

“Namiss kita mahlabs pakiss nga,” ani ni Mica at ngumuso. Ingungudngod ko nguso neto sa sahig eh!

“Yak! Hanggang ngayon ba naman crush mo pa rin ako bakla ka haha,” maarteng sabi naman ni Jake.

Nag usap pa sila doon. Tungkol sa mga nangyari sakanila noong hindi pa sila ulit nagkikita.

Hello? May tao sa harap niyo?! Mga mahaharot nato!

“Nilalamig ka na ba? Umahon muna tayo.” sabi ni Kiel. Tumango naman ako.

Nauna siyang umahon bago ako. Inalalayan niya pa akong umahon.

Napaka gentle dog naman nito.

“Kain muna tayo, hindi pa tayo nag di-dinner eh” pag-aya ko sakaniya at siya naman ang tumango. 

Galing diba?

Kaya naglakad na kami patungong dining area. Napunta naman sa amin ang atensyon ng Mica.

“Oh! Hi Kiel, girlfriend mo?” tanong ni Mica nang makapantay na kami sakanila.

Magkasama lang girlfriend na agad? Daming mai-issue ngayon ah!

“Hindi haha,” sagot ni Kiel na kumakamot pa sa ulo. May kuto ba 'to? Tumango-tango naman yung Mica.

“Ay si Naomi pala bestfriend ko.” pagpapakilala sa akin ni Jake kay Mica.

Bestfriend?! Awatin niyo ko makakasabunot ako ng bakla!

“Nice to meet you.” sabi naman ni Mica.

English english pang nalalaman nasa Pilipinas tayo huy!

“Nice to meet you too.”

“Sige mag di-dinner muna kami bye.” paalam ni Kiel at sabay hawak sa kamay ko.

“Sabay sabay na tayo.” nakangiting sabi ni Mica. Tinignan muna ako ni Kiel kung payag ako. Tumango na lang ako.

Baka sabihin napaka arte ko ano!

Tumango naman si Kiel kaya napangiti si Mica. si Jake? Ayun galit na nakatingin sa kamay namin ni Kiel kaya agad ko itong binitawan.

Pumunta muna ako sa cottage at kinuha yung tuwalya at binalot ulit ito sa waist ko.

“Tara na.” aya ko sakanila at naglakad na.

My Maniac Gay BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon