Chapter 29

7.7K 200 54
                                    

Chapter 29: Spin The Bottle

Naomi Trinidad P.O.V.

"AKALA ko ba pinapalayo mo ako? Bakit nakakapit ka sa braso ko?" Napalunok ako at kumurap ng dalawang beses dahil sa sinabi niya.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay sa braso niya at umatras ng kaunti. Tumikhim ako. 

"W-Wala lang trip k-ko lang bakit ba?! Mag isip ka rin ng trip mo kung g-gusto mo." nauutal-utal na sagot ko. Napapikit ako ng mariin.

Takte naman Naomi! Ayusin mo! Pa-cool ka lang ok?! 

"Baka hindi mo magustuhan ang trip ko." nagbabanta ba siya o ano? Wala akong pake sa trip niya tsk! 

"Ha?" Kunwari hindi ko narinig ang sinabi niya. Ayoko siyang makausap hmp!

Bakit pa ko nag ha? (–.–)

"Ang sabi k-" hindi ko na siya pinatapos at agad na nagsalita. Sinabing ayoko siyang makausap eh-.- 

"Hotdog." pambabara ko at sumandal sa dingding nitong elevator. Kahit papaano naman ay may kaonting liwanag sa loob nito. 

"Ko, gusto mo?" Sinamaan ko agad siya ng tingin at ang bakla ay tumawa lang.

Bakla pa ba to? Nasobrahan na sa manyak eh. (–.–) 

"Tigil-tigilan mo 'ko sa kamanyakan mo Jake ah! Hindi nakakatuwa." mataray kong sabi. 

"B-Bilisan mo pa Jake hmm~" panggagaya niya sa ungol ko kaya sinipa ko siya sa tuhod. Pati ba naman dito, umiiral ang kamanyakan niya! Ano siya? Manyak everywhere? Si Mica rin kaya minanyak niya rin?

Minanyak pero hindi minahal booom! Ok corny mo Naomi haha. 

"A-Ahh Jake s-sige pa~" aba?! Ayaw parin ako tantanan neto ah! Namumuro na siya! 

"Ano ba?! Itigil mo na nga yang kalokohan mo!" sabi ko at tumalikod sakaniya. Narinig ko naman siyang bumungisngis. Parang engot. (–.–)

"U-Ugh~" taena! Ayaw talagang tumigil! Inis na humarap ako sakaniya at nameywang. 

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo?!" Nakakainis kasi! Naaano ako sa pagaano niya eh! Yung ano! Na naaano! Basta yung ano!

"Trip ko'to eh." sagot niya. Trip daw eh halata namang nang-aasar lang siya. (–.–)

Wait? Parang pareho lang yun ah? Ano ba 'yan?! Natatanga na ako dito kainis! 

"Yung kaninang nangyari, hindi ko ginustong halikan ako ni Mica-" hindi ko na siya pinatapos pa. 

"Bakit ka pa nagpapaliwanag? Ano mo ba ako? Wala lang naman ako sayo." Tama naman diba? Wala lang ako sakaniya!

"You're my wife." napairap na lang ako sa sinabi niya. Sakin niya lang naman sinasabi na asawa niya ako pero sa iba hindi niya masabi-sabi. 

"Oo nga pala asawa mo ako sa papel." sambit ko. Hays kailan ba maaayos tong elevator na to?!-.- 

"Naomi," pagtawag niya saakin pero hindi ko siya nilingon. Naramdaman kong naglakad siya papalapit saakin. Takte wala na akong maatrasan!

"Huwag kang lalapit!" Pagbabanta ko at naghintuturo sa harap ng mukha niya. 

"Paano kung gusto ko?" humakbang pa ito papalapit saakin.

Ano ba? Paano nga ba kung gusto niya?! Aish! Naomi! Natatanga ka na naman!

"Eh sa ayaw ko eh!" 

My Maniac Gay BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon