Chapter 27

7.9K 156 29
                                    

Chapter 27: Trap

Naomi Trinidad P.O.V.

KINAGAT nito ang ibabang labi ko. Iniwas ko agad ang labi ko dahil may kasalanan siya! tinulak ko ito papalayo.

Akala niya makakaisa siya?! 

Umahon ako at nakita kong naahon narin siya. Aha! Lumapit ako sakaniya at itinulak ulit siya. 

Ganyan dapat ang ginagawa sa mga baklang manyak na nanghahalik bigla sa pool na may kasalanan dahil ang harot harot sa iba!

Patay malisya pa don tungkol sa sinsabi ng Micalandeng yon! Magsama sila! pareho silang malandi.

Hays kairita!

"Naomi!!!" Sigaw niya na natatawa pa. Binelatan ko siya at tumakbo na patungo sa hotel.

Natatawa pa? Anong akala niya? Bati na kami?! Hmp! Hindi pa! Ano ako easy to get?! Duh! Lunudin ko siya eh!

"Naomi? Bakit basang-basa ka?" Napalingon ako sa nagtatakang si Kiel. Ngumiti ako sakaniya at kumamot sa ulo. 

"Ah eh, ano gusto ko kasing mabasa kaya tumalon ako sa pool hehe. Sige maliligo na muna ako." aniko at tumakbo patungong elevator. Nakita ko namang takang umalis si Kiel. Buti nakatakas agad ako kasi sigurado akong magtatanong nang magtatanong yun haha. 

Habang papasara na ay nakita kong papunta na dito si Jake. Ngumisi siya nang makita ako at naglakad papalapit sa akin. 

Maygad! Bilisan mong magsaraaa! 

Hahawakan na niya sana ang pinto nang bigla itong magsara. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don. Salamat sayo kaibigang elevator! hahaha.

-*-

NAKASUOT ako ngayon ng isang black leggings at violet plain crop top. At naka black robbershoes.  Nakapusod ang aking buhok at may tira tira pang hibla sa bandang tainga ko. Mag jo-jogging ako ngayon ang boring eh. Malaki naman itong resort kaya iikutin ko kailangan mag exercise ang tao duh! haha.

Lumabas na ako ng aking room at pumasok na sa elevator. Dumiretso na ako papalabas ng elevator nang makababa na ito. 

Sumalubong saakin si Jake na nakapang jogging din na suot. Huwag niyong sabihing mag jo-jogging din ito?

Ano ba 'yan? Bobo lang Naomi? Kaya nga naka jogging outfit eh! Tsk. Well ang gwapo niya sa suot niya ha.

Kailan ba pumangit yan sa mata ko? (–.–)

Hindi ko siya pinansin at naglakad na palabas ng hotel. Naramdaman kong nasunod siya sa akin kaya mas binilisan ko ang paglalakad. 

Nagsuot muna ako ng earphone bago ako mag jogging. Napangiti ako dahil sa musikang pinaparinggan ko.

Paborito ko ito kasi naaalala ko noong bata pa kami ni Jake haha. 

Do you remember when
I said I'd always be there?
Ever since we were ten, baby.
When we were out on the playground playing pretend,
I didn't know it back then.~

Napatawa ako nang maalalang tinutulak tulak pa ako ni Jake noong mga bata pa kami sa swing tapos nung sinabi kong 'lakasan mo pa' ayun nilakasan niya nga kaya ang ending? nalaglag ako haha. 

Now I realize you were the only one,
It's never too late to show it.
Grow old together,
Have feelings we had before,
Back when we were so innocent.🎶 

Napatingin ako sa aking gilid ng makitang nasabay sa pag jo-jogging sa akin ni Jake. Gusto kong ngumiti pero 'wag nalang nakakatamad haha.

Inirapan ko na lang siya at binilisan ng konti ang pagtakbo. Habang natakbo ay nakita kong nagjo-jogging din pala si Mica.

My Maniac Gay BestfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin