Obsession 3: Stop the marriage

1.9K 39 0
                                    

M. A. R. G. O (Point of view)

"Tangina bakit?" Tanong ko sa sarili habang pa-tuloy parin sa pag-iyak.

Hindi ko gustong maikasal sa lalaking hindi ko naman mahal.

Mahal namin ni Rance ang isa't isa pero bakit hindi kami pwede?!

"Why are you cussing?"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang anak ni Tito. Siya lang naman ang lalaking ipapakasal sakin.

Linapitan ko siya. "Why not? Bakit? Bawal na bang mag-mura ngayon?!"

Nginisian niya lang ako. "Hindi ka nag-mumura, Margo. Please don't cuss, hindi bagay sa'yo"

Hindi ka nag-mumura, Margo.

Bakit kung makapag-salita siya parang kilala niya ako?

"Sino ka ba talaga ha? Kung makapag-salita ka parang kilalang kilala moko!"

He just chuckles. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Ulit kong tanong.

"Let's just say na fan moko" aniya at ngumiti.

Lalo akong nabuisit sa ngiti niya. Aba nakakaloko ang ngiti niya! Wait— fan daw? Omg so it means isa siya sa mga fans ko?

"Sorry pero dapat hindi moko hangaan. Look at my fashion, ang pangit pangit kong manamit! And look at my face, losyang ako! Gwapo ka at disente kaya hindi mo deserve ang babang katulad ko so please.. Pull out the wedding! Do something para matigil ang kasal natin!"

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Again— anong nakakatawa?

"Still. Maganda ka parin kahit pangitin mo ang itsura mo."

Napalunok ako sa sinabi niya.

Maganda? Eh sinadya ko na ngang mag-papangit para ma-turn off siya sakin at hindi niya ko pakasalan.

"Hindi ako maganda. Tska.. mabaho ako! Amoy tae ang hininga ko at meron akong putok! Kaya if I were you, gagawa ako ng paraan para hindi ka maikasal sa babaeng katulad ko."

Lalo siyang natawa sa sinabi ko.

Ahh!! Bakit kanina pa niya ko pinag-tatawanan? Waka namang nakakatawa sa mga sinasabi ko ah! I'm serious!

"You desperately wanted to stop our wedding kaya mo nakukuhang i-pull down ang sarili mo. I see."

Nag-kasalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Mukhang kilala niya talaga ako— malamang fan ko daw siya eh.

"I'm saying the truth, Mr. Legazpi. Please do something.. Ayokong maipakasal sa'yo, I already have my boyfriend and I love him.. Please I'm begging you." Sabi ko habang pinipigilan ang sarili kong hindi maiyak.

Lahat kaya kong gawin para hindi matuloy ang kasal namin.

Kung luluhod ako sa harapan niya gagawin ko basta hindi gumawa siya ng paraan para mahinto ang kasal.

"I already know that you have your boyfriend and you love him, don't need to say that in front of me. Tss."

"Alam mo naman pala.. Please maawa ka sakin, mahal ko ang boyfriend ko."

Mafia's Obsession #3.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon