Obsession 4: Accept the fact

1.4K 36 0
                                    

PAGTAPOS nang pag-uusap namin ni Ella ay umuwi ako sa bahay. Kailangan kong kausapin sina dad para hindi matuloy ang kasal.

"Nasaan si daddy manang?" Tanong ko sa katulong.

"Naku! Amoy alak kayo, Ma'am Margo. Lagot kayo nyan kapag nalaman ng daddy niyo na uminom kayo."

Napapikit ako sa sinabi niya. "I don't hella care." Madiin kong sabi. "Nasan siya?"

"Nasa library po kasama si Don. Ced."

Tumango lang ako at nag-tungo na sa library. Kasama pala ni dad ngayon ang isa sa mga biggest partnership niya sa company.

Halos kilala ko lahat ng ka-close ni dad sa kumpanya. Si Don.Ced (daddy ni Ella) at si Tito Javier (daddy nung lalaking ipapakasal sakin) ang mga ka-business partener ni dad sa mga companies namin.

"Can I talk to you, dad?" Seryoso kong sabi.

"'Bout what?"

"About the freaking marriage."

"Oh. Mukhang kailangan niyo munang mag-usap tungkol dyan. Alis nako, Javier." Paalam ni Don. Ced kay dad.

Tumango lang si dad at hinintay si Don.Ced na makalabas bago mag-salita. "About the marriage? Anong gusto mong pag-usapan dun?"

Huming ako ng malalim bago nag-salita. "For the sixth time dad.. I'm begging you to pull out the wedding."

"Ilang ulit ko na bang sinabi sa'yo na hindi pwede? You can't do anything but to marry Xavier. Anong mahirap dun Margo?"

Naiyak ako sa sinabi niya.

"Anong mahirap? Dad naman! Kung ikaw ang nasa kalagayan ko mahihirapan ka din! Alam mong boyfriend ko si Rance pero ipapakasal mo parin ako sa iba! Are you dumb dad?!"

Tumayo si daddy at nagulat ng sinampal niya ko.

Lalo akong naiyak sa ginawa niya.

For the first time, sinampal ako ng sarili kong ama.

"Wag na wag mokong sisigawan Margo! Me and your mom allow you to do everything you want, lahat ng gusto mo ay binibigay namin sayo! Lahat ng luho mo napapasayo! Why can't you just repay us by marrying Xavier?"

"Repay? So lahat ng ginawa niyo sakin ay gusto niyong kapalit ay 'yun? Sorry dad pero hindi ako mag-papakasal sa lalaking 'yun."

"You're being selfish Margo."

"I'm not selfish dad! Ayoko lang talagang maipakasal sa taong hindi ko naman mahal! Why can't you just understand that?!"

"You think kapag hindi natuloy ang kasal niyo ni Xavier ay magiging kayo ni Zrel? Hindi kayo para sa isa't isa anak dahil soon ipapakasal din ang boyfriend mo sa iba."

Ang sakit marinig na ipapakasal din si Rance sa iba.

"Mas maganda ng maki-pag break ka kay Zrel ngayon para hindi na lumalim ang relasyon niyo. Para rin naman sainyo 'yun dahil sa huli.. Hindi talaga kayo pwede."

We both love each other pero bakit hindi kami pwede?

Tama si dad.

Alam kong lalo lang kaming masasaktan ni Rance kapag itinuloy pa namin ang relasyon namin. We both planned to marry someone else kahit na kami ang mag nobyo at mag nobya. Ang sakit sakit.

KINABUKASAN kaagad akong nag-tungo ng QA para kausapin si Rance. Ngayon ko na balak sabihin ang lahat sa kaniya.

"You cried all night, aren't you?"

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Xavier.

Hindi ko siya pinansin at nag-tuloy tuloy lang sa pag-lalakad.

Mafia's Obsession #3.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon