Prologue

733 20 0
                                    


Wala akong mahanap na matinong lalaki dito sa app na 'to. Nakakailang send na ko ng pictures at hello, wala pa ring pumapansin sakin. Nilagay ko ang phone sa tabi ko. Matagal na akong OFW dito sa Copenhagen, Denmark. Tatlong taon na kong nagtatrabaho dito as assistant teacher for Danish teachers dito. Iyan na lang muna ang ikekwento ko sa inyo kasi tumunog phone ko.

Finally! May sumagot din sa mga minessage ko sa Yellow Masque na to.

LowlyHungGuy: Hello! You're beautiful. Wanna come over to my place?

Ay bongga! Iniimbitahan na ko sa place niya. Kadalasan kasi puro "pass" at blocked lang natatanggap ko. Buti naman at may nakapansin sa'king taglay na kagandahan. Siyempre, kailangan kong tanungin ang pic niya.

JonWhoKnewNothin: May I see ur face pic?

Maya-maya lang, nagreply na siya.

LowlyHungGuy: Sorry, not sending face pics. So, will u come?

JonWhoKnewNothin: Yes.

Binigay na niya ang address na pupuntahan ko. Sa isang apartment ito. Sinuot ko ang jacket at sinuot ko ang hood. Malamig pa rin ngayon kasi spring ngayon dito sa Denmark. Hindi naman ganon kalayuan ang address niya. Walking distance lang naman. Sinimulan ko nang maglakad at mag-isip-isip habang naglalakad. Wala akong natitirang pamilya sa Pilipinas bukod pa sa tita ko na nag-aalaga sa tatay ko. Namatay ang nanay ko bago ako pumunta dito sa Denmark. Need ko namang pumunta at makipagsapalaran dito sa Copenhagen kasi wala akong mapapala sa sweldo ng Pilipinas. Kailangang ng mas malaking sahod para maabutan ko ng pera ang tita ko na siyang pantutustos sa panggamot ng tatay ko. Ang tita ko naman, matandang dalaga kaya hands-on din siya sa pag-aalaga sa tatay niya.

Narating ko din ang place ni LowlyHungGuy. Apartment nga to. Pumunta ako sa lobby at doon ko naman siya nakita.

Actually, sanay naman na ko sa mga itsura ng mga Danes* dito na maputi, kadalasan blonde mga buhok nila at fit naman pero iba itong si kuya. Maputi, almond brown ang buhok, medyo may pagkaborta ang kuya mo at ang ganda ng ngiti niya. Actually, papalapit na ako sa kanya.

"Hi!" bati niya at nilibot ang tingin niya sa mukha ko at sa katawan ko.

"Hello!" bati ko pabalik sa kanya.

Tama nga na borta si kuya. Sa malapitan, may highlights of blonde ang buhok niya sa harap. May stubbles din siya na kakatubo lang din. Naka-suot siya ng mamahaling relo at naka-long sleeve si kuya na black, black jeans at brown shoes. Ako naman, naka-tshirt lang sa loob ng jacket na to na may ternong jeans at rubber shoes.

"Shall we begin?" tanong niya sakin.

Tumango na lang ako at sabay kaming pumunta sa elevator na malapit sa lobby na pinag-stay-an niya. Siya na ang nagpindot ng floor sa elevator since siya naman ang nakakaaalam kung nasaan apartment niya. Tahimik lang kaming dalawa at nakatingin lang ako sa kawalan. Tinitigan ko siya. Talagang nakakaakit tong si lowlyhungguy. Teka, ano nga pangalan niya?

"What's your name?"

"Tom."

"Thomas?"

Tumango lang siya. Thomas. Bumukas ang elevator at naglakad kami sa hallway na maraming pinto at binuksan niya ang pinto. Wow. Di naka-lock ang pinto ng apartment niya. Sa bagay, land of trust naman itong Denmark. Room Number 1120. Pumasok na kaming dalawa. Wooden at vintage ang design ng apartment ni Thomas. Iniwan ko ang sapatos ko sa may shoerack.

"You may leave your jacket at the rack." utos niya. Tumango na lang ako at sinundan siya.

Sa bungad naka-set up ang living room niya. May dalawang maliliit na sofa at wooden table sa gitna. May TV din naman do'n. May isang kwarto sa gilid ng living room na yon. Baka doon ang kwarto niya. Sinundan ko siya sa papunta sa dining room niya. Nandoon ang kitchen set niya at dining table. Nakaupo na siya sa dining table tinititigan ako papalapit sa dining table. May nakahandang pagkain at tubig. May kandila pa sa gitna ng table.

A Prince Dethroned (BxB) (MxM) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon