Chapter 8

104 3 0
                                    

One week after ng date namin ni Tom, naging busy siya lately dahil na rin sa dami ng mga charities and organizations na pinapagawa sa kanya dahil na rin sa kalagayan ng kuya niya na may hemophilia. Hindi rin naman pwedeng maging substitute si Queen Amber dahil kabuwanan na niya. Naging okay naman ang pagsasama namin ni Sabine. Nagbigay lang siya ng advice na alagaan ko daw si Tom. Siyempre, nagpasalamat naman ako sa mga advice niya kay Tom at sa pagtuturo na rin. After ng shift ko ngayon, pumunta ako sa isang park na walking distance lang from the school. Pagdating ko sa park, nakaupo sa isa sa mga bench si Matt. Nag-usap kasi kaming dalawa na magkaroon ng friendly bonding man lang since matagal na kaming nakatira sa iisang apartment.

Dali-dali akong naglakad sa kanya at sinalubong siya ng isang ngiti. Nagyakapan lang kaming dalawa at kumalas din sa yakap minutes after.

"How's your work?" tanong ni Matt.

"I'm doing good. Thank you. How about you?"

Tumango naman siya. "I'm fine. We're just polishing this project."

Umupo na kaming pareho sa bench at inabot niya sa akin ang isang bote ng coke. Bumulong ako ng pasasalamat sa kanya at sabay naming tinungga ang coke. Binigyan niya ako ng isang cookie na na-bake niya kanina. Nilibot ko ang paningin ko at napansin ko na kokonti ang tao ngayon since walang holiday ngayon at weekday kasi ngayon. Napansin ko rin na naka-half mast ang mga flag ng Denmark.

"Do you notice the flags, Matt?" pagkalabit ko sa kanya.

"Hmmm?" tila ba nasa alapaap pa ang wisyo ni Matt.

"The fucking flags Matt! Did you notice them?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sakin at napatingin din sa mga flags at tsaka tumango-tango.

"Seems like someone died."

Naalala ko tuloy ang nachika sakin ni Tom last week na may hemophilia kuya niya at ayaw niyang maging Regent si Queen Amber. "Someone died from the royal family" mahinang sagot ko.

Narinig 'yon ni Matt. "How do you know?"

"I just know. Wait, lemme check the news."

Nagsearch ako ng balita sa internet kaso wala akong nakitang search hits about sa pagkamatay ni King Henrik ng Denmark. Tinignan ko ang iba't ibang mga sites, wala rin. Kataka-taka na wala rin ito sa mga culture and lifestyle sites kung saan karaniwang nafefeature mga royal family.

"No news yet." sabi ko kay Matt.

"Maybe, it's a blackout? And the Danes don't want to know about the death of someone from the royal family?"

Kinukutuban ako na baka ang kuya ni Tom ang namatay kaya di ko sinagot si Matt. I preferred asking Tom about it, I messaged him sa Yellow Masque App at sumagot din siya after ng ilang mga minuto.

LowlyHungGuy: Yeah. the king is dead. Long live King Henrik II, long live the Queen Regent.

JonWhoKnewNothin: My condolences to you. I remembered that you don't want your sister-in-law to be the Regent to your nephew. Why is it that you are opposed to this idea?

Na-seen na niya ang message ko and it took him five minutes to reply. Probably, magulo pa ang lahat sa Amalienborg Palace.

LowlyHungGuy: To cut the story short, Queen Amber was not the prior choice of my father to my brother. My father gave an official but secret proclamation in his dying days that he wanted to end the relationship of my brother and Amber for unexplained reasons. However, when my brother acceded to the throne, the secret proclamation went away in the archives.

Isang malaking pasabog to. Hindi ako makapag-isip nang isasagot ko sa kanya. Inignore ko rin si Matt na kinukulit ako kung ano ang sabi ni Tom.

JonWhoKnewNothin: On what reasons? Do you have theories?

LowlyHungGuy: I'll tell it to you once this situation is over. I love you, Jon. Keep safe. Please keep this conversation secret between us.

Pinatay ko ang phone ako at bumuga ng hangin. This is so much to bear. Tinignan ko si Matt na kanina pa nag-aabang ng balita sakin.

"The King is dead. His one week old son will succeed him. His wife, Queen Amber will be the Regent reigning in name of his son." sabi ko sa kanya.

Napatango lang si Matt. "So Queen Amber is the Queen Regent of Denmark who is basically the Queen in all but name."

Tumango-tango ako bilang pag-agree sa punto ni Matt. Naisip ko, dahil one week old pa lang si King Henrik II, malamang si Queen Amber ang magiging Regent nito. All constitutional powers and roles of King Henrik II ay mapupunta kay Queen Amber since siya ang Regent nito. Ang desisyon na i-apruba ng mga batas at ang pagpapadala ng mga sundalo sa ibang bansa ay kay Queen Amber din mapupunta. Kasi wala pang 18 years old si King Henrik II. Obviously, sumususo pa siya sa nanay niya kaya lahat ng constitutional powers niya at reserved powers niya, mapupunta kay Queen Amber. The Kingdom of Denmark has entered into the age of regency.

Tama nga si Tom. Ang dapat sabihan ng long live ay si Amber, hindi ang anak niya. Long live the King! All hail Her Majesty Queen Amber The Queen Regent! Tinapos na lang namin ni Matt ang snacks sa park nang dumilim na ang paligid at umuwi na kaming pareho sa apartment namin. 

A Prince Dethroned (BxB) (MxM) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon