Chapter 4

182 8 0
                                    

Nabasa ko kinabukasan ang chat sakin ni Tom sa Yellow Masque app. Niyayaya niya ko na makipagkita sa lobby ng hotel na tinitirhan niya. Siyempre, pumayag na ko. Hindi na ko nagpakipot pa. Siyempre, kapatid na ng hari at prinsipe ng Denmark na nagyayaya sakin, magpapabebe pa ba ako? Go na ko! Kaya di ko din gets iba bakit sila nagpapakipot.

Nagsuot na ko ng leather jacket, black t-shirt at black jeans. Rock style datingan ko ngayon. Naglakad na ko papunta sa tinutuluyan niya. Buti na lang Sunday ngayon. Makakapagpahinga pa ko at lamyerda ngayong day-off ko. Nang makarating na ko ng hotel, nando'n siya sa may lobby. Nakasuot siya ng brown na leather jacket, white t-shirt at maong jeans at brown shoes. Ngumiti siya nang makita niya ko.

Hinawakan niya ang braso ko. Naglakad kami papunta sa elevator at doon kami sumakay. Alam kong may mga kasama siyang body guard. Tumingin lang ako sa kanya at tumingin din siya sakin.

"I missed you" sabi niya sakin at hinalikan niya ko. Sobrang napakapit tuloy ako sa mga braso niya. Ang sarap niyang humalik. Naghiwalay kami nang tumunog ang elevator. Ding! Nasa basement na kami. Hinawakan niya ang kamay ko na kinagulat ko naman. Tumingin ako sa kanya at nginitian niya lang ako.

Sinalubong na kami ng mga bodyguard at pinunta na kami kung nasaan ang kotse ni Tom. Pinapasok na kami kaagad ng mga bodyguard niya. Holding hands pa rin kami ni Tom. Ngumiti lang siya sakin.

"Where will we go?" I asked him.

"I won't tell. It'll spoil the surprise." sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Hinawakan niya na lang ang kamay ko at tumingin naman ako sa labas. Marami-rami din palang nakatira dito sa hotel niya. Mga mayayaman, elite, businessman ang mga nandito dahil sa dami ng kotseng nakapark dito. Nagsimula na kaming bumiyahe at sa wakas, nakalabas na rin kami sa hotel at binaybay namin ang kahabaan ng mga kalsada ng Copenhagen. Malinis ang hangin dito at hindi gaanong traffic dito. Efficient din naman ang governance dito kasi parliamentary* ang government system dito sa Denmark.

The largest party in the Folketing* na nanalo sa election will be tasked to form the government with smaller parties. Of course, any government should have a majority. The second largest party will be the Opposition and holds the government to account kaya maganda ang governance dito. Kapag nalagot ang government, tegi sila sa opposition dahil sa Weekly Question time* nila dito. Oh diba, sa tagal ko nang nakatira dito, alam ko na how the parliamentary system works here.

Napansin ko na madami kaming nadadaanang mga parks dito sa Copenhagen. Priority kasi dito ang sustainability ng environment. Balanse ang modernity at industry. Napansin ko rin na maraming castles at towers dito. Maya-maya, papasok na kami sa isang grandeng palasyo. Don't tell me ito yung palasyong tinirhan niya before? Tumingin ako kay Tom at ngumiti lang siya sakin.

"Is this the palace where people like you live?"

"Yes," he nodded "I used to live here."

"It's beautiful." maganda naman kasi talaga ying palasyo.

"Beautiful like you." sabi niya sakin. Hindi ko alam kung nang-aasar tong si Tom o nangtitrip lang. Pinisil niya yung kamay ko at kinindatan niya ko. Ngumisi siya sakin sabay halik sa pisngi ko. Ang hilig niyang humalik ha. Maya-maya, lumabas na kami at tinanggal na niya hawak kamay sakin. Matigas ang kamay niya. Siguro sa kakagym niya na rin.

Siya ang pinauna ko sa paglalakad since siya naman nakakaalam ng lugar. Naglakad na ako at kahilera ko naman yung mga bodyguard niya. Pumasok kami sa entrance ng palasyo at tumambas sakin ang kagandahan ng palasyo. Tadtad ito ng palamuti at mga paintings.

"So you're touring me in your home?"

"Yes. I would like to share you my childhood and history of Denmark." sagot niya.

A Prince Dethroned (BxB) (MxM) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon