Chapter 6

120 5 0
                                    

Gumising ako na punong-puno ng pag-asa. Siyempre, pumunta ako ng kusina para simulan na ang pagluto ko ng breakfast kaso nakita ko ang isang dyaryo na may headline na: "Halvblodsprinsens elsker" (The Half Blood Prince's Lover). Sa picture, grainy ang picture pero kita ang mukha ni Thomas doon at kita ang side ng mukha ko. Pero meron pa itong ibang mga shots na kita ang mukha ko kasama na do'n ang magkaholding hands kami. Nilapitan ako ni Matt at tinanong ako about sa headline ng dyaryo.

"Shagging with the prince, eh?" walang tonong tanong niya.

"You're not the one who brings newspaper every morning" out of topic na sagot ko.

"Well, it's interesting since I got a roommate who's now famous in every Danish newspaper." sagot ni Matt pabalik. "And also, I suggest you book a ride from Uber, there are a lot of paparazzis out there." dagdag niya.

Tumingin ako sa bintana na malapit sa dining room at nakita ko nga ang ilang mga cameraman na umaaligid sa building namin. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at kinausap ko si Thomas. Binuksan ko ang Yellow Masque app at doon ko siya kinausap.

JonWhoKnewNothin: Don't worry I got them. Yeah, basically, the paparazzis are here! We are in a newspaper! Yeah, you really got it this time, Tom.

Maya-maya, nagreply siya.

LowlyHungGuy: I'm sorry. I don't have the means to control the media. Since I'm a bastard, I don't have the privilege to control my narrative. Our narrative. I tried asking my brother, the King to lend me his advisors but well...

JonWhoKnewNothin: So, what do you want me do? I need to get to work!

LowlyHungGuy: I cannot go there since it'll only flame the interest of the media. Walk and pretend it's normal. I'm sorry you need to get through this... for liking me.

Binulsa ko na lang ang phone sa inis. Sinimulan ko nang magluto ng breakfast ko at kumain. Sinusubukan kong i-ignore si Matt at gumana naman since nagprepare din siya na pumasok for work. After kong kumain, hinugasan ko na ang pinagkainan ko at naligo na. Hindi pa rin maalis ang kaba sakin. Nalaman kaya ni tita tong balita? Hays. Si Tom kasi, hindi nag-iingat. After nito, naligo na ko at nagbihis na din. I make it sure na mukha akong presentable kahit pagkakaguluhan ako ng mga media at mga paparazzi mamaya. Hindi pa rin mawala ang takot at kaba sa puso ko. Umiling na lang ako at kinuha ko na ang bag ko. Bumaba ako since nasa 4th floor ang apartment namin. Pagdating ko sa lobby, may nagpicture na sakin at may reporter na nagtatanong sakin sa Danish language. Dinedma ko lang sila.

Paglabas ko ng apartment namin, marami pang mga paparazzi ang nagpipicture sakin at tumakbo ako. Hinabol din naman ako ng mga paparazzi. Tumakbo ulit ako nang mabilis. Sinubukan kong bilisan ang pagtakbo ko kaso hindi rin kinaya. Kaya lakad-takbo ginawa ko. Nakita ko din na hinahabol ako ng isang kotse na may tatak ng sikat na network dito sa copenhagen. Tumakbo ako ulit. Wala akong pake kung mukha akong pagoda versoza pagdating ko sa school.

Matapos ang ilang minutong pagtakbo mula sa mga paparazzi, nakarating na rin ako sa school. Hindi ko na binati si manong guard at dumiretso na ko sa room ko. Hulas akong dumating at humarap kay Sabine.

"Oh, Jon! You're here." bati niya sakin. "Don't tell me you are being chased by the media?" tanong niya

"Yeah, uhm-" sagot ko kaso hinahabol ko ang hininga ko. Inalok niya ko ng tubig sabay lagok ng ilang mga beses. Pagkatapos kong uminom, huminga ako nang malalim at sinagot ko siya ulit. "I was being chased by the paparazzi. So that means you already know the story--"

Hindi na niya ko pinatapos pa. "Yeah. Lord Thomas Hafviksen. Once Prince and heir to the Danish throne, now stripped off his titles and loves my assistant teacher." Ngumiti siya ng pilit after nito. Galit siya sakin? Bakit naman siya galit?

A Prince Dethroned (BxB) (MxM) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon