Prologue

203 13 0
                                    


"Another dead body."

Sa tabi ng ilog, sa ilalim ng gabi, ay matatagpuan ang isang bangkay ng babae. Nakasandal ang katawan nito sa isang puno. 16 years old pa ang babae ngunit kapansin-pansin ang kulubot nitong balat na tila isang 90 years old.

Nakasuot siya ng puting lab gown.

"Ilang oras na siya rito?" tanong ng secret agent na nagngangalang Zen Wartz sa kasama nitong assistant. Tatlo lang sila sa mga oras na ito habang iniimbestigahan ang natagpuang bangkay. Pinasok nila ang gubat sa oras na may natanggap na report mula sa hindi kilalang tao tungkol sa bangkay ng babae.

"Mga tatlong oras lang ang bangkay na ito rito sir," si agent Zen at ang katabing assistant ay napatitig sa bangkay ng babae habang ang isa namang lalake ay chinicheck ito. "At base po sa nakita naming preskong sugat ng babae sa mga paa, parang nanggaling ito sa pagtakbo. At huminto ito sa punong iyan at dyan na rin mismong binawian ng buhay."

"You mean, may humahabol sa kanya?" konklusyon ni agent Zen sa sinabi ng assistant habang nakatuon parin ang tingin sa bangkay. Dilat ang mga mata ng babae. Tumingin ang assistant kay agent Zen.

"Parang gano'n na po sir, at alam kong alam n'yo sir na hindi ang babaeng ito ang unang biktima. Marami na sila. At kagaya ng iba, ang babaeng ito ay kulubot na rin ang mga balat. At hanggang ngayon, sir ay wala parin tayong makuhang lead sa mga sunod-sunod na pagkamatay ng mga estudyante. Sumasakit na ang ulo ko." Reklamo ng assistant, napabuntong-hininga nalang si Agent Zen at napatitig sa dilim ng gubat.

"Kagaya ng ibang biktima, sa Gale Academy rin nag-aaral ang babaeng ito." Dagdag ng assistant.

"Nalaman n'yo ba ang pangalan ng babae?"

"Opo, naglibot-libot po kami sa paligid ng gubat at may natagpuan po kaming ID." Binigay ng assistant ang ID kay agent Zen. "Medyo kulubot na ang mukha ng babae kumpara sa ID nito pero nagmatch naman sila kahit ganoon."

Tinitigan ni agent Zen ang pangalang nakatatak sa ID at naikuyom na lamang nito ang kamao dahil kilala niya ang babae.



GALE ACADEMY

Name: Luna Ho del Rosario



* * *

System of CodexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon