Chapter 2: Gymnasium

99 7 2
                                    

Chapter 2: Gymnasium

Luna's Point of View

"E-Ella?" nabuhayan ako nang makilala ko siya. Unti-unting nawala ang sakit sa sikmura ko.

"Okay ka lang?" hinawakan niya ang wrist ko at tumingin sa tatlong lalakeng muntik nang dumukot sa'kin.

"Miss, umalis ka na, kung ayaw mong madamay ka rito." Saad ng lalake sa gitna. Ang dalawang lalake na nakahawak sa magkabilang braso ko kanina ay nasa tabi na niya.

"Ella, tumakbo na tayo!" hinila ko siya para sabay kaming tumakbo pero tila napako si Ella sa semento at halos hindi ko ito magalaw. Ang lakas niya.

Nanatiling nakatayo si Ella habang seryoso ang mga mata.

"Anong kailangan n'yo kay Luna?" seryoso ang boses ni Ella. At wala akong naramdamang kahit anong bahid ng kaba o takot sa boses niya.

"Wala ka na do'n," sagot ng lalake sa gitna. "Si Luna lang ang kailangan namin. At ginagawa lang namin ang trabaho naming." Kumunot ang noo ko dahil kilala nila ako.

"Sino ba kayo?! Anong kailangan n'yo sa'kin?" tanong ko kahit pa natatakot ako. Pero medyo nawala na ang takot ko dahil kasama ko si Ella. At kahit alam kong babae lang si Ella at hindi niya rin kaya ang tatlong lalaking ito.

"Sumama ka nalang," sinenyasahan ng lalake dalawa niyang kasama na agad namang sumunod at lumapit sa amin.

"Ella," tawag ko para tumakbo na kami. Pero tinignan lang ako ni Ella saka niya ako nginitian.

"Hindi siya sasama," malamig ang boses ni Ella saka siya lumayo sa akin at nilapitan ang tatlong lalake.

Sabay na sumuntok ang dalawang lalake, mabilis ang galaw ni Ella. Umikot si Ella para makailag sa dalawa at saka niya sinipa sa mukha ang lalakeng nasa kaliwa.

Hindi na nakareact ang lalake dahil diretso na itong nakatulog sa lapag. Sumuntok ulit ang isang lalake, nagside step si Ella at hinila ang wrist ng lalake. Pinress ni Ella ang batok ng lalake, may narinig akong tunog at nakatulog agad ang lalake.

Napangaga ako sa sobrang bilis ni Ella, halos hindi na ako humihinga sa nakikita. Napatulog ni Ella ang dalawang lalake wala pang isang minuto.

Patakbo niyang nilapitan ang ikatlong lalake saka tumalon si Ella, tila humina ang pagpatak ng oras. Habang nasa ere pa si Ella, umikot siya at sinipa sa sentido ang lalake.

Maging ako ay napangiwi dahil kitang-kita ko kung paano malakas na tumama sa sentido ng lalake ang dulo ng sapatos ni Ella.

Bumalibag ang lalake sa semento at diretso itong nawalan ng malay. Magaan na naglanding si Ella sa lapag. Nahulog pa ang cellphone niya kaya agad niya naman itong pinulot.

"Naku, nahulog pa g-tech ko," sabi niya habang pinapasok ang cellphone sa bulsa. Tinignan niya ako at lumapit sa akin.

Hanggang ngayon ay nandidilat pa ang mga mata ko sa nakita.

"Wait," sabi ko at napatigil naman si Ella, mga 2 meters ang distansya namin.

"Bakit?" takang tanong niya. Nandidilat ang aking mata. Palipat-lipat ang tingin ko kay Ella at sa tatlong lalake na ngayon ay wala ng malay.

"Gangster ka?" hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Tumawa lang si Ella.

"Hindi ah," ngumiti siya at lumapit sa akin. Saka niya ako hinila.

"Tara na nga, sabay na tayong umuwi," sabi niya pa. Ako naman ay napatingin sa tatlong lalake habang kami ay lumalayo.

***

System of CodexWhere stories live. Discover now