💙 Chapter 10 💙

111 10 9
                                    

Hope's POV

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng office ni Emperor ng hindi napapansin ni Dax. Ang alam ko lang ay masyado siyang naging abala sa pag-ubos ng mga niluto niyang pancakes. Tahimik akong humakbang patalikod habang ang buong atensyon ay nakatuon sa kanya, pinakiramdaman ang bawat subo niya sa pancakes dahil baka biglang lumingon ito kahit na may namumuo ng balak sa isip ko kung anong gagawin kung sakali.

Daig ko pa ang isang bilanggo sa pagtakas. Kinakabahan ako pero taimtim akong nagdadasal sa isip ko dahil wala akong tiwala sa plano ko sakali mang mahuli ako lalo pa ngayon at natataranta ako.

Huwag kang lilingon.

Paulit ulit na sigaw ng isip ko habang dahan dahan parin na naglalakad patalikod. Kaharap ko ngayon ang likod niya at siya naman ay nakaupo sa tapat ng office table ni Kiel kung saan kadalasang umuupo ang mga pasyente. Ang desk ay nakaharap sa pinto kaya likod ni Dax ang nakikita ko. Napasulyap ako sa malaking glass wall at kita ko ang malawak at magandang tanawin mula dito sa taas.

Nakakagaan ng pakiramdam.

Muntik na akong mawili at makalimutang may tinatakasan pala ako. Mabilis ngunit maingat kong ipinihit ang door knob pabukas at dahan-dahan na isinarado ito matapos kong makalabas.

Success.

Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman ko na namang bumilis ang tibok nito dahil sa sobrang nerbyos. Kanina pa ako kinakabahan pero parang dumoble na naman ngayon.

'Pag nagpatuloy ito ay hindi ko na alam kung anong mangyayari. 

Nasa hospital ka naman na Hopya, walang problema–

Letcheng utak 'to.

Hindi ko na inisip kung lumingon ba siya matapos kong maisara 'yon pero di bale na, ang importante ay nakalabas ako ng matiwasay at hindi nahuhuli.

Mabilis kong iginala ang paningin sa paligid upang hanapin ang elevator kung saan kami galing ni Dax kanina. Mabilis ko rin naman itong nakita sa kanang gawi ko sa pinakadulo nitong hallway kaya tinakbo ko na ang ilang distansyang pagitan. Pipindutin ko na sana ang floor buttons nang biglang naagaw ang atensyon ko ng isang glass door.

Nakaramdam ako bigla ng excitement. Kita kasi mula rito kung ano ang tanawin sa likod ng pinto na 'yon.

I used to stay to a place like that especially when it feels like I have nothing aside from myself. Bukod sa tahimik ay nagagawa kong kumanta, makinig sa musika at magbasa ng libro ng payapa ang buhay. Parang nakakalimutan ko pansamantala kung gaano kagulo ang mundo dahil kadalasan ay may sarili naman akong mundo. Mayaman na ba ako no'n?

Hindi ko namalayan na nalapitan ko na pala ang glass door. Curiosity knocked on my senses.

Huwag ngayon, Hopya. Huwag kang magpapaakit.

Wala naman sigurong masama kung sisilip lang ako.

Saglit lang naman. Silip lang.

Itinulak ko ang glass door para bumukas. Inilibot ko ang paningin at hindi ko maiwasang mamangha sa lawak at linis nito. Parang hindi siya isang terrace lang dahil sobrang lawak. Para siyang isang rooftop. Mas malawak pa sa rooftop na tinatambayan ko sa studio.

Nice. I need refreshment this time.

I wanna stay even just for awhile. Ang presko ng hangin at isa ito sa dahilan kung bakit nakasanayan kong tumambay sa ganitong klaseng lugar. It makes me calm. I find peace.

Off Limits [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon