Love For Money

178 39 6
                                    

AUTHOR'S NOTE : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of author's imagination.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or creative derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

____________________________________

PANIMULA

"Shar, tawag ka ni Boss, mukhang may  gusto na naman yatang magtable sa'yo." bulong ni Miles na katrabaho/kaibigan ko dito sa Club 69.

Naging kaibigan ko ito simula nong lumuwas ako paMaynila. Laki akong probinsya. Siya ang kauna-unahang naging kaibigan dito at siya ang nagpasok sa akin sa trabaho. Matagal na siya dito kaya madali nalang sa kanyang magrecruit ng mga bagong trabahante. Buti nalang din at hiring sila ng mga panahong 'yon kaya nakapagsimula kaagad ako sa trabaho. Isa akong waitress sa Club 69, ganoon din siya. Minsan naman ay request singer din ako, pandagdag kita na rin.

"Sino?" tanong ko ng di siya tinitignan. Inililigpit ko kasi ang mga bote ng alak na pinag-inuman ng mga costumer kanina.

Nagkibit balikat siya "I don't know. Puntahan mo nalang don." inginuso niya ang table kung nasaan naroroon ang boss namin kausap ang mga costumer na mukhang nagrerequest na maitable ako. Hindi ko kita ang mga itsura nila dahil nakatalikod sila sa akin. "Mukhang mayaman ang nabingwit ni Boss at medyo bata. Ang laki nga ng ngiti niya kanina nong kinakausap ako eh."

Napabuntong hininga ako. Ang pagiging waitress lang talaga ang trabaho ko dito. Part time job ko lang 'to. Mula 8pm hanggang 2am ang duty namin ni Miles. Pareho kaming nag-aaral sa umaga at sumaside-line naman sa pagiging waitress kapag gabi. Siya para may panggastos sa baby niya, maaga kasi siyang nabuntis kayo todo kayod siya para buhayin ang pamilya niya. Ako naman para may panggastos sa pang-araw araw na buhay at para sa pag-aaral na rin. Ako nalang kasi mag-isa sa buhay kaya kayod kalabaw talaga para ako mabuhay.

Pinatulan ko narin ang pagiging isang request singer dito sa Club 69 para may dagdag kita rin. Hindi naman kasi ako singer dito sa club, gaya ng sabi ko nirerequest lang ako ng mga costumer kapag hindi nila gusto ang bandang tumutugtog.

500 pesos ang bayad bawat kanta. Malaki na rin 'yon para sa aking hikahos sa pera kaya pinatulan ko na. Kung sino mang costumer ang nagrequest siya ang magbabayad ng fee ko.

Minsan nakakaapat na kanta ako sa isang gabi. So nakakatwo thousand ako na boses ko lang ang puhunan. Hindi pa kasali ang linggohang sahod ko dyan.

Every sunday ang sahod naming lahat na trabahante.  Nakadepende din sa mga costumer ang sweldo namin. Kung maraming costumer sa isang buong linggo ay hindi nalalayo sa 3k to 4k ang sahod namin a week pero kung hindi naman hindi na 'yon lalagpass sa 2,500. Not bad! May naihuhulog pa rin ako sa bank account ko kahit papano.

Yes, sa edad kong 'to may bank account na ako. Mahirap lang ako at nakatira sa barong-barong. Baka matsambahan pa't nakawin ang perang dugo't pawis ang pinuhunan ko. Mabuti na 'yong sigurado at nag-iingat ako lalo't mag-isa lang ako at babae pa.

Ako nga pala si Sharlene S. San Pedro. 22 yrs.old, tubong Bulacan at nasa Maynila na ngayon at nakikipagsapalaran. Gagawin ang lahat para gumaan ang mahirap kong buhay.

Pag-ibig? o Pera? Alin nga ba ang mahalaga? Para sakin pera dahil hindi ka naman kayang busugin ng pagmamahal na sinasabi nila. Pag-ibig? Wala pa sa bokabularyo ka 'yan. Uunahin ko muna ang pagyaman bago ang pag.i pag-ibig na 'yan.

Money is my happiness....
Money is my everything....
Money is my world....
Money is my all....
And, money is my LOVE....

____________________________________
Date Posted : July 1, 2020

Love For Money [SLOW-UPDATE]Where stories live. Discover now