KABANATA 1

70 23 1
                                    

Hindi madali ang buhay dito sa Maynila lalo na kung namumuhay kang mag-isa. Simula kasi ng mamatay ang pareho kong mga magulang dahil sa sunog noong labinlimang taon palang ako ay tumayo na ako sa sarili kong mga paa. Pitong taon akong namuhay ng mag-isa sa kalsada. Palaboy-laboy, namamalimos, nagtiginda ng basahan at kung ano-ano pa para may masilop na pera. Hanggang sa nakilala ko si Miles. Nakita kasi niya akong naglalako sa kalsada ng mga paninda kong bottled water.

FLASHBACK :

"Tubig kayo mga sir, mga maam. Tubig...tubig...tubig..." sigaw ko sa tinda ko.

"Ahh, pabili nga ng isa. Magkano?" tanong nung bumili.

"Bente pesos lang po." nakangiting sagot ko.

"Ayy, ang mahal naman. Doon sa kabila, ang ganyan 15 pesos lang." nakanhgiwing sabi niya.

"Mas maganda naman kasi ako doon Miss, at tsaka parang singko pesos lang ipagdadamot mo pa. Ayy teka, dito ka nalang sakin parati bumili at sasabihin ko sa amo ko na may suki akong bibigyan ng discount, mahilig pa naman sa sexy at maganda 'yun." pang-uuto ko sa babae. Well, diskarte ang tawag diyan. "At tsaka Miss.." dagdag sabi ko. Lumapit bahagya sa kanya at bumulong.

"Teka..teka..'wag masyadong malapit, napakarungis mo, may trabaho pa ako no, baka madumihan mo uniform ko." sabi nung babae at pinagpagan ang uniform niya at lumayo ng kaunti sa akin. Napaismid ako. Napaka.arte, mas maganda naman ako sa kanya!

"Alam mo ang arte mo. Hindi naman ako madumi ahh? Mas lalo namang wala akong masangsang na amoy." inamoy-amoy ko pa ang dalawang kili-kiki ko. "Kita mo ang mga jeepney drivers na nandoon.." tinuro ko ang ang nakapilang mga jeep at mga nagkukumpulang mga drivers na nakatingin sa gawi namin. "Ako ang tinitignan ng mga 'yan, kahit ganito lang ako, nabibihagni pa rin sila sa ganda ko."

Tumawa ang babae. "Hahahahaha!" isang napakalakas na tawa ang pinakawalan niya. Hawak-hawak niya pa ang tiyan niya na para bang isang napakalaking biro ang sinabi ko. "Seryoso? Sa itsura mong 'yan? Naakit mo sila sa ganda mo?" Alam mo, pwede kang magtrabaho sa comedy bar, ang galing mong magpatawa. Hahahaha!" muli na naman siyang tumawa. Napairap nalang ako sa hangin.

Hindi lang pala maarte to, judgemental at baliw rin!

"Bakit? sinabi ko bang nagpapatawa ako?" sarkastikang tanong ko.

"Bakit? Kaya mo bang patunayan na hindi?" nakataas kilay na tanong niya. Hinahamon ako.

"Paano kung oo?" tinaasan ko rin siya ng kilay. Naghahamon rin. "Kapag napatunayan ko ang sinasabi ko, papakyawin mo lahat ng mineral water na tinda ko. " may ngisi na sa labi ko. Nangunot naman ang noo niya. "Oh bakit? aatras ka na?" sabi ko na mas may malaki ng ngisi sa mga labi. Mas lalo namang nangunot ang noo niya.

Nagkibit-balikat balikat siya. "Oh, sige.."

"Deal?" sabi ko at naglahad ng kamay sa kanya.

"Deal." nakangiting aniya at tinanggp ang kamay kong nakalahad. Nagshakehands kami.

Sabay naming pinuntahan ang grupo ng mga lalaking nag-uusap. Natigil lang sila sa ginagawa ng masulyapan kami ng isa at sinabi niya sa kanyang mga kasama kung anonang nakita. Napatawa nalang ako at napapailing ng makita ko sa kanilang mga mukha at pagnanasa. Nakanganga pa ang mga loko at nanlalaki ang mga mata. May isang driver pa nga tulo ang laway.

Love For Money [SLOW-UPDATE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt