KABANATA 2

45 23 0
                                    

Naging maganda ang tulog ko kagabi, puro positive thoughts lang kasi ang iniisip ko. Idagdag mo pa na napanaginipan ko sila Mama at Papa, sinabi nila sa aking proud na proud sila sa mga naging achievemets ko lalo na ang pagbabalik skwela ko. Kahit na sa panaginip ko lang sila nakausap at nakasama ay hindi ko parin napigilang ang hindi maiyak, at sa konting sandaling 'yon naramadaman ko ang pagmamahal nila na kahit nasa kabilang mundo na sila ay naiparamdam pa rin nila.

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kapag naalala ko ang mga magulang ko ay naiiyak ako. Close na close ako sa kanilang dalawa kaya labis labis ang sakit na akong nararamdaman ng nawala sila. Maaga akong nawalan ng mga magulang at naulila kaya kapag nakakakita ako ng isang buong pamilya ay naiinggit ako. Na sana may ganyan din ako. Na kung magkakaroon man ako ng isang pagkakatong makahiling at mabigyan ng tsansa ay sila Mama at Papa parin ang pipiliin kong maging magulang ko.

Pare-pareha ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanilang anak pero para sa akin mas mapagmahal ang mga magulang ko. Hindi ko man nasaksihan ang pag-iibigan nila simula noong una pero dahil sa mahal nila ang isa't-isa ay ako ang naging bunga. Mas lalo pa nilang minahal ang isa't-isa ng dumating ako sa kanila. Mas dumoble ang paglalambing at ang pagiging maalaga ni Mama para kay Papa at dumoble rin ang pagmamahal at pagsiaikap ni Papa para sa amin ni Mama.

Lumaki akong masayahin, matulungin sa kapwa at may takot sa Diyos. Laging ipinapaalala nila Mama at Papa na gawin ko ang tama at 'wag magpapadala sa takot. Dahil kung takot ka, at kahit alam mong tama ka hindi mo parin ito magagawa dahil nananaig ang takot sayo.

Masaya ang pamilya namin kahit mahirap lang kami. Isang empleyado ang Papa ko sa isang Plastic Factory malapit lang sa amin at isang plain housewife naman ang Mama ko. Doble kayod si Papa para matustusan ang lahat ng pangangailangan namin lalong-lalo na ako. Lahat binibigay ni Papa kung ano man ang naisin ko. Kahit na medyo iniispoil ako ni Papa hindi naman ako naging sutil at naging pasaway na anak. Mula sa paglilinis, sa paglalaba, at sa anumanang gawaing bahay ay si Mama ang gumagawa. Tuwing may pasok si Papa sa trabaho at may pasok naman ako sa school ay nakahanda na lahat ng mga gamit at kakaininin namin. Sobra sobra kung mag-alaga si Mama lalo na pagdating sa akin. Laging may laman na mga gamo at mga gamit na may kinalamin sa paglilinis ng katawan ang bag ko tulad ng paracetamol, cetirizine, wet wipes, alcohol, insect repellent lotion, mouthwash (kasi daw dalaga na ako, baka daw makausap ko ang crush ko o kahit na sino kaya dapat daw akong gumamit ng ganito lalo na pagkatapos kumain) sanitary napkins (kasi nga dalaga na dapat daw palaging may ganito, baka magkaroon ako ng period bigla). Pinapadalhan niya rin ako ng raincoat pero tinaasan ko siya ng kilay. "Ang dalaga hindi na nagreraincoaot kaya payong nalang ang dadalhin ko." yan ang eksaktong sinabi ko ng pinilipilit niyang raincoat ang dalhin ko kaysa sa payong. Pero ang gusto ko parin ang nasunod. May dala-dala din akong tubig para hindi daw ako maging dehydrated. Towel para pamunas ng pawis, lalo na kapag P.E time namin laging may pinapagawang activities ang teacher namin kaya kailangan ko talaga ng towel dahil pawisin akong tao. Extra na damit (pants, t-shirt , at undergarments) para daw kung may emergency ay may pamalit ako. Malaking-malaki ang bag ko at halos sumabog na ito dahil punong-puno ang loob. May mga gamit din sa school kaya sobrang bigat din talaga. Sana pala maleta ang dala ko! Para naman kasi akong lalayas nito dahil kumpleto na sa gamit ang laman ng bag ko! Tsk! Girlscout nga ang tawag nila sa akin dahil tuwing may kakailanganin sila ay sa akin sila lumalapit dahil nga kumpleto ako sa mfa gamit. Anong akala nila sakin, factory? Pinapadalhan din naman ni Mama si Papa ng mga ganito pero hindi nga lang sindami ng sa akin.

May mga problema ding dumadting sa aming pamilya, nag-aaway rin sina Mama at Papa, may mga utang din kami pero lagi namang nagagawan ng paraan ng mga magulang ko. Halos wala na nga akong mahihiling pa dahil may mapagmahal at maalaga akong mga magulang, hindi man mayaman pero palagi kaming masaya at magkakasama.

Love For Money [SLOW-UPDATE]Where stories live. Discover now