KABANATA 3

42 13 0
                                    


Mabilis akong naligo dahil usapan namin ni Miles ngayon na magkikita kami ngayon sa school na papasukan namin dahil ngayon lalabas ang results ng entrance exam. Dito namin malalaman kung pasado ba kami at tanggap sa UST o hindi.

Wala pa naman akong cellphone kaya hindi ko siya maiinform na nasa school na ako.

Pagkatapos maligo agad akong nagbihis. Isang white sunflower crop top, faded skinny jeans at isang rubber shoes ang aking isinuot. Naglagay ako kaunti ng light make-up sa mukha at sinuklay ang medyo mahaba at basa ko pang buhok. Kinuha ko ang wallet at chain shoulder bag at isinabit ito sa balikat.

Agad naman akong nakakita ng bakanteng taxi at pinara 'yon. Sinabi ko ang direksyon ng pupuntahan at sinunod naman niya ang sinabi ko.

Hindi naman nagtagal ang biyahe namin sa daan dahil matapos ang 20 minutes ay nakarating na ako sa patutunguhan. Salamat nalang at walang traffic dahil nakita ko na si Miles sa may gate at naghihintay na sakin.

Agad akong nag-abot ng bayad kay Manong Driver at lumabas sa taxi. Tinungo agad ang direksyon ng kaibigan. Base sa kanyang facial expression ay kitang-kita ko ang kanyang pagkakabagot. Kanina pa siguro siya naghihintay sa akin dito.

"Hi!" bati ko ng makarating na ako sa tabi niya. Hingal pa ako ng sinabi 'yon dahil tinawid ko pa ang kabilang kalsada upang makalapit sa kanya. "Kanina ka pa?"

Humulukipkip siya at pinagkrus ang dalawang braso. Kunot-noo niya akong binalingan ng tingin. "Che! Alas 7 pa ako nandito. Anong oras na?" sinulyapan niya ang relong suot. " My God! Alas otso y media!" pahisterya niyang sabi.

"Hehehe.." pekeng tawa ko. "Napasarap kasi ang tulog ko kaya natagalan ako ng gising." dahilan ko pero totoo naman.

"Whatever you say my friend." sabi niya at umirap sa kawalan. "Halika na ng matapos na tayo. Ilibre mo rin ako ng agahan dahil hindi ako nakapagbreakfast sa bahay. Nagluto pa naman ang honey my loves ko ng omellete para sakin pero hindi ko nakain dahil nga letse ka, inuna kita. Hhuhuhu!" padabog na sabi niya at umaakting na parang naiiyak.

"Ililibre na kita. 'Wag kanang mangonsensya." sabi ko at hinila na siya papasok ng school.

Marami-rami ring tao ang nandito ngayon. Siguro'y ngayon ang schedule ng iba upang magtake ng entrance exam. Siguro ang iba ay nandito upang magpa.enroll na para sa darating na pasukan.

Agad kaming nagtungo sa mga bulletin board kung saan nakapaskil ang mga pangalan ng mga nakapasa sa entrance exam.

College of Medicine Entrance Exam Passers at University of Santo Tomas (UST)

Yan ang nakalagay sa ibabaw'ng parte ng bulletin board.

Names :

1. Donato Antonio Pangilinan - 99. 81%

Wow! Ang galing naman ng nasa Top 1! Sobrang talino siguro niya at ganon nalang kalaki ang nakuha niya sa entrance exam.

2. Sunny Kim - 98. 99 %
3. Ai dela Cruz - 98. 33%
4. Brandon Pielago - 97.65%
5. Sheila Lynn Mangila - 95.44%
6. Glenn Clinton Rabo - 92.69%
7. Shallymar Boybanting - 90 %
8. Rhianne Pardillo - 89. 91 %
9. Nathaniel Bolocon - 89. 66%
10. Althea Llanto - 88.88%
11. Ian Alferez - 87%
12. Shentiel Bartolabac - 86. 59%

Nanlumo ako ng makitang wala sa listahan ng first page ang pangalan ko. Nakita kong wala rin ito sa pangalawa. Nawawalan na ako ng pag-asa. Parang hindi ko na kayang tignan pa ang sunod na mga pahina.

Love For Money [SLOW-UPDATE]Where stories live. Discover now