Chapter 2

27 9 0
                                    

Anastashia Pov

Natapos na ang morning class namin at ngayon ay papunta na kaming tatlo sa cafeteria para kumain.

"Pagsila talaga hindi tumigil lalagyan ko ng ipo ipo tong paaralan!"inis na sambit ni Aira nakita ko namang siniko siya ni Aquaire

Anong problema nila? Di ko sila gets

"Hahaha hayaan mo na sila Aira mga walang magawa sa buhay lang yung mga yun hehehe"tumingin ako sa kanya na ngayon ay tumatango tango

"Sa bagay,pero bakit hindi na lang sa pag-aaral sila tumuon ng pansin?! Tsk mga spoild brat!"tumawa nalang kami ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Bilisan na natin para pagkatapos niyong kumain ay magkwento kayo kung paano kayo nagkakilala"nakangiting sabi ko sa kanila hindi kasi natuloy kanina eh kasi umextra si Stacey

"Oo nga tara! Kyah!! Excited na akong magkwento! Hehehe panira kasi yung Stacey Cat na yun!"simula kanina ay siya lang ang palaging nagsasalita habang itong si Aquaire naman ay parang di marunong magsalita at ako sumasagot nalang kay Aira.

"Paano ka hindi maexcite eh halos ora-oras ay magsasalita ka! Para kang di maubusan ng laway eh!"bulyaw ni Aquaire ayun nagsalita narin hihihi

"Eh kasalanan ko bang pinanganak akong ganito ka daldal?!!"pfffttt nakakatuwa pala silang magtalo sana pala matagal ko na silang nakilala

"Tama na yan hahaha tara bilisan na natin"pagpigil ko sa kanila at hinila ang mga ito

Pagkadating namin sa Cafeteria ay nagsisimula na naman silang magbubulungan tungkol sa akin pero di ko nalang pinansin yun at pumunta na sa counter at bumili ng kanya-kanyang pagkain.

"Alam mo ba? Nung una kaming nagkita nitong si Aquaire ay doon sa korea?"pagsisimula ni Aira sa pagkwento,nandito pala kami sa garden kami lang ang nandito dahil lahat ng estudyante ay nandun sa cafeteria.
Pinili namin dito para makapagkwento ng maayos si Aira.

"Ah ganun ba? Woah sana all! Kung ganun nakita niyo na ba ang exo?bts,blackpink,twice,got7,g-friend at iba pang kpop groups?"pagtatanong ko sa kanila

"Oo kyaahhhhhhhh!!!!! Hindi ko talaga makalimutan yun! Nung nagconsert ang exo ay pumunta talaga ako dun at alam mo ba? Ang gu-gwapo nila kyah!!! Huhuhu lalong-lalo na si Chanyeol my labs"tumili pa ito ng napakatinis na tinig kaya tinakpan ko ang aking tenga ay di lang pala ako,pati na din si Aquaire.

"Tumigil ka nga sa kakatili mo! Sakit sa tenga tsk!"saway ni Aquaire kay Aira

"Bakit totoo namang gwapo sila ah?!"anong konek? Paki-konek nga ng sinabi ni Aira masyadong malayo eh hehehe

"Ghe na Aira ituloy mo na ang pagkwento"nakangiwing sabi ko,pano ba naman kasi ay nag-iimagine ang loka

"Saan? Yung sa exo?"tanong niya

"Hindi yun........ baka saan na naman yan mapunta"binulong ko nalang yung huling sinabi ko baka marinig niya hahaha

"Ahh okay okay,kasi ganito yun....
Nung bata pa ako mga 5 or 6 years old ay namasyal kami nila mommy at daddy sa park tapos nagpaalam sila sa akin na bibili lang daw sila ng ice cream saglit dun sa kabilang side ng park. Kaya hinintay ko sila dun pero habang naghihitay ako ay merong mga bata na lumapit sa akin. Hiningian nila ako ng pera at dahil wala akong pera nun ay kinuha nila ang laruan ko na binigay pa sa akin ni lola nung Birthday ko. Sinubukan kong kunin yun pero ayaw nilang ibigay,iyak ako ng iyak habang kinuha yun.. pero dumating si Aquaire sinabihan niya yung mga bata na tatawag siya ng police kapag hindi nila ibigay ang laruan ko. Kaya ibinigay nila sa akin ang laruan ko at biglang tumakbo....nagpasalamat ako kay Aquaire at mula noon ay palagi na kaming nagkikita at naglalaro sa park... pero mga three months ay nahuli siya ng dating dun sa park. Akala ko maglalaro na kami pero hindi pala"nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Aira saka ngumiti ulit at pinagpatuloy ang pagkwento "nagpaalam lang pala siya sa akin na aalis na siya sa korea at pupunta na sa Japan at nung nakaraang linggo ulit kami nagkita. Di ko talaga inaakala na siya si Aquaire kung hindi dahil sa kwentas ay di ko siya makilala"pinakita niya sa akin ang kanyang kwentas kaya tinignan ko ito at saka ang kwentas ni Aquaire ang pendant nun ay A&A "marami ng nagbago sa kanya dati nung bata pa kami ay palagi itong dumadada pero ngayon ay parang hindi na marunong magsalita,pero atleast magkakasama na ulit kami at hindi lang yun! Nandito ka at kaibigan namin!!"grabe talaga ang tadhana.. nakakaiyak naman ng kwento nila *sniff*

"Hala bakit ka umaiyak?!"dali-daling kumuha ng panyo si Aira at ibinigay sa akin

*shiff* *sniff*

"Ka-si naman eh na-kaka-iyak a-ng story niyo"patuloy parin ako sa paghikbi... pwede ng i MMK ang kwento nila huhuhu

"Wag kang umiyak para kang bata"tinignan ko si Aquaire tsaka inakap ng napaaakahhiiiggggpittt "Aquaire masaya ka ba na nagkita ulit kayo ni Aira?"tanong ko sa kanya na nakaakap parin

"D-di a-ako ma-kahinga"huh? Hala! Dali dali akong bumitaw sa pagkaakap at tinignan siya

"Sorry Aquaire,di ko kasi napigilan eh"nakita ko itong tumango kaya tinanong ko siya ulit
"So ano nga? Masaya ka bang nagkita kayo ulit ni Aira?"

"Hindi"sabay tingin kay Aira na ngayon ay nanunubig na ang mga mata.. Hala! Ang bad naman ni Aquaire "syempre joke lang!!! Na miss ko siya sobra!"inakap ni Aquaire si Aira na ngayon ay pinupunasan ang kanyang luha

"PASAALLLIIIII!!!"sumali ako sa yakapan nila

"Urghhh ang drama tsk!"unang bumitaw si Aquaire kaya napatawa nalang kami

"Tara na malapit na ang time paniguradong mapapagalitan tayo pag nalate"sinangayunan namin ang sinabi ni Aira kaya ito kami ngayon papunta na sa room.

Pagkapasok namin ay wala pa si sir Juarez Bio teacher namin kaya malaya kaming nakapagdaldal pero maya maya ay dumating na si Sir at nagsimulang magturo.

Nandito na kami sa hallway naglalakad dahil uwian time na,pero syempre sila lang ang umuwi dahil meron akong dadaanan at yun ay ang trabaho.

"Oh ano mauna na ako sa inyo"paalam ni Aquaire sa amin,kinawayan namin ito

"See you tomorrow!"sigaw niya Aira kasi medyo malayo layo na si Aquaire

"Ako din Tashia mauna na ako ah?!"tumango naman ako at ngumit "ah! Sabay ka na lang? Tara!"pag-aaya niya

"Nako wag na Aira,may dadaanan pa kasi ako ehh tsaka may pinabili pa sa akin si tiya kaya mauna ka na salamat na lang"ngumiti naman ito at tumango-tango

"Ah ganun ba? Sige kita nalang tayo bukas bye bye"ngumiti ako at nagba-bye na din sa kanya

Haysss.... Napakaraming nangyari ngayong araw na to,salamat at meron na akong kaibigan at ang bait pa nila (^_^)

Lumakad na din ako palabas at pumunta sa waiting shed para maghanap ng masasakyan.

Ayun! May nakita akong taxi kaya agad ko itong pinara at sumakay

"Manong sa Shantel's Coffee Shop po"

Mayghad ang traffic,urghh sana naman di ako mapapagalitan nito!.. Umusad kunti ang sinasakyan kong taxi pero agad ulit na huminto...

At dahil sa habol ko ang oras ay nagbayad ako kay manong driver at bumaba sa taxi saka nagsimulang tumakbo yeah tinakbo ko nalang.

Magiging runner na ata ako,kaninang umaga tumakbo tapos ngayon naman tumakbo! Sa bagay ano ang gamit ng mga paa diba?

Twenty five minutes akong tumakbo at sa wakas ay nandito na ako sa tapat ng coffee shop na pinagtrabahuan ko,nagpapart time ako bilang waiter dito dalawang oras lang dito tapos maglalaba naman ako dun sa kapitbahay namin at pagkatapos ay mag-aaral mga 1:00 o di kaya ay 12:00 ako matulog pag may magpapalabada sa akin.

¥•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••¥

Kawawa naman si Anastashia TT_TT huhuhu

So guys how's this chapter? Comment and votes tsaka paki follow nadin pllssszzzzzz

Sorry for the errors

Keep and enjoy Reading!

Kamsa~
Xoxo 💋

-MS

LEGENDARY GODDESS (THE GODDESSES Series #1)Where stories live. Discover now