Chapter 3

20 4 0
                                    

Anastashia Pov

Pauwi na ako ngayon galing sa trabaho ko sa coffee shop it's nine forty three in the evening at wala pa akong kain yeah hindi ako kumain kanina at ang masama pa eh naglalakad lang ako. Ngayon ang sweldo ko at walang pake si tiya kung masyado na akong gabi kung umuwi.

After fifteen minutes ay nandito na ako sa bahay. Tinungo ko agad ang kusina dahil gutom na ako. Tinignan ko ang ref kung meron bang ulam o kanin man lang. At sa kasamaang palad ay wala akong nahanap,hayss bakit ba kasi hindi pa ako sanay? Palagi namang ganito ah. Pumunta na ako sa bodega slash kwarto ko upang magbihis.

At kinuha ang tinapay na binili ko kanina,pagkatapos ay lumabas ng bahay at pumunta sa kapitbahay.

"Tao po.!!"kumatok ako sa pintuan ni aleng Mercy

"Teka lang!!!"sigaw niya,mukhang mag ginagawa pa si Aleng Mercy
"Oh ikaw pala Anastashia! Hali ka iha pasok ka muna"nakangiting pag-alok sa akin "kumain ka na Anastashia? Halika kain ka muna bago simulan ang trabaho"

"Nako wag na po Aleng Mercy,nagmamadali po kasi ako eh may pasok pa kasi ako bukas"pagtatanggi ko

"Hala oo nga pala noh? Halika at kunin natin ang mga labahan para makapagsimula at makapagtapos ka ng maaga"tumango naman ako at sumunod sa kanya patungo sa kanilang likod bahay.

"May washing na kami Anastashia kaya di kana mahirapan at mapadali ang paglalaba mo"nakangiting sabi ni Aleng Mercy

"Salamat po Aleng Mercy"

"Oh siya maiwan muna kita may ginagawa pa kasi ako eh"tumango naman ako bilang pagsang-ayun at nagsimula na itong bumalik sa loob ng kanilang bahay.


•K•I•N•A•B•U•K•A•S•A•N•

Nagising ako dahil sa ingay ng aking alarm clock. Bumangon na ako at walang buhay na pumunta sa banyo para maligo. Arghhh 1:38 na pala ako natulog kagabi dahil sinagutan ko pa ang mga assignments ko,tapos 4:00 gumising. Ganito naman talaga lagi kapag merong magpapalabandera at meron akong assignments,for sure matutulog na naman ako mamaya.

Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa kusina at nakita ang nagtambak na mga hugasin,hinayaan ko lang yun at sinimulan na magluto ng ulam.

Pagkatapos ko sa lahat ng gawain ay maaga akong umalis sa bahay. Mabuti pang wala sa bahay para walang ingay.

Pagkadating ko sa classroom ay agad kong hinanap ang aking upuan,masyado pang maaga at mag-isa lang ako dito. Mabuti pang makatulog muna.

Zzzzzz
Zzzzzzz
Zzzzzzzz

"Tashia~"

"Tashia~ gising na~"nakaramadam ako ng pagyugyug sa aking balikat

"Hmmm"

"Gising na malapit na ang time~"dinilat ko ang aking mata at tumingala upang tignan kung sino ang gumising sa akin. Si Aira pala,umayos ako ng upo at naghintay kay ma'am.

"Puyat ka ba kagabi? Bakit ang lalim niyang mga mata mo?"tanong niya sa akin

"Ah wala lang to,napuyat lang sa pagsagot ng assignments he.he.he."mukhang hindi naman siya kumbinsido kaya tumawa lang ako.

LEGENDARY GODDESS (THE GODDESSES Series #1)Where stories live. Discover now