Chapter 5

15 4 0
                                    

Anastashia Pov

Whoa! Sa wakas natapos na din! Kakatapos ko lang maglaba at bukas ay friday at may pasok na! Tumila na ang ulan pero hindi parin sumisikat ang araw.

Umalis na ako pagkatapos kong makuha ang sahod at umuwi sa bahay. Pagkapasok ko ay wala sila tiya,palagi naman. Hindi na ako magtataka kung mamaya pa sila umuwi hindi ko din alam ang mga trabaho nila,kung bakit lagi silang wala. Pero di ko na problema yun,nagpapasalamat pa nga ako doon eh.

Nag-igib muna ako ng tubig at nagluto pagkatapos,para naman may makain sila baka pagalitan na naman ako eh.

Kumain akong mag-isa at hinugasan ang plato pagkatapos ay pumunta sa bodega at sinimulan ulit na mag-assignment malapit na akong matapos dalawang subject nalang kunti nalang self makakaya mo yan!

"ANASTASHIA!!!"hala! Ano kayang nangyari kay tiya at sumigaw ito.

Dali-dali akong lumabas at pinuntahan si tiya na ngayon ay pulang-pula na. Anong nangyari kay tiya? Nakakain ba ito ng sili?

"Bakit tiya?"tanong ko sa kanya

"IKAW! IKAWNG BABAE KA!! WALA KANG KWENTA WALA KANG HIYA!! IKAW NA NGA ANG PINATIRA DITO TAPOS MUMURAHIN MO LANG AKO!!"lumapit ito sa akin at sinabunutan ako! Ouch ang sakit! Ano bang nangyari?!

"Tiya a-no po ba a-ang nang-yari? Tiya ma-sakit po!"mangiyak-ngiyak na ako dahil sa sakit. Feel ko mabubunot na ang buhok ko.

"TAPOS NGAYON MAGMAANG-MAANGAN KA?! WALA KA TALAGANG HIYA!! WALANG MODO!!! PAREHA KAYO NG INA MO!!! LUMAYAS KA SA BAHAY NA ITO!!!! AT WAG NA WAG KA NANG BABALIK DAHIL SA ORAS NA MAKATUNGTUNG KA DITO SA BAHAY NA ITO AY BUBUNUTIN KO NA TALAGA ITONG BUHOK MO!!!!!"mas diniinan niya pa ang pagsabunot sa akin kaya napaiyak nalang ako.

"Ti-ya di ko po ka-yo main-tindihan"umiiyak kong turan

"TSK!MABUTI NALANG PALA AT SINABI NUNG BATANG YUN SA AKIN KUNG ANO ANG NAKITA NIYA!! ISINULAT MO TALAGA SA DIARY-DIARY MO KUNG ANO ANG MGA HINANAKIT SA AKIN EH NOH?!! AT WALA KANG HIYA! MINURA-MURA MO PA AKO?! AKALA MO NAMAN MAY NAITUTULONG KA DITO PARA MURA MURAHIN MO KO! NGAYON MAG-IMPAKE KA NA! DAHIL AYAW KO NG MAKITA YANG PAGMUMUKHA MO!!!!!"anong pinagsasabi ni tiya? Di ko siya maintindihan.

"Tiya di ko po alam yan"patuloy parin ako sa pag-iyak "Aray tiya! Masakit po huhuhu"bakit ganun? Sino ba kasi yung nagsabi kay tiya na sumusulat ako ng diary?

Nang binitawan ni tiya ang buhok ko ay nakahinga ako ng maluwag feel ko napunit na itong anit ko sa sobrang sakit.

"Tiya—"magpapaliwanag na sana ako ng bigla niya akong sinampal,ang sakit! Ngayon ko lang naranasan toh! Buong buhay ko ay tiniis ko ang mga salitang lumalabas sa bibig niya at ngayon sinabunutan at sinampal niya ako... huhuhu nakakadami na sila.

Umalis ako sa harap niya at pumunta sa kwarto at nagsimula ng mag-impaki wala eh! Masaya nga ako at pinalayas ako dito pero kahit ganun ang trato nila tiya sa akin ay nagpapasalamat ako pero sumubra na sila eh!

Pero ang tanong saan ako titira? Wala akong alam na magpapaupa dito! Tsaka ayaw ko sa lugar na ito dahil makikita ko si tiya pagdito ako nangungupahan. Mabuti ng nasa malayo ako para naman makalimutan ko ang nangyari at panglalait nila sa akin.

Pagkatapos kong mag-impake ay agad akong umalis sa bahay,nadatnan ko pa ang dalawanb magkakapatid na nag-si-cellphone pero di ko na inalala yun. Basta makaalis ako sa lugar slash impernong bahay na ito.

LEGENDARY GODDESS (THE GODDESSES Series #1)Where stories live. Discover now