Episode 2 - The Comfort Room

2.4K 57 4
                                    

"Wala namang tao, ah?" Pagtataka ni Brenda nang na sa loob sila ng banyo.

"Nakita ko siya dito. Dito siya. Tapos... Tapos, may ka... kadena na nakatali sa paa niya!" Sabay turo ni Wency sa mismong lugar nakita.

"Anong ginagawa niya?" Mabilis na tanong ni Robie.

"Nakatalikod. Na... Nakaupo... Umi... Umiiyak..." Pinaliwanag ni Wency ang nakita. Nang makita niya ang babaeng ito sa tabi ni Robie!

"Ro... Robie... Nang diyan sa tabi mo!" Mangiyak-iyak na sinabi ni Wency. Sa sobrang kaba at takot niya tumakbo siya palabas! Hindi niya akalain na makita niya ulit ang babaeng iyon. Sa mismong tabi ni Robie!

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Iris sa kaibigan.

"Natakot kasi siya sa mukha mo!" Sabay tawa ni Robert.

"Naku, guys. Baliw na yata siya. Mismong first day of school, nagkaganyan na siya..." Theory ni Robie.

"It's so creepy. Lumabas na nga tayo dito..." Kaba ni Brenda.

=×=×=×=×=

Takbo pa rin ng takbo si Wency dahil sa takot sa nakita. Hanggang sa nabangga niya ang kaklase nitong si Jian. Napatumba naman silang dalawa.

"Sorry..." Paumanhin ni Jian.

"Okay lang..." Nawala ang takot ni Wency dahil sa pagkabangga sa kanya. Sabay naman silang tumayo.

"Ummm... Dati ka pa bang school dito?" Napatanong si Wency.

"Ah... Oo!"

"May narinig ka bang usap-usapan tungkol sa babaeng namatay sa banyo ng girls?"

"Paano mo nalaman?"

"Mahabang kwento. Baka hindi ka 'din maniniwala..."

"Nag papakita daw siya sa loob ng CR pag nag-iisa ka lang..."

"Totoo 'yun!"

"Pero hindi naman ako naniniwala sa mga ganoong bagay..."

"Palibhasa kasi, hindi ka babae. Kaya hindi ka naniniwala na may multo sa CR." Napatawa naman sa sinabi si Wency.

"Your funny." Napangiti naman si Wency sa sinabi ni Jian. Napantanto siya.

"Wait! Kailan nag school 'yung namatay na babae dito? Since 2000..."

"2008." Sagot ni Jian kay Wency. Napatakbo naman si Wency papuntang library.

"Salamat, Jian!"

=×=×=×=×=

"Meron po ba kayong School Album?" Tanong ni Wency sa librarian.

"Meron. Anong year ba, iha?" Umayos ng mga papeles habang nag-uusap ang librarian.

"2008 po." Lumapit naman ang librarian sa bookshelves na may nakasulat ito na 'School Year Album'. Kinuha niya ang album ng 2008 at ibinigay kay Wency.

"Salamat po." Agad namang pinatong ito ni Wency sa kanyang lamesa at sinimulang maghanap sa picture ng babae. Nilipat lipat niya ito sa iba't ibang pahina.

Nang pumasok ang mga kaibiganniya sa loob ng silid-aklatan. Inistorbo naman nila ito si Wency.

"Uy! Ano ba 'yan ginagawa mo?" Istorbong tanong ni Robie.

"Sinesearch ko lang 'yun itsura ng babae." Laking gulat ni Wency nang makita 'yun babae sa picture.

"Eto! Ito siya!" Banggit niya sa mga kaibigan niya. Tinignan naman nila ang picture nito.

"Mukhang artista siya." Biro ni Robert. Akala nila na biro-biro lang ang mga nangyayari kay Wency. Nang nag black out. Nagsigawan naman ang estudyante na nagbabasa sa loob ng silid-aklatan.

"Lumabas na tayo!" Sigaw ni Wency.

"Pero hindi natin nakikita ang pinto!" Natakot sa sinabi si Brenda.

"Hanapin natin 'yun pinto!" Sigaw si Robie. Paano na ba 'yan? Maghihiwalay sila para hanapin lang ang pinto?

"Tara na!" Dagdag pa ni Robie. Wala silang makita dahil nawalan ang silid-aklatan ng kuryente.

"Parang nahahawakan ko yata!" Sigaw ni Iris. Nahawakan niya ang door knob at inikot ito. Binuksan niya nga ang hinahanap na pinto! Sa wakas, nasilawan sila sa ilaw ng araw sa labas ng silid-aklatan. Lumabas naman silang lima. Nawala ang ingay sa loob ng silid. Paano? Nakita ng barkada ang nakapaskil na poster at binasa nila ang nakasulat nito.

"'The Library Is Under Construction'" Sabay nilang nabasa

"Ibig-sabihin multo ang nasa loob ng silid?" Pagtataka ni Robert. Nagsitakbuhan naman sila pababa ng building. Dala-dala ni Wency ang 'School Album Year 2008', hindi niya ito namalayan.

=×=×=×=×=

Hinga sila ng hinga dahil sa pagod na nararamdaman nila nang makadating sila sa baba. Nakakatakot naman kasi ang silid-aklatan na napasukan nila. 'Under Constrution' ang nabasa nila. Ibig-sabihin 'nun ay may multo sa loob nito? Nakapagtataka.

The Chain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon