Episode 4 - Stock Room

1.8K 46 1
                                    

Pumasok na sila ng stock room at hinanap ang mga gamit. Binuksan nila ang iba't ibang kahon para makita lang ang kagamitan ng badminton.

"Saan kaya iyon?" Pagtataka ni Wency. Binuksan niya ang isang kahon at ang nakita'y mga libro. Kinuha-kuha niya ito, baka may gamit ng badminton sa ilalamin ng mga libro.

"Guys, nakita ko na!" Sigaw ni Robert. Pinakita niya naman ang gamit.

"Gago ka ba, dude? Gamit 'yan ng pang tennis." Napatawa naman si Jian.
Laking gulat naman ni Wency nang makakita ng kakaibang libro! Kinuha niya ito at binitbit. Patuloy naman sila sa paghanap ng gamit.

Si Robert naman ay binuksan ang huling kahon, nang makakita siya sa loob nito ang isang papel na may sulat. Binasa niya naman ito.

"'Tumingin ka sa likod mo...'" Basa niya. Lumingon naman siya sa likod at nagulat na nawala ang kanyang mga kasama!

"Uh... Guys?" Walang sumagot. Sa sobrang takot niya ay tumakbo siya! Natumba naman agad, tinignan niya ang paa niya at naramdaman niya na may nakatali itong isang kadena! Napasigaw naman siya sa takot!

"Tuloong!! Tuloong!!" Walang pa 'ring nakakarinig sa sigaw niya. Siya nga ang sinunod ng multo, tinakot siya. Mangiyak-iyak siya sa kasisigaw. Hanggang sa tumigil siya sa narinig na boses.

"Okay ka lang ba, Robert?" Pagtatakang tanong ni Wency. Hallucinating kaya ang nangyari kay Robert?

"Dude, baliw ka na yata..." Ani Jian. Wala namang nasagot si Robert. Napaisip siya. Ako ang sunod. Oo nga. Nakakatakot ang nanggari sa akin. Baka nababaliw na yata ako. Bulong ng kanyang isipan.

"Hoy, Dude!" Bulabog sa kanya ni Jian. Nakagising naman siya sa pag imik.

"Uh! Bakit?" 'Yun lang ang kanyang na sabi.

"Na hanap na namin ang mga gamit..." Pinakita pa sa kanya ang gamit ng badminton. Tumayo naman si Robert at pinagpag ang sarili gamit ang kamay.

=×=×=×=×=

Katatapos lang ng klase, uwian na. Ang bilis talaga ng oras noh? Habang na sa loob ng kwarto si Wency-- binasa ang librong nakita sa stock room. Ngunit nagtataka siya kung bakit iyon tinago. Nag hahanap siya ng impormasyon sa babeng iyon. Hindi kaya ito ang librong tinago ng babae para basahin niya kung anong nangyari?

Nagulat na lang si Wency ng mabasa niya ang isang note na nakita sa likod ng libro. 'HIndi ko siya kilala. Wala akong kasalanan sa kanya. Bakit niya ginawa iyon sa akin?' 'yun ang nakasulat sa note. Binasa niya pa ang libro. Wag kang mag-alala babaeng nakatali ang paa sa kadena. Mahahanap 'din namin ang gumawa niyan sayo... Bulong ng kanyang isipan.

=x=x=x=x=

Habang nagsusuklay si Iris ng buhok niya sa harap ng salamin ay kumakanta siya. Binulabog naman siya ng kanyang nakakantandang kapatid.

"Kahit ano pang isusuklay mo, Iris. Hindi pa rin gaganda 'yan mukha mo. Buhok lang." Sabay tawa ng kapatid niya.

"Hoy, excuse me. At least may maganda sa akin. Eh sayo? Saan banda ang kagandahan mo?"

"Ikaw naman hindi ka mabiro. Pakiabot nga ng make-up. May party akong pupuntahan mamaya..." Inabot naman ni Iris ang make sa kapatid at kinuha naman ito. Tuluyan nang lumabas ang kanyang kapatid. Humarap naman siya sa salamin at tuloy-tuloy siyang nag suklay ng kanyang mahabang buhok .Hanggang sa nagulat siyang may boses siyang narinig!

"Psst. Iris..." Tumayo ang kanyang balahibo sa narinig. Siya lang naman ang tao sa loob ng kanyang kwarto! Patuloy pa rin tinawag ang kanyang pangalan.

"Psst. Iris..." Hindi kaya, siya ang sinunod ng multong babae?

The Chain (Completed)Where stories live. Discover now