Episode 6 - Evidence

1.5K 46 4
                                    

"Ba't ganoon, Brenda? Kasalanan ko ba ito kung bakit nawala si Iris?" Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Wency sa kaibigan habang nakaupo sila sa bench ng park.

"Wency, hindi mo 'yan kasalanan..."

"Siguro, ako dapat ang mamamatay..."

"Wag kang mag salita ng ganyan..."

"O? Sino ang ang susunod?! Si Robie?! Ha?!" Sigaw niya habang umiiyak.

"Hindi ko alam..."

"Sandali? Si Robie?" Napaisip naman si Wency.

"Bakit? Ano 'yun, Wency?"

"Siya ang katabi ng multo sa C.R., siya ang last. So ibig-sabihin..."

"Siya 'yun killer!" Sabay nilang sinabi. Agad naman silang napatayo at tumakbo kung saan sila patungo.

=×=×=×=×=

Pinuntahan nila ang C.R. ng mga babae sa kanilang paaralan.

"Babaeng nakatali sa kadena?!" Paghahanap nilang dalawang pero walang nagpakita sa kanila.

"Ummm... Hello?" Paghahanap ni Wency. Hanggang sa may nagtapon sa loob ng banyo ng kadena! Nagulat naman sila sa nakitang kadena! Pinulot naman nila ito.

"Yung marka ng kamay ni Robie. Ipapa-S.O.C.O natin 'to." Banggit ni Brenda.

=×=×=×=×=

"Ano po ba ang kailangan niyo?" Tanong ng head ng S.O.C.O.

"Pwede niyo po ba i-describe kung kaninong footprint itong sa kadena?" Sagot ni Brenda.

"Oo. Anong crime scene ba ang nangyari?"

"Hindi po namin alam. Pero--"

"Paano ba namin i-dedescribe ang footprint nito at hindi niyo alam ang crime scene?" Paliwanag ng pulis.

"Mahabang kwento po..." Ani Wency.

"At baka po hindi po kayo naniniwala..." Sabi ni Brenda.

"Sabihin niyo. Maniniwala ako..." Bumulong naman si Wency sa S.O.C.O.

"May multo po kasi sa banyo ng school namin. Nagpapakita siya sa amin. Gusto niyang hanapin namin ang killer para matahimik na daw siya." Paliwanag ni Wency.

"Ako 'din may nagpakita sa akin. Kaharap ko na..." Biro ng S.O.C.O. head. Hindi yata siya naniniwala sa kanila. Akala niya nag bibiro lang ang dalawa.

"Time waster!" Sigaw ni Brenda.

"Naging S.O.C.O. pa kayo. Hindi 'din pala kayo tumutulong." Ani Wency.

"Ibigay niyo na lang sa amin ang kadena. Basta, aalamin niyo ang krimen na nangyari." Paliwanag niya. Binigay naman nila ang kadena sa kanya.

"Kailan niyo po ba ibibigay ang sagot na kung kaninong footprint?" Tanong ni Wency.

"Tatawagan ko na lang kayo." Binigay niya ang kanyang mobile number sa kanila. Tuluyan namang umalis sila Wency at Brenda.

"Salamat po." Pagpapasalamat nila.

=×=×=×=×=

"Wency, paano kung hindi nila malaman kung kaninong footprint iyon?" Tanong ni Brenda habang naglalakad.

"Patuloy pa rin nating hanapin ang killer."

The Chain (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora