Prologue

9 1 0
                                    

Prologue


NAME: Maria Alessandria T. Canizares

NICKNAME/S: Alessa, gAndAK4gH0RrL_26

MOBILE NO.: 09112677801 (PS. Wag mo ko i-call, busy me siz!)

BIRTHDAY: February 26

AGE: secret

ZODIAC SIGN: Aquarius

MY MOTTO IN LIFE: Time is expensive so spend it well! Charr

MY FAVORITE DISH: Adobong Chicken iz life!

MY FAVORITE COLOR: Peach

MY AMBITION: Ambisyooooon!

FOR ME LOVE IS:


Napakamot ako ng ulo nang mabasa ko ang susunod kong kailangan sagutan. Kaloka namang mga tanungan oh, paano ba sasagutin yan? Lumingon ako sa kapatid ko na kasalukuyang nakikipag-video call sa jowa niya habang nakayuko na parang kinikilig. Pambihira, talande!

"Hoy, Maria Labo!" Tawag ko sakanya dali-dali naman nyang tinapos yung pakikipagtawagan sa jowang niyang 'di pa ata natuli. Masamang tingin ang binigay niya sa akin, aba siz! Attittude! Natawa ako sa naging reaksyon niya.

"Ate naman, Lavender nga kasi! Baka narinig ka ni Andrei, 'pag iyon na turn off sa akin" napakamot siya ng ulo niya at nagpapadyak pa. Aba, ang arte-arte talaga ng batang 'to. 

"Ambisyosa 'to! Ako 'wag mo akong artehan ah, grade 8 ka palang siz." Sinamaan ko siya ng tingin at sinenyasan na lumapit sa akin.

 "Halika nga dito, bilisan mo" Muli ay naalala ko yung dahilan kung bakit ko siya tinawag. 


Pinapasagot niya sa akin itong "Autograph for My Family and Friends" na kakailanganin niya 'kuno' para sa slambook na project nya sa English. Wala namang gan'to dati nung high school ako.

 Nang makalapit siya ay tinuro ko ang tanong na 'di ko alam sagutan. Napakamot ako ng ulo. "Paano ko 'ba 'to sasagutin? O ikaw nalang kaya siya sumagot?"

"Ganyan talaga pag 'di maganda at 'di ligawin. Walang alam sa love." Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa mukha na parang may naaalalang nakakakilig. Napakaarte talaga!

"Bruhang 'to, feeling mo naman tuli na yung jowa mo. Ambisyon!" Sinamaan niya ako ng tingin nang marinig ang sinabi ko. Asar-talo.

"Ikaw na sumagot neto tutal hilig mo lumandi." Tinapon ko sakanya yung ballpen na hawak ko. Narinig ko ang 'aray' niya ng tumama sa noo nya yung ballpen.

"Joke lang naman" tumatawa niyang sabi sabay abot ng sa akin ng ballpen "Sige lagay mo dyan 'For me love is like a rosary..."

"FULL OF MYSTERY!" sabay pa kaming humagalpak ng tawa sa sinabi namin. Eh kasi naman yun ang nakalagay sa Bio ni Mama sa Fb. Nakuha niya ata dun sa pinapanood na soap tuwing hapon.


Natigil kami sa pagtawa nang may tumunog na ringtone, sabay kami napalingon sa sariling mga cellphone. Pinakita ko sakanya ang cellphone ko para mang-asar. Napanguso siya nang makita na sa cellphone ko may tawag. Kala naman niya tatawagan siya ng 'babe' niyang 'di pa tuli. Ambisyon!


Tumayo na ako habang natatawa pa rin at lumabas na sa kwarto niya. Dali-dali kong sinagot ang tawag nang makita ko ang caller ID. "Sizmaryosep!!" Excited kong bati sa tumawag. Dali-dali akong pumasok sa kuwarto ko.

"Shiz, stop shouting Alessa!" Bahagya akong natawa sa malamig at mahinang boses ni Rianne. Masyado talagang seryoso 'tong taong 'to.

Kinapa ko ang switch para buksan ang ilaw sa kwarto at tsaka ni-lock ang pinto. Umupo ako sa may kama saka sumagot "Sorry sizmars hehe, gagalet ka naman agad!"sabi ko sabay peace sign kahit 'di nya naman nakikita.

"Psh, I'm not mad. I just wanna ask what time is your despedida party? 'cause I forgot." Bumagsak ang balikat ko, inikot ko ang paningin sa kwarto, sa gilid ng aparador ko nakita ko na nakapwesto and dalawang maleta na inimpake ni Mama. Bahagya pang nakaawang ang aparador at kitang-kita na wala ngang natirang damit sa loob. 


Mukhang pinapalayas na talaga ako ni Mama. Napabuntong hininga ako.

"Sizmars, are you okay?" Bumalik ako sa 'wisyo at natawa. Once in a bluemoon lang ako tawaging 'sizmars' neto, nakokornihan daw siya.

"Ano ka ba? of course, I'm fine" at least I'm trying to be. 

"You know how much I love being a nurse, right? Nakakalungkot lang  ng konti na kailangan kong iwan yung pangarap ko para matupad yung pangarap ni Mama." Gusto kasi ni Mama na ako yung tumupad sa naudlot nyang pangarap na pagmamadre. 


Lumaki si Mama sa isang relihiyosong pamilya. At simula pagkabata pinangarap niya ng maglingkod sa Diyos. Pero sinaniban ata ng espiritu ng karupakan at nung nakilala si Papa na boksingero, ayun nagpaknock-out. Edi sa malamang, nabuntis! Kuwento niya sa amin ay dapat magbabakasyon lang siya galing kumbento pero dahil sa nabuntis ay hindi natuloy ang pangarap na pagmamadre. 

Kaya naman pinasa sa akin ang ambisyon, kaloka talaga si Mamsh!


"Why won't you tell her then? You know, it is not your responsibility to be the person she wanted to be." Kung ganun lang sana kadali, aba why not? Alam kong ayaw din nitong umalis ako. Nag-iisang kaibigan lang ako ni Rianne at kung gaano kakonti ang kaibigan ganun naman karami ang utang at problema nito sa buhay.

"Alam mo naman mahina na ang puso ni Mama. Ayaw ko naman na sumama ang loob nun, baka kung mapano." May sakit si Mama sa puso, palagi pang mataas ang presyon. Kaya naman iniiwasan namin na pasamain ang loob. Kaya nung sinabi niyang gusto niyang ang ako ang tumuloy sa pangarap niya ay nahirapan akong humindi.


"Mamayang 9pm na tayo magkita, sizmars. Text na lang kita, bye na muna!" Nagpaalam na ako dahil sumama ang pakiramadam. I feel like I'm inside a tiny cell, suffocated, and can't do anything.

--

Naglalakad-lakad ako habang nakasalpak ang airpod sa tenga at nagce-cellphone. Well, bibili lang ako ng Sprite kay Aling Marites, naistress ako sa happenings sa life ko siz. Pero parang mas lalo akong naistress ng makita ang mga tambay nagkalat sa gilid ng daan, shet! Kaya ayaw kong lumabas ng bahay eh. 


Meron pang nag-iinuman, kaloka tirik na tirik pa ang araw pero 'tong mga tambay wala ng ibang ginawa kundi uminom at mangulangot. Nakita kong pasimpleng pinahid pa nung isa yung nakuha nyang kulangot sa ilalim ng mesa habang tumatawa. Kadiri!


Napatigil ako sa paglalakad ng may mabangga. Nakita 'ko sa harap ko ang nakasumbrerong at nakayukong lalaki na  naka itim na jacket. Bahagyang umangat ang ulo niya para humingi ng paumanhin. Nakita ko ang peklat niya sa may ibaba ng labi. 

"Sorry d-"'di ko na natuloy ang dapat sabihin ng lagpasan niya ako. Weird! Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy na maglakad.


"Aling Marites, pabil- AYY" napatalon ako napasigaw sa sunod-sunod na putok ng baril na narinig. Dali-dali akong yumuko.

Jusko new year na ba? Bakit may putukan?

What Is Love Series 1: Love is a MysteryWhere stories live. Discover now