01

7 1 0
                                    


Kabanata 1

Suspect

Nanigas ako habang nakayuko pa rin. Napalitan ng suno-sunod na putukan at sigawan ang boses ng mga chismosa naming kapit-bahay. Nang wala na akong marinig na putukan ay tumayo na ako. Bumungad sa akin ang humarurot na motor na may dalawang taong nakasakay.

Ang pumukaw ng pansin ko ay ang taong nakaangkas. Nakaitim na jacket at sombrero ito. YUNG LALAKING NAKABANGGA KO KANINA!

"Tumawag kayo ng Pulis!"

"Unahin niyo ang ambulansya, nag-aagaw buhay na si Pedring!"

"Nakatakas na ang bumaril, Rinding-in-tandem, pare."


Napalingon ako sa kabilang parte ng daan kung saan nagkaroon ng komusiyon at nakapalibot lahat ng mga tao na nakatambay kanina. Dali-dali akong tumawid para tumulong.


Nagulat ako ng makita ang dalawang katawan nakahandusay at ang mga basag na baso't bote ng beer. Lumapit ako sa pinakamalapit na katawan na nakadapa punong-puno ito ng tama ng bala. I tried to check his pulse, unfortunately he's already dead on the scene. Nakita ko na may tama ito sa gitnang arte ng noo. I sighed and stand up to move on to the other victim.


"May tumawag na ba ng Ambulansiya?!" Tanong ko sa mga nakikiusyuso bago lumapit sa susunod na nakahandusay pero tiningnan lang nila ako pabalik na parang 'di rin alam ang gagawin. I fished my cellphone out at tinawagan ang Hospital na dati kong pinagtatrabahuhan. I set my phone to loud speaker.


Lumapit ako sa isa pang nabaril, hawak-hawak siya ng misis niya. I examined him and saw that he has a gunshot wound on the legs and the side of his stomach.


"Hello, please send at least 2 ambulances immediately. Nagkaroon ng barilan at may mga natamaan." I tried to keep myself as calm as possible. I told them the address and instructed them to hurry up.

Inabot ko ang panyo na nasa bulsa ng shorts ko at hinarap ang babaeng umiiyak at nakaalalay sa ikalawang nabaril.

"Misis, calm down. The ambulance is on its way" Ginamit ko ang panyo para pigilan ang pagdurugo sa tagiliran ng lalaki. Walang exit wound kaya kailangan na alisin ang bala na nasa loob niya ngayon.


Dumating ang ambulansya at dinala na ang mga nabaril sa hospital although the other one will go straight to the morgue.


Napuno ng pulis ang lugar. Nagtatanong sila sa mga tambay na naging witness sa pamamaril. Kumonti din ang mga taong nakikiusyoso sa paligid, mukhang nakontrol na ng pulis at pinapasok sa kanya-kanyang bahay.


Tumayo na ako, punong-puno ng dugo ang kamay at damit. May humarang sa akin na sa palagay ko'y pulis. Humawak siya sa braso ko at ineksamin iyon.

"Are you okay Miss? Punong-puno ka ng dugo. Do you want me to call an ambulance?" Inangat ko ang tingin ko sa nagmamay-ari ng malamig na boses na nagsalita.


HOLY MOTHER OF ALL, ANG GWAPO, TAKTE!


Parang nawala lahat ng pagod ko, shems! Bahagya akong napatunganga sa kaharap. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong pulis. Nagkamali ata 'to ng propesiyon na pinasok dapat nag modelling nalang o nag-artisa. Ang gwapo talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Is Love Series 1: Love is a MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon