Chapter 13: RESTO BAR

238 6 0
                                    

[FYBS POINT OF VIEW]

Dahil sa pangungulit nito ay napilitan na akong isama sya..

Naisipan ko na pumunta sa Antipolo.. habang nagtatrabaho ako kay nathan ay may naipon ako.. at sapat na yung naipon ko na yun para makapag patayo ng business dito.

Ang "FYBylicious", isa itong resto bar. hindi alam ni nathan na nagpatayo ako ng business dito ang tanging pinagsabihan ko lang nito ay si sophie.

Mga ilang oras ng makarating kame dito.

"FYBS! Napasyal ka dito? Hindi mo manlang ako sinabihan" sabi ng pinsan kong si jonalyn


Si jonalyn siya yung pinsan ko na pinaka close ko sa lahat. Siya yung pinag manage ko ng business ko habang nasa manila ako.


"Sorry jona, biglaan eh" sagot ko dito. Wala na kase akong maisip na lugar kung saan ako pupunta.


"May nangyare ba?" Pag aalalang tanong nito


"Wala naman, gusto ko lang mamasyal" pagsisinungaling ko dito.

"Boyfriend mo ba yang kasama mo?" Tanong nito sabay tingin kay adrian

"No, actually kakakilala ko lang sakanya by the way siya nga pala si adrian" pagpapakilala ko dito


Agad naman inilahad ni adrian ang kamay nito kay jona at iniabot naman ito ni jona at nagpakilala rin dito.

Bigla naman akong nilapitan ni jona.

"Uhm! Excuse me lang ha?" Pagpapaalam nito kay adrian at saka ako hinatak ng konti para malayo kay adrian.

"Oy fybs, mapagkakatiwalaan ba yang kasama mo? San mo naman balak patulugin yan?" bulong nito

"Ewan ko, pero mukha naman syang mapagkakatiwalaan." Sagot ko rito.


"Wag mong sabihing balak mo yang patirahin sa bahay? Nako fybs baka may gawing masama yan satin" di napansin ni jona na malakas na pala ang pagkakasani nya kaya narinig ito ni adrian.

"Pwede naman akong mag stay nalang sa hotel, may malapit ba ditong hotel?? And don't worry wala akong gagawing masama sainyo.. mabuti naman akong tao" sabi nito at ngumiti


"Ang ingay mo kase jona" bulong ko dito.


"Sorry naman" sagot nito.


"By the way adrian tara kumain na muna tayo, para matikman mo rin yung pagkain dito sa resto bar" pag iiba ko ng usapan.


Maaga pa naman at wala pang masyadong tao.. tuwing gabi nagdadatingan ang maraming customer.


Umupo na kame at ipinag handa kame ni jonalyn ng makakain.


Ang sasarap naman ng mga pagkain nyo dito, ibang iba sa mga karaniwang napupuntahan ko.


"Syempre ako ang nag luto ng lahat ng yan" tuwang tuwa namang sabi ni jonalyn.

"Sana lahat magaling magluto" nagtawanan naman kameng tatlo. Hindi naman kase ako magaling maluto.


Mga 6 pm ay dumagsa na ang maraming customer.. nandito ako sa counter, nag aassist ng mga customer. Kasama ko dito si adrian habang si jonalyn ay nasa kusina.


"Gusto ko sanang mag trabaho dito" biglang sabi ni adrian

"Seryoso ka? Hindi kana ba tutuloy dun sa aapplyan mo?" Tanong ko rito.


"Oo" maikling sagot nito

"Kung ganon sige, payag ako" agad ko namang sagot dito

3 am nagsasara ang resto bar. 10 am naman ang bukas nito.

3 am ng magsara kame ng bar. Dumiretso kame sa bahay ni jona, siya ang kanyang asawa at isang anak ang nakatira doon.

Sakto tatlong ang kwarto sa bahay nila. Malapit lang ang bahay nila sa resto bar.

Napagpasyahan ko na dun nalang pa stayin si adrian.


"Oh fybs, mabuti naman at bumalik ka rito" bati ng asawa ni jonalyn na si Jonas

"Tita fybs!" Sigaw ng limang taong gulang na si samantha ang kanilang anak.


"Oh samantha! I miss you!" Bati ko rito "hindi kaba nagpapasaway kila mommy at daddy mo?" Tanong ko rito at binuhat ito

"Hindi po tita, good girl po ako" sagot nito


"Verygood!" Sabi to dito at binaba na ito.


"Tita, boyfriend mo ba sya?" Tanong nito sabay turo kay adrian.

"No samantha, we're just friends" sagot ko rito

"Bagay po kayo tita, maganda at gwapo" natawa naman kaming lahat.

"Ito talagang batang to, pag pasensyahan nyo na sya.. madaldal talaga sya" sabi ng daddy ni samantha. Natawa lang kame dito.


"Oh sya, magpahinga na kayo" sabi ni jonalyn.


Simple lang ang buhay nila, si jonalyn ang nagmamanage ng business yung asawa naman nito ay nagbabantay sa kanilang anak.


"Matulog na tayo, dun ka sa kabilang kwarto. Pag may kailangan ka, tawagin mo lang ako ha?" Sabi ko kay adrian.


"Okay, salamat fybs goodnight" sabi nito.



"Okay goodnight din"


Pag tapos non ay pumasok na kame sa kanya kanya naming room at natulog.

SEXy SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon