#46 SVT ACTOR ROLE ON A PHILIPPINE DRAMA

677 23 1
                                    

DINO

-Ang inaaping bida
-Sya yung laging inaalipusta ng kanyang step mom
-Yung maala cinderella kaso boy version
-Sya din yung bidang laging pinag aagawan ng babae kahit mahirap lang sya
-At sya din yung isa sa magkaptid na pina dna tapos nalaman na sya talaga yung tunay na anak pero...

Francis: /kinuha ang DNA test na nakapatong sa mesa/ Ngayon malalaman ko na sa wakas kung sino talaga ang totoo kong anak

Dino: /smile/ Lalabas na din ang katotohanan /tumingin kay Gale/

Francis: /kinuha na ang papel sa loob ng envelope/ /eyes widened/ H-Hindi ako makapaniwala.. /Pinagpalitan ng tingin si Gale at Dino/

Dino: /smile/ Da---

Francis: Gale ikaw talaga ang tunay kong anak /niyakap si Gale/

Gale: /smirk/

Dino: /eyes widened/ P-Pero ako ang--

Veronica: Wala ka ng magagawa lumabas na ang resulta kaya makakaalis ka na!

Dino: P-Pero ako ang tunay na anak!

Veronica: Hindi marunong magsinungaling ang DNA test kaya lumayas ka na sa pamamahay na to. Isa ka lang palamunin!

Dino: Pero--

Veronica: /lumapit kay Dino at binulungan/ Si Gale ang dapat na maging tagapagmana at hindi ang isang katulad mo /smirk/

(No 1: Hindi ko alam pero napapansin kong madalas kapag may DNA test na nagaganap madalas mangyari na babayaran ng stepmom yung doctor para mapeke yung DNA. Ewan ko lang kung pansin nyo din HAHAHA)



VERNON

-The Gwapong second lead
-Dahil second lead lang sya hindi sya yung pipiliin
-Aray hindi pinili parang yung nag babasa
-Ay sorry namersonal
-So balik na sa topic.. Ahem!
-Actually sya yung unang nagustuhan ng bidang babae
-Pero hindi sya ang huling pinili
-Sad 😥 


Vernon: Why him? Bakit hindi ako? Am I not Enough?

You: I'm sorry Vernon.. Pero mas mahal ko sya

Vernon: Why? Bakit hindi ako? Ano bang meron sya na wala ako? /holds your wrist/

You: I'm sorry.. But you deserve more better than me /inalis ang pagkakahawak nya/

Vernon: You are the best for me.

You: /bit your lower lip/ Vernon I'm sorry.. I love Gale. I'm sorry for not choosing you. You have been a good friend to me but you deserve more better than me. Makikilala mo rin ang para sayo. /walks away/

*insert background music: I'll never go*

Vernon: Why? Bakit ako lagi ang talo? Ako ang nauna pero bakit ramdam kong ako ang huli? Kailan ba ako mapipili /unti unting tumulo ang luha/

~I'LL NEVER GO FAR AWAY FROM YOU
EVEN THE SKY WILL TELL YOU~

(No.2: Hindi naman sa ano ah. Kasi ewan. Ang daming second lead na gwapo na deserving naman talaga makatuluyan ni lead girl. O kaya naman kung sino yung huling dumating yun yung pinipili. Pero hindi ka pa din pinili sad naman)




SEUNGKWAN

-Ang baklang bestfriend mo
-Supporting role
-Ang cheerful na bestfriend
-Taga advice ni bidang girl
-Na may jowa pa kesa sa bidang girl
-Let me rephrase
-Mas sagana pa lovelife nya kesa sa bidang girl
-Kesa sa lovelife nyo
-Nagsalita ang may lovelife AHAHAH

You: Anong gagawin ko? Sinong pipiliin ko?

Kwannie: /may subong... lollipop/ (Baka iba isipin nyong nakasubo ah) /inabutan ka ng tissue/ Ngayon alam mo na nararamdaman ko kapag namimili ng lalaki

You: /frowned/ Ano ba Seungkwan umayos ka nga nanghihingi ng advice sayo yung tao tapos ganyan ka

Kwannie: /chuckles/ /tap your back/ Piliin mo kung sinong mas matimbang sa kanilang dalawa. Hindi ka naman siguro maharot kung parehas silang pipiliin mo?

You: /bit your lower lip/ Naguguluhan kasi ako. Parehas silang importante para sakin. Parehas silang nagkaroon ng malaking parte sa buhay ko

Kwannie: Ah alam ko na!

You: Ano?

Kwannie: Halikan mo na lang sila pareho tapos kung sino mas magaling yun yung piliin mo!

You: /glared at kwannie/ BOO SEUNGKWAN WAG MO NA AKONG KAKAUSAPIN!!

(No.3: Hmm.. Hindi ko mostly toh nakikita pero may mangilan ngilan akong napanood na laging may kaibigang kwelang bakla ang bidang babae o kaya lalaki lalo na kung RomCom dramas HAHAHA)

SEVENTEEN THREADSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon