Chapter 13

228 46 11
                                    

"Ulitin mo nga ang sinabi mo" sinabi ko kay Lucas habang naglalakad papunta sa gawi niya. He is wearing his PE attire matching with his white sneakers. He looks handsome and fresh wearing his uniform kahit halatang bagong gising.

"Wala, sabi ko halika na. Malalate pa tayo" he smirked at me.

Inirapan ko siya sabay maglakad ng mabilis papunta sa school. I heard his footsteps going near me kaya mas lalo kong binilisan. Hinihingal siya dahil hinahabol niya ako.

"Antayin mo naman ako" sabi ni Lucas

"Bilisan mo kasi ambagal mo maglakad. Naunahan pa tuloy kita" singal ko sa kanya.

Nung nasa gate na kami ng school, sabay kaming pumasok at pinakita ang ID namin sa loob. May mga estudyante na nasa hallway at nakikipagusap sa kani kanilang kaibigan habang tinitignan kaming dalawa. Hinayaan ko nalang sila.

"Sabay na tayo umakyat sa classroom" aniya

"Bakit kailangan kasama pa rin kita?" tanong ko sa kanya.

He patted my head at ginulo niya ang buhok ko.

"Ano ba? kakaayos ko lang ito kanina" sabi ko

"Ang sungit mo halika na nga" he smirked at me.

Sabay na nga kami umakyat ng classroom namin. Nung nasa tapat na kami ng classroom at bago kami maghiwalay, he called my name.

"Yes what?" sabi ko sa kanya.

"Lets eat together" simpleng sabi niya. Napatigil ako sa paglalakad para lumingon sa kanya.

"Saan naman?" tanong ko sa kanya.

"Somewhere just the two of us" he simply said.

Hindi ako sasama. Baka kung saan saan na naman ako dadalhin nito. Tsaka busy ako magaaral for graded recitation at quiz sa isa naming subject. Mag focus na rin ako dahil sa naglalapit na finals.

"Busy ako at hindi ako sasama. Magaaral pa ako for finals and may graded recitation pa kami and quiz." sinabi ko sa kanya.

"Then lets review together then. I'll help you study with your subjects." sabi niya habang ginugulo ang kanyang buhok.

"Sure ka? okay lang? Paalam muna ako kailan ba ito?" tanong ko kay Lucas.

"Tomorrow?" tanong sa akin

"Okay sure bukas." sabi ko.

Pagdating ko sa classroom, nagsisingay ang mga kaklase ko haha. May mga nagtatawanan at naghihiyawan sa di ko alam kung ano ang pinagtatawanan at pinaghihiyawan nila.

"Allieana" patawag sa akin ni Zoe habang pumupunta siya kung saan ako.

"Oh?" patanong kong sabi

"Kasabay mo pala pumasok si Lucas yieee" kinikilig na sabi ni Zoe.

"Nakita ko rin yon" salubong sa akin ni Leighna.

I rolled my eyes and went to my place at nagrereview ng notes. Lumapit rin sila sa harap ko. Nagtatawanan silang dalawa ni Leighna.

"Kasabay mo noh? Kinikilig ka na niyan" Zoe giggled.

"Nagkita lang kami sa school" tipid kong sabi.

"Oh talaga?" hindi makapaniwalang sabi ni Zoe sa akin.

Pagkatapos namin magkwentuhan, nagsitahimikan na ang iba dahil pumasok na ang aming teacher para maglessons at review na rin for upcoming finals next week.

Nagpapractice kami gumawa at magsummarize ng isang artikulo para sa isang subject namin sa finals. Mahaba rin kasi itong binabasang artikulo namin kaya medyo time consuming.

Chasing Dreams (Strand Series #1) [MAJOR REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon