Chapter 17

219 6 0
                                    

"Go Juniors!!" sigaw ng batch namin sa mga manglalaro ng volleyball

Sabay sabay namin chineer ang manglalaro ng volleyball sa amin. Round 2 palang ng game ang galing magserve nung kabilang kalaban kaya ang score ay lamang sila. Patuloy pa rin sila sa pagchecheer at winawagayway ang kung ano mang hawak nila para mamotivate ang mga manglalaro.

"Juniors! Habol! Juniors!" sigaw pa nila at tsaka marinig ang sipol ng nagsasabi na tapos na ang laro. Ang nanalo ay ang lower batch. Magaling ang blockers nila kaya lagi sila napapanalo.

"Zoe saan na tayo?" tanong ko sa kanila ni Leighna.

Napalingon sila sa akin at tsaka sumagot sa akin.

"Tapusin muna natin laro tapos bili tayo sa labas tutal mamaya pa susunod na game." sabi ni Leighna sa akin at patuloy pa rin ang pagcheer. Mamaya pa mga game nila kaya ito sinusulit namin ang panonood sa laro.

Round 3 na pero lamang pa rin sila ng limang puntos. Nagserve ang kabatch namin at sinalo ng kabilang team, pagsalo ng kabilang team, humabol yung batchmate namin. Mainit ang labanan kaya todo cheer na kami on top of our lungs.

Pagkatapos ng game, nagkasalubong ko si Lucas sa may labas mg quadrangle. He is wearing a yellow shirt and shorts siguro mamaya na game niya. Im going to support him play his sport. Ganito pala pakiramdam pag may jowa ka na sporty.

"Game niyo na?" tanong ko sa kanya pero umiling ito. Ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang aking buhok.

Inirapan ko siya at patuloy maglakad. Naramdaman ko na sumunod siya sa akin kaya huminto ako at humarap sa kanya.

"Bakit?" tanong ko habang nagtataka bakit niya ako sinusundan.

"Bili tayo ng pagkain, libre ko." tumaas ang dalawang kilay niya na parang nangaasar.

"Sige libre mo ha?" pangaasar ko sa kanya pero pinisil niya ang aking pisngi at kumunot ang aking noo ko nang ginawa niya yun.

"Gigil na gigil ah!" tawang tawa ako sa kanyang ginagawa. Tumawa lang siya sa aking sinabi

Bakit kasi ang cute nitong Lucas na ito. Swerte na meron ako nito. Naalala ko lang na nung una ko palang nakita siya ay naiinis ako sa kanyang awra at masungit ito nung una kong nakilala pero ngayon oo masungit pa rin pero madali ako naasar pag kasama siya. In short, I love him.

"Tara na nga" hinila ko ang kanyang palapulsuhan papunta sa mga stalls ng pagkain sa labas ng campus. Magkahilera ang mga stalls at marami rin ang bumibili.

Pagdating namin doon, marami halos ang tao kaya naglilibot kaming dalawa ni Lucas. Sila Zoe at Leighna susunod nalang daw mamaya dito. May pinapanood pa daw silang laro kaya nagpasya muna sila magstay sa may quadrangle.

"Gusto mo doon?" turo sa akin ni Lucas doon sa may stall ng waffle. Tumango ako at pumunta kami doon dalawa.

"Wait here love." he said, holding my shoulder.

I nodded and smiled at him, watching him walk away. He is caring and loving for me in the most simplest things thats why Im thankful that I met him.

"Allieanaaa!!" tawag sa akin ni Leighna kaya napalingon ako sa kanila at kumaway at pumunta sa akin.

"Musta game na pinanood niyo?" tanong ko sa kanila.

"Nanalo sila vs Grade 10" natutuwang sabi niya.

Dodgeball ang pinanood nilang dalawa habang kami ni Lucas lumabas sa campus para nga bumili ng pagkain at libre daw so tipid sa baon.

"Ano ginagawa mo pala dito? hinanap ka namin." she said, arms crossed.

Chasing Dreams (Strand Series #1) [MAJOR REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon