CHAPTER 1

28 0 0
                                    

Chapter 1

"Kairo." I called him. It's already lunch time but he's still busy solving math problems. Alam ko naman na malapit na ang contest namin at kailangan talaga naming mag-review pero kailangan din naman namin kumain. I'm really hungry, I haven't eaten anything yet.

"What?" He asked.

"Let's eat. Gutom na ako." Sabi ko. Sobrang seryoso siya habang tinatapos ang isang math problem.

"Mauna ka na. I'll just finish this one." Sabi naman niya. I frowned at him. For sure, my friends are done eating already, ayoko namang kumain mag-isa. I guess, I'll just wait for him.

Instead of going, I opened my reviewer and I tried to solve another again. Kung balak niyang tapusin ang isang page ng reviewer ngayon ay siguradong makakailang problems din ako, sayang din ang mare-review ko.

He then looked at me and he raised his eyebrows. "What are you doing? I thought you're hungry?" Aniya.

"I don't want to eat alone. I'll wait for you." Sabi ko at binalik na ang atensyon sa reviewer na nasa harap ko.

I heard him sighed so I looked at him again. Sinara niya ang librong ginagamit niya at inayos ang mga reviewers at mga papel. "Let's go."

"Huh? Akala ko ba tatapusin mo 'yan?" Tanong ko at tinuro ang isang page ng reviewer.

"You said you're hungry. Tara na." Nauna na siyang lumabas ng library, hindi man lang niya ako hinintay. Hindi ko siya maintindihan, minsan ang sungit niya, minsan naman sobrang friendly niya.

We're classmates since elementary. Kaming dalawa ang laging sinasali sa mga contest but we're not really that close. Crush ko siya noon pa pero hindi naman niya ako pinapansin. Nag-uusap lang naman kami kapag nagre-review para sa contest o 'di kaya kapag may event sa school. He's the President of the Student Council and I'm the Vice President .

"Find a seat for us and I'll be the one to order." He said. Medyo nagulat pa ako dahil sa sinabi niya. Usually, wala siyang pakialam sa presence ko at hinahayaan niya lang akong gawin ang gusto ko. Well, I guess, something between us has improved. Gaya ng sabi niya, naghanap ako ng bakanteng upuan. Marami pa kasing kumakain ngayon dito sa canteen, mostly, mga seniors.

"Hi, Gabbi!" Napatigil ako sa paglalakad patungo sa bakanteng upuan na nakita ko nang may bumati sa akin.

"Hello po." Bati ko pabalik. Kung hindi ako nagkakamali, isa siyang senior dito at nakasama ko na siya noon sa isang contest, I remember his face pero hindi ko matandaan ang pangalan niya.

"I'm Adi. Remember?" Nginitian ko siya. Right, natatandaan ko na. Adrian Iverson, the school paper editor in chief. I'm a writer too but I'm not as active as before. Although, I still write for the school paper, hindi na ako sumasali sa contest.

"Yeah. Kuya Adi, kumusta naman?" I asked.

"I'm fine. Medyo busy dahil madaming ginagawa. And we're preparing for the contest next month." He answered. "Anyway, why don't you join us? Kulang pa kami ng isang writer. Baka gusto mong sumali ulit? You're a great writer, sayang lang at hindi ka sumali noong nakaraan." Aniya.

"I'll think about it, kuya. For now, I'm reviewing for the math contest." I said. Kung tatanggapin ko ang alok niya ngayon ay baka hindi ako maka-focus sa isa.

"Sure. Next month pa naman ang contest. Basta, inform me when you've already decided, okay?" Tumango ako. Actually, gusto ko na ding bumalik doon pero madami pa akong pinagkakaabalahan sa ngayon.

"Sige, kuya. I'll just message you."

"Gabrielle." Sabay kaming napalingon ni Kuya Adi sa tumawag sa akin. Kairo's approaching us with a tray on his hand.

Torn BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon