Simula

582 14 1
                                    

SIMULA




"Eleanor, apo nandyan na ba ang mama mo?" tanong ng lola ko, masyado na siyang mahina dahil sa labis na katandaan. Kami nalang din ang magkaagapay sa buhay.



"Lola, wala pa po e. Ilang taon na din po siyang hindi bumabalik, 'di po ba?" sagot ko sakanya, tumango lang siya bilang sagot.



"Hala sige, mag igib ka muna. Tandaan mo, wag na wag mong bubuksan ang isang balon ha?" Utos niya sakin, tumango naman ako. "Mag iingat ka Eleanor, maghihintay ako dito." Dagdag niya pa tsaka ngumiti saakin.



Naglakad ako papuntang balon at sumalok ng tubig. Dahil sa kuryosidad, binuksan ko ang trapal sa isang balon.



"Eh? Wala naman palang tubig kaya naman pala sabi ni lola wag dit-" Di ko na natuloy ang sinasabi ko namg bigla akong higupin ng balon.



"Aaaaaaaaaaaah!"



Napapikit ako sa takot at hinayaan ang katawan kong magpa agos sa hangin.



Naramdaman ko na na hindi na ako nakalutang kaya napadilat ako.



"Hmm? Gabi na agad?" tanong ko sa sarili ko.



Naglakad ako sa kakahuyan nang may maramdamang parang tumawid mula sa kabilang puno papunta sa isa pa.



Totoo nga ang kwento sa baryo namin. Ang kwento tungkol sa mundong ito. Ang mundo ng mga bampira.



Nanatiling tikom ang bibig ko at tahimik na naglakad papunta sa kinaroroonan ng balon. Nandoon pa din yon. Ang isa ay may tubig at ang isa ay wala. Binuksan ko ang trapal na nagsisilbing takip ng balon na walang lamang tubig.



Hinigop ulit ako non, hindi na ako natakot at nagpaagos na lang sa hangin. Pagdilat ko, nandito na ulit ako sa mundo ko. Gabi na nga, napatingala ako at nakita ko amg buwan. Bilog na bilog ang buwan.



Kinuha ko ang libro ko na tungkol sa mga bampira. May mga orasyon at isang orasyon ang naagaw ng atensiyon ko sa pagbabasa. Orasyon para sa likidong kaya kang gawing pansamantalang bampira.




Kinaumagahan, naabutan ko si lola na nagluluto ng aming almusal.



"Oh apo, gising ka na pala." ngumiti sakin si lola at inaya akong kumain.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now