KABANATA 1

224 9 0
                                    

KABANATA 1

"Anak ko! Sa wakas ay  nagkita din tayo!" sigaw ni mama at niyakap ako ng mahigpit.

"Ma, dito nalang ako." Sabi ko sakanya ng maluha luha.

"A-anak hindi pwede, hindi ka bampira tulad namin." Halos pabulong lang ang salita niya.

"A-ano? Hindi s-siya b-bampira, Lady Eloisa?" Naguguluhang tanong ni Prinsipe Rufus.

"P-prinsipe, pakiusap. Itago lang natin ito." Halos lumuhod na ang mama ko sa harap ng prinsipe.

"Sandali lamang Lady Eloisa." Bakas ang awa ng Prinsipe sa nanay ko base sa boses niya.

Lumabas ang Prinsipe saglit at pagbalik niya ay may kasama na siyang isang babae. Ngumiti ito saamin bago umupo sa harap namin.

"Prinsesa Phyra..." Bulong ng nanay ko.

Hindi maipagkakaila na Prinsesa nga siya. Kutis porselana na balat, magandang ngiti, pati ngipin sobrang puti. Maganda ang kasuotan, at may koronang puno ng makikinang na bato. Medyo makapal ang kanyang kilay at maliit lang ang mukha, naka-lugay ang mahaba niyang buhok na kulot sa dulo. May pagka-singkit ang mata at maninipis lang ang mga labi.

Ngayon ko lang din napansin na nag iba na ang damit ni Prinsipe Rufus.

Ang kaninang simple at medyo di kaaya ayang damit ay napalitan ng magarbo at maayos na damit. Nakasuot na siya ng kulay pulang baluti na may bato sa bawat edge, nakasuot din siya ng koronang puno ng makikinang na bato.

Maputi ang kutis, halatang makinis at nawawala ang mga mata niya kapag nakangiti, lumalabas pa ang dimple, makapal ang kanyang kilay at kitang kita ang jawline niya, perpekto ang hugis ng kanyang mga mukha. Medyo makapal din ang mga labi.  Nag uumapaw sa kakisigan.

"Bakit niyo ako pinatawag dito?" Malambing na sabi niya at ibinaling ang tingin sa akin, ngumiti siya at nginitian ko siya pabalik. "Sino naman ang magandang Binibining ito?" Tanong niya tsaka ako tinuro.

"A-anak ko ho mahal na Prinsesa, Si Eleanor. I-isang mortal." pagpapakilala ni Mama sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ni Prinsesa Phyra.

"A-anong? Paano? Paanong ang dugo ng isang mortal ay hindi ko maamoy. Malakas ang amoy ng dugo ng isang mortal, halimuyak ng lotus flower. Ngunit, wala akong maamoy." Naguguluhang tanong niya sa akin.

"Antidote po mahal na prinsesa." Sagot ko tsaka nilabas ang Bote na naglalaman ng Kumikinang na tubig na kulay pula. Iniabot ko iyon sa Prinsesa at tinignang mabuti.

"Spell, may magic spell 'to hindi ba?" tanong niya tsaka ngumiti.

"Opo." Sagot ko at nginitian din siya. Tinitigan niya pa ulit ito ng mabuti bago ibinalik sa akin at ngumiti.

"Sabi ng mahal kong kapatid ay ikaw na daw ang aming tagapagsilbi," inilipat niya ang tingin niya kay Prinsipe Rufus tsaka ngumiti at binaling ulit ang tingin sakin. "Totoo ba iyon?" tanong niya sakin.

"Opo mahal na Prinsesa." sagot ko at marahan siyang tumango.

"Okay then, halika ipapakita ko ang kwarto mo." Tumayo siya at naunang lumabas ng pinto.

Sumunod kami nila mama at Prinsipe Rufus.

'Sigurado ka ba na gusto mong manilbihan ang anak ko dito Mahal na Prinsipe?' Narinig kong tanong ni Mama gamit ang isip niya, alam ko ito. Ito ang tinatawag nilang, Telepatiya.

'Opo Lady Eloisa, nararamdaman ko po na mabait siya at meron 'ding ginintuang puso kagaya ng sainyo. Kung gusto niyo po ay gagawin ko siyang Sekretarya naming dalawa ni Phyra kung mamarapatin ninyo.' Sagot naman ni Prinsipe Rufus.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now